Mission # 37

65 1 0
                                    

Aica's POV

Dalawang buwan na din ang nakakalipas ng mawala si Lia pero ang alaala niya'y nanatili lamang sa aming mga puso't isipan. Nagdaan na ang Christmas Break. Just like a christmas day, a simple but full of love in one day. Though there is no forever still there is this Miracle in December. Para lang ma-rhyme kahit walang pinaglalaban.

Pumapasok na si Tao sa EXO Academy. Inadvance niya na lang muna yung mga subjects na walang pre-requisite kaya naman sa ibang klase hindi ko siya kaklase. Si Mr.Jimenez ang nagpaaral sa kanya dito. Itinupad ni Mr. Jimenez at Tao ang mga kahilingan ni Lia pero lang ang huling kahilingan niya kay Tao. Hindi nagawang kalimutan ni Tao si Lia. Tuwing Sunday dumadalaw si Tao kay Lia. Si Mr. Jimenez naman ay nagtayo na ng foundations for the orphans. Tumutulong din siya sa orphanage na pinagtratrabahuhan ng mama ni Lia pero hindi siya nagpapakilala. Napapadalas nga kami ng barkada doon. Nagvovolunteer kami at kami na rin ang nagsisilbing tulay ni Mr.Jimenez at ng orphanage. Maayos na nga ang lahat at dahil yun sa isang anghel na tulad ni Lia. Ngunit isang malaking palaisipan pa rin sa lahat kung sino ang pumatay kay Lia.

35

Author's POV

(A/N: BABALA!! WARNING! Sasaengs are coming!! Bwahahahaha!!)

May tatlong magkakaibigan na nagngangalang Nica, May at Jewel. Si Nica ay isang maliit na babae habang si May ay medyo chubby at si Jewel naman ay matangkad at mapayat na babae. Magkakaiba man ang tatlo nagkakasundo naman sila sa iisang bagay, ang maging Die hard fan ni Dara. Tinatawag nila ang kanilang sarili na Dara's Angel

(A/N: HAHA! Walang maisip ang lola niyo.)

Ang magandang mukha ni Dara ay hindi lang para sa mga kalalakihan dahil pati na rin sa mga kababaihang tulad nila.

"Ito. Nakuha ko nung nasa park siya." Pagmamayabang ni Jewel at inilapag ang picture ni Dara.

"Yan. Kakakuha ko lang niyan kanina nung papasok siya." Sabi naman ni May sabay lapag din ng isa pang picture ni Dara.

"Teka. Ito oh nakuha ko sa room niya 30 minutes ago." Pagmamalaki din ni Nica.

"WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!! " Napalapit sina Nica at May sa pagsigaw ni Jewel.

"Kyaaaaaaaaahhh!!!" Napasigaw rin si May sabay utos kay Nica.

"Ipakalat mo na."

"Ang alin?" Parang wala sa Earth na tanong ni Nica.

"Na 7.50 na ang ariel." Sarkastigong sagot ni May.

" Di ba may commercial na? Bakit ko pa ipapakalat?" -Nica

"Bwiset! Ipakalat mo na yung update ni Dara!" Inis na sabi ni Mya.

"Pero totoo 7.50 na lang yung ariel?" -Nica

"Kainis! Ipakalat mo nalang!" Nagiinit na sabi ni May.

"Joke lang. Ang slow neto." -Nica

"Ako pang--" Nagpigil na lamang si May sa inis.

Aica's POV

Napukaw ng pansin ko ang tatlong babaeng malapit sa table namin pero agad ko ring inalis ang tingin ko baka malaman pa nilang tsismosa ako. Mahirap na baka kumalat. Natapos na rin kaming kumain at handa na susunod na klase namin. Naghiwa-hiwalay na kami ng lakad maliban lang samin dalawa ni Tao.

"Tao, ayan na naman oh." Nagulat na naman ako sa isang puting paru-paro na papalapit kay Tao. Tuwing sasapit ang Friday, lagi na lang ako nakakakita ng paru-paro na kulay puti na madalas ay pumupunta kay Tao. Ewan ko nga, baka nag-aalaga talaga yata si Tao ng mga paru-paro. Ang lapit sa kanya ng mga ito. Napangiti na naman si Tao ng mumunting paru-paro. Haay, kaygandang isipin na ngumingiti na talaga si Tao. Ang gwapo niya pa naman pero mas gusto ko yung medyo serious niyang pagmumukha. Yung mala-gangster type talaga.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon