Mission # 56

41 2 1
                                    

Aica's POV

"Sandali lang guys. May maganda akong plano." Tumayo si Chen.

"Tumayo kayo diyan." Sabi niya sa mga stars.

"Dali na. Maganda to." Pinaghihila niya pa ang mga ito.

Pumasok sila sa banyo at nang lumabas sila may suot na silang gas mask. Pumasok sila sa kwarto kung nasaan sina Anja at Baek.

"Ano yun?" Gulat at takot na tanong ni Anja kay Baek matapos pumasok ang 10 stars.

"Hindi ko alam. Humawak ka lang sa akin." Hinigpitan ni Baek ang paghawak kay Anja at ganun din ito.

"Kim Anja. Sumama ka sa amin." Hinila ni Chen si Anja. Hinarang naman ni Baek ang kamay niya kay Anja. Bagamat wala itong makita

"Hindi. Kung saan siya pupunta doon din ako. " Sabi ni Baek kay Chen.

"Gusto mo bang makita ang paghihirap ng kaibigan mo?" Sinenyesan ni Chen ang iba pang stars na tumawa kunware. Parang baliw! Nag-gas mask pa naka-piring naman yung mga kinidnap nila.

"Hehe. . Hehe. . ." Alangya! Yung tawa nila hindi pang-goons pang-pabebe.

Umiling si Chen na parang sinasabing mali ang ginagawa nilang pagtawa.

"HoHoHo. . . Hoho. . Ho ho.." Matapos ng pabebe , Santa claus naman.

"Tsk." Napailing si Chen sa sobrang disappointment. Expertbkasi siya diyan eh! Haha!

"Bitawan mo na siya." Tumulong na yung ibang stars sa pagaalis ng kamay ni Baek kay Anja.

"HINDI! ANO BANG KAILANGAN NIYO SA KANYA?" Nagagalit na si Baek.

"Gusto mo malaman? Yung katawan niya." Hard ng pagkakasabi Lay a.

"BAKIT KAKAININ NIYO BA SIYA?" Baek naman! Nakanangtinapa! Irerape kunware nila! Bwiset! Slow rin nito e!

"Tss. . Tama ng daldal! Amin na siya!" Nang makuha na nila ang umiiyak na si Anja. Naglalaban pa rin si Baek.

"ANJA! ANJA! WAG! PLEASE. . SAKTAN NIYO NA LANG AKO! WAG SIYA!" Ala! Umiiyak na rin si Baek.

"KAHIT ANO GAGAWIN KO! PLEASE. . WAG! . . . NIYO SIYANG SAKTAN. . ." Hmp! Ikaw nga nanakit sa kanya e. Pumasok na ako sa kwarto ni Min.

"TAMA NA YAN!" Sigaw ko. Nagtataka naman ang mga tingin ng stars sa akin.

"Itabi niyo na ulit si Anja kay Baek. Tapos na ang palabas." Ginawa naman ng mga stars ang sinabi ko.

"Ano ba kasing kailangan niyo sa amin?" Tanong muli ni Baek.

"Sabi mo kanina, gagawin mo ang lahat para kay Anja di ba?"-Ako

Blackmail power na naman.

"Oo." Malumanay na na sagot ni Baek.

"Sasabihin mo rin ba ang lahat ng katotohanan anuman ang itanong namin?"-Ako

"Oo."-Baek

"Mahalaga ba sa'yo si Anja?"-Ako

"Oo." -Baek

"Kaya mo ba siyang mawala?"-Ako

"Hindi."-Baek

"Kung papipiliin ka, si Anja o si Taeyeon?"-Ako

Napaisip siya ng matagal siguro nagugulat siya sa mga tanong ko.

"SAGOT!" Sigaw na pananakot kunware ni Chen.

"ANJA!" Napasigaw rin tuloy si Baek sa takot.

"Mahal mo ba siya?"-Ako

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin