Mission # 27

89 2 2
                                    

Arianne's POV

"Mag-re-resign na ako." Nasa EXO Academy kami ngayon specifically sa rooftop. Pinapunta ko si Kris dito.

Nag-smirk siya matapos kong magsalita.

"Bakit bigla-bigla mo na lang naisip yan?" Grabe! Bigla-bigla ba yung pinag-isipan ko hanggang madaling araw.

"Kaya na rin naman nila mama sa probinsya. Pinapatigil na nila ako ." Sagot ko.

"May mga trabaho na ba sila? San sila kukuha ng pampaaral mo? Tsaka hindi mo ba naisip na karagdagan din ang pagtratrabaho mo sa akin. Kung gusto mo tataasan ko ang suweldo mo." Dapat pala dati pa ako nag-attempt mag-resign. Bwiset na ito! Mag-tataas ng sweldo kung kailan mag-reresign na ako.

"Hindi mo na naman ako kailangan di ba? Maraming nag-hahanap ng trabaho, marami kang mahahanap diyan." Bakit ba ako nahihirapan mag-resign eh sapilitan naman tong trabaho ko sa kanya and in the first place naka-ganti na rin naman siya sa pagpapahirap sa akin ehh.

"Ok fine kung yan ang gusto mo." Tumalikod siya at pababa na sana.

"Tsaka wag mo na ulit guguluhin pa ang buhay ko. Please lang Kris."

"Fine." Yun lang sabi niya at tsaka tuluyan ng bumaba. Akala ko magiging madali lang ito pero hindi pala.

Bakit ba kasi ako nasasaktan? Dapat nga maging masaya na ako dahil malayo na ako sa monster na yun.

Oh life! Why so hard?

Dinial ko ang number ni Venice.

*Ring*Ring*Ring*

(Nagawa ko na.) Bungad ko.

(Good, I will make your life an easy one then.) Sagot niya. Pinatay ko na yung call kasabay nun ang pagpatay ko sa koneksyon sa malalaking taong tulad nila. Babalik na rin ang normal life ko.

Palabas na ako mula sa rooftop pero. . .

"Arianne!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. May lumapit sa aking isang babae. Tinitigan ko siya nagbabakasakaling makilala ko siya.

"Ahh ako si Aica." Sabi niya nang mapansin niyang kinikilatis ko siya.

"Ahh kanina ka pa ba dito?" Tanong ko.

"Oo." So kung ganun narinig niya lahat?

"Wag ka mag-alala walang makakaalam." Bigla niyang sabi ng mapansin niyang napa-isip ako.

"Hmmm anong nga palang ginagawa mo dito tsaka bakit mo ako kilala?" Tanong ko. Nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan.

"Kanina pa ako dito, bago kayo dumating nandito na ako. Tambayan ko kasi to bukod sa canteen. Nakilala kita dahil din sa canteen tsaka di ba personal slave ka ni Kris, si Kris kasi ay kapatid ng brother-in-law ko. " Napa-isip ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam na may kapatid pa pala sila na may-asawa na.

"Brother-in-law? May kapatid pa ba si Kris bukod kay Jisung?" Tanong ko sa kanya.

"Aii hindi mali. Si Jisung mismo yung brother-in-law ko, hehe pero syempre pang-future pa lang. " Kakilala niya rin kaya si Venice?

"Ahh ganun ba? Pwede bang mag-tanong kung related ka kay Venice Delgado?" Baka kasi mapasama na naman ako sa mga estudyanteng napaka-yayaman. Isa na naman malaking gulo iyon pag nagkataon.

"Mas maganda naman ako dun.Tsaka bakit mo nga ba natanong?"-Siya

"Ahh wala baka lang kasi--" Napatigil ako sa gusto kong sabihin.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang