Mission # 48

42 1 0
                                    

Aica's POV

"Eh sino siya?" Nagulat siya sa hawak kong litrato. 

Yun yung litrato niya noon kasama ang 10th star ko. Lumapit siya sa akin at kinuha niya yung litrato mula sa akin.

Umupo siya sa sofa kaya na man sumunod din ako. Hindi pa rin siya sumasagot. Nakatitig lang siya sa larawan nilang dalawa na kapwa nakangiti.


"Ikaw yan, di ba?" Pero hindi pa rin siya sumasagot. Naku! Kailan niya kaya ako sasagutin? Mas gusto ko pa yung mga isahang sagot niya kesa wala.

"Ex ko siya." E-ex? Mabuti pa siya nagkaroon na ng boyfriend na kasing gwapo ng 10th star ko.

"Mahal mo pa ba siya?" Ayon sa obserbasyon ko yung mga titig niya sa litrato ang sasagot ng tanong ko.

"Ang larawang ito kumukupas pero nadarama ko para sa kaniya hanggang ngayon hindi nagbabago." Boom Pains! Saan galing yung hugot niyang yun? Magkwekwento na siya. Humaba na yung sagot niya eh. Kaya nga siguro noong araw na nakita ko siya kinukuhan niya ng litrato ang 10th star ko.

"Eh bakit ba kayo nagkahiwalay?" Syempre ang ekspresyon ko malungkot para maramdaman niya yung sympathy ko para sa kanya but at the back of my head ay yung mission ko.

"Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil tutol ang mga magulang ko sa relasyon namin kase daw masyado pa kaming bata. Hindi ako nakipagbreak sa kanyang diretso. Basta na lang akong lumayo at iniwan siya sa ere. Nagbago ako ng personalidad at nawala na parang bula. Ang buong akala nila nag-iba na ako ng school kahit sino sa mga kaibigan ko walang nakaalam sa sitwasyon ko. Nasaktan ko sila pero mas nasaktan ko siya ng sobra. " Palungkot na ng palungkot ang istorya ng mga nagiging kaibigan ko. Yan talagang love na yan! Tsk! Panira ng life! Bitter line? Hehehe sareeh.

"Bakit hindi mo siya lapitan, kausapin at malay mo baka magkabalikan pa kayo."-Ako

"May girlfriend na siya." Ouch! Bakit parang dama ko siya?

Ang sakit! Grabe! Ang sakit talaga!

MAY GF NA SIYA!

MAY NAGMAMAY-ARI NA NG PUSO NIYA!

NAKABAKOD NA!

NAKANDADO PA!

Sana may backdoor!

Sana may duplicate key!

Sana! Haizt!

"Alam mo may dalawang bagay akong pwede mong pagpilian. Ang #LetGoandMoveOn or #FightForThatLove." Sana yung advice ko sa kanya maadvice ko sa sarili ko. (T-T)

"Mag-gagabi na hindi ka pa ba uuwi?" Iniba niya yung usapan. Alam ko nahihirapan lang siyang mamili. Ramdam kita day! I feel you sis in English!

"Ahh o sige. Wag kang mag-alala nandito lang ako kahit ano pa man ang desisyon mo. Friendship na tayo eh!" Tumayo na ako.

Tumayo na rin siya at hinatid ako palabas ng bahay niya.

'Ang saklap!'

Yan ang tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad pauwi sa amin. Masakit na nga yung hindi mapansin ng taong gusto mo pero mas masakit pala yung malaman mong may gusto na yung taong gusto mo.

May nakita akong nagtitinda ng fishball. Idaan na lang nga itong nararamdaman ko sa fishball. Kinapa ko ang sampung tagpipiso ko sa bag. Nang inilabas ko ito. Nahulog pa yung iba kong barya. Binilang ko at pito na lang. Hinanap ko yung tatlong piso ko at mabilis ko namang nakita yung dalawa pero yung piso nawawala. Madilim na kaya naman medyo mahirap na itong hanapin. Bwiset! Sayang din yun.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon