Mission # 21

127 2 2
                                    

Aica's POV

"Nandiyan na siya!" Sigaw ni Chen.

"Sige na puntahan mo na siya." Sabi ni Amee.

Tumingin ako sa kanilang lahat.

"Fighting!" Sabi ni Rhian.

Kinakabahan ako. Tumayo na ako.

Aigoo! Lord please help me!

"Yung tinuro ko sayo!" Pahabol ni Chen.

Alam niyo kung ano tinuro niya sakin. Dapat payagan ko lang daw si Kai kung ano ang gusto neto.

Huminga ako ng malalim at naglakad na ako papunta sa reserve table namin.

"Hmmmmmm. Kanina ka pa ba?" Tanong ko kunware.

"So there you are." Tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi. Inusog niya yung upuan at inalalayan ako para makaupo. Hindi ako mapakali. Tumingin ako sa table kung nasan sila Amee kahit na alam kong hindi ko naman sila makikita.

"Kararating ko lang din." May lumapit na waiter sa amin.

"Jagiya ,What do you want ?" Yuck! Nakakasuka! Agad-agad?

"Tubig na lang." Nakakauhaw eh. Sa mga pinagsasabi niya pa lang ubos na lahat ng tubig sa katawan ko.

"Haha ok. Just give us triple pepper and bean medley and Roasted Chicken with Roasted Potatoes and Mixed Vegetables. " Tumatawa siya habang sinasabi yun. Mukha ba akong nagpapatawa? Tsk.

"So what's next after this?" Ano bang next ang sinasabi neto? Dumating yung waiter na dala na ang inorder namin. Save by the bell! Matanong nga muna si Chen.

'Oii ano isasagot ko sa tanong na what's next after this.' Send to Chen.

*Beep*

'Sa condo na yan. ' from:Chen

Ang bilis naman! Parang ang pangit tignan kapag ako yung nagrequest. Sabagay wala rin naman palang pinagkaiba eh papayag rin naman ako.

"Kai?" Sabi ko.

"Yes jagiya?" Bigla niyang hinawakan yung kamay ko na nasa table. Yung ngiti niya nakakatunaw. Hingang malalim.

"Takemetoyourcondo." Mabilis kong sabi. Akala ko hindi niya maiintindihan.

"Why?" Ngiting-ngiti ang manyak.

"Ehh... Ahh wait ... Punta lang akong CR." Sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Tumayo na ako at dumiretso sa Cr. Madadaanan ko yung table nila Amee. Papalapit na ako sa table nila. Sinenyasan ko sila Rhian, Candice at Amee para sumunod sa akin. Nang makapasok na ako sa cr. Hinintay ko sila. Mga ilang minuto din ang lumipas at sa wakas dumating rin sila.

"Waaaaaaaahhhh!" Salubong ko sa kanila.

"Hindi ko na to kaya Amee. Gusto niya pa yata sabihin ko yung word na yun. Waaaahhh!" Nagdra-drama ako sa harap ng salamin.

"Nandyan ka na bakit hindi mo pa ituloy."-Rhian

"Ganito na lang idaan natin sa mathematics" Suggestion ni Candice. Sinabi niya kung paano ko mas madaling sabihin yung word na yun. Palabas na kami ng cr ng hinawakan ni Amee yung kamay ko.

"Thank you Aica." Niyakap ko siya.

"Kanina ka pa nagpapa-thank you ahh. Sa sandaling panahon nakilala kita. Mabuti kang tao Amee. Gagawin mo ang lahat para sa ikaliligaya ng taong mahal mo. Thank you din at pinagkatiwalaan mo ko." Sinasabi ko yan habang yakap siya.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz