Mission # 54

48 2 0
                                    

(A/N: Thank you for following. I appreciate it a lot kahit medyo late haha :) )

Aica's POV

"BREAK?" Gulat na sabi ni Rhian. Napakagat ako ng labi.Lagot!

"Break. Ibig sabihin nun kakain lang sila. Short term ng breaktime di ba Aica?" Ang galing mo Lay!

"Oo! Oo nga. Breaktime tsk kung anu-ano iniisip mo." Sabi ko kay Rhian.

"Teka! Mag-bre-break lang kami ni Dae. Mauna na kayo. Byee~" Hinila ko si Daehyun papalayo sa tatlo.

Naglalakad kami palabas ng Academy.

"Muntikan pa akong mapahamak sayo. Ikaw naman kasi." Binitawan ko na siya at naglakad lang kami.

"Saan tayo pupunta?" Napatigil ako sa paglalakad. Oo nga, san ba kami pupunta?

"Hindi ko alam. Balik na tayo." Sabi ko pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Mag-date tayo." Nanlaki yung mga mata ko at napanganga rin ako sa gusto niya. Totohanin niya na ba talaga ito?

Anja's POV

"Tulungan mo naman ako kay Taeyeon oh. Jebbal~~" Pa-cute na sabi ni Baek habang sinusundan ako sa klase ko.

"Sige, sa isa pang kondisyon." Madali naman akong kausap e.

"Yan na naman tayo sa kondisyon mo e."-Baek

"Ode manligaw ka mag-isa mo."-Ako

"Anja, o sige. Ano?" Torpe kasi yang si Baek. Parang ako nga nanliligaw sa mga babaeng nagugustuhan niya. Ang kaso, wala sa kanila ang nag-success.

"Bibigay ko sa tamang panahon ok?" -Ako

Actually wala na akong maisip na kondisyon. Sa dami ba naman ng kondisyon ko.

"Bago yan ahh, pero wag masyadong mahirap."-Baek

"Hindi naman talaga mahirap. Para lang yan pagtalon."-Ako

"Madali nga."-Baek

"Madali lang talaga. Pagtalon lang naman mula sa rooftop."-Ako

"Tsk! Ewan ko sayo. Basta sabay tayo mamaya. Wag mo kakalimutan yung Dyosa ko. Alagaan mo yun. Bye~~" Iniwan niya na ako.

Haayy kung alam mo lang.

Author's POV

Dinala ni Daehyun si Aica sa coffee shop.

"Basta hindi ito date. Pumayag lang ako kasi libre ok?"

"Oo na. Ubusin mo na yan." Masaya na si Dae na makasama si Aica.

"Uubusin ko talaga. Sayang e." Nagulat naman siya sa pagdating ng Generation of Miracles na umupo malapit lang din sa kinauupuan nila.

"Teka! Si Mika yun di ba?" Napansin rin ni Aica ang mga ito. Alam ni Jin na nasa coffee shop rin lang sila Daehyun at ang Heart pero hindi niya ito sinabi kina Top.

Matalik na magkaibigan si Jin at Dae kaya ganun na lang din kung protektahan niya ito.

"Bakit wala si Luhan?" Hinahanap naman ni Aica si Luhan dahil syempre alam niyang boyfriend ito ni Mika.

"Ah! Naalala ko na. Sila yung mga kaibigan sa GenMir di ba? Kaya naman pala. Puntahan natin sila." Ngiting-ngiti pa si Aica nang marealize niya ang bagay na yun.

"Hindi." Plain lang na sagot ni Daehyun.

"Bakit? Kaibigan mo naman sila di ba?" Nagtatakang tanong ni Aica.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Where stories live. Discover now