Mission # 36

50 2 0
                                    

Aica's POV

"MR.JIMENEZ!" Sigaw ko. Nasa harap kami ngayon ng isang mansyon. Mansyon ng mga Jimenez. Ewan ko kung maririnig nila ako pero susubukan ko. Alam ko maraming guwardiyang nakapaligid dito at konting maling galaw namin siguradong patay kami neto kaya nga nakaluhod kami eh.

"MR. JIMENEZ KAILANGAN KITANG MAKAUSAP!!" Bumukas yung gate. Nagkatinginan kaming lahat at napalunok naman ako.

Grabe! Judgement day?

(A/N: Aica, heavy drama toh. Please lang oh.)

OK MS.AUTHOR! (^_~) (T_T)

"Mr.Jimenez?" Napatayo ako. Tinutukan naman ako ng baril ng isang guwardiya. Tinaas ko yung mga kamay ko. Napatayo rin si Lay at humarang sa akin. Mas dumami tuloy silang itinutok ang mga baril.

"Tsk. ." -Lay

"Wala ng tatayo." Rinig kong bulong ni Kai.

"Ahh. . . G-Gusto lang po namin makausap si Mr.Jimenez. Importante po ito." Alam ko nahihirapan pa ang papa ni Lia ngayon. Pero ako din naman eh. . . Kami din naman at siguradong pati rin si Tao.

"Sumama ka." Bigla akong hinila ng isang guwardiya.

"T-Teka-" Hihilahin din sana ako ni Lay.

"Wag, sasama ako." -Ako

"Pero, Aica. . Baka gawin ka rin nilang bihag. Baka saktan ka nila."-Lay

"Hindi, magtiwala kayo. Wag kayong gagawa ng kahit na ano. Babalik ako pangako, maaayos din lahat ng ito." At matatahimik na rin si Lia. Dinala ako ng guwardiya kay Mr.Jimenez. Pinuwersa akong lumuhod ng guwardiya.

"I-Ikaw. . .Isa ka rin ba sa--"-Mr.Jimenez

"Sir.." Pagputol ko sa sasabihin niya.

"Patawarin mo ako kung hindi ko nailigtas si Lia. ." Unti-unti ay may namuong luha sa mga mata ko.

"Hindi ko nagawa ang lahat ng pwede kong gawin. ." Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.

"Pero bago mangyari ang lahat ng iyon, may sinabi po sa akin si Lia para sa inyo." Sa madilim na lugar na pinagtaguan namin ni Lia, hindi man din niya alam ang mangyayari ng gabing iyon. May ikinwento at sinabi si Lia na gustong-gusto niyang sabihin sa ama niya.

Hindi ko alam kung bakit ba ako hinahayaan lang na magsalita ni Mr.Jimenez. Nakayuko ako at patuloy na nagsalita.

"*Hik* Alam niyo ho bang wala siyang naging mga kaibigan simula pa noong bata siya. Ang mga bodyguards niya. Ang mga kidnappers. Yun yung mga taong bumuo sa kanya. Yun ang naging buhay ng isang Lia Jimenez. Ang sabi niyo daw huwag ng hanapin ang mama niya pero sinuway ka niya. Kilala niya at alam niya kung sino ang mama niya dahil sa isang larawan na nakita niya. Kapag tumatakas daw siya sa mga bodyguards niya, pumupunta raw siya dun sa mama niya. Yung mama niya daw ay isang tagapangalaga ng mga bata sa ampunan. Sa malayo dinadama niya raw ang aruga ng isang ina. A-at gusto niya daw humingi ng tawad sa ginawa niyang pagsuway at pagtatago sa inyo nun." Napatigil ako. . Naalala ko ang mukha ni Lia na nakangiti.

"Nang makilala niya naman kami, ang sabi niya sobrang saya niya daw nun. Nagkaroon daw siya ng mga kaibigan at sobrang saya niya nung maipakilala niya kami sa inyo. Akala niya daw magiging katulad kami ng mga kaibigan niyang lumayo sa kanya simula nung malamang isa siyang anak ng Mafia Leader." Nalungkot ako ng maalala muli si Lia habang kinikwento ang mga iyon.

"Humingi po ng pabor ang anak niyo sir. Na kung maari, ituring niyo rin si Tao bilang . . Anak niyo." Napaluha ako. Ang akala ko masasabi yun ni Lia sa papa niya. Pero nung gabing yun sabi niya tuwing may kidnapang nagaganap alam niya na talaga ang tadhana niya kaya naman mas mabuti daw na may masabihan siya ng gusto niyang sabihin sa papa niya.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Where stories live. Discover now