Chapter 1: "Hindi ako buntis?"

ابدأ من البداية
                                    

Lumabas na ako sa kwartong iyon na abot tenga ang ngiti ko. Ano kaya ang magiging reaction ni Zhi Shu kapag nalaman niyang buntis ako.  Teka, nasaan na nga pala si Zhi Shu?  Naglakad-lakad na muna ako para hanapin siya. At sa di kalayuan, natanaw ko na rin ang pinakamamahal kong asawa.

"Zhi Shu!"

Habang ako ay papalapit sa kanya, nilabas na niya ulit ang video camera. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Well, ano ang sabi ng doctor?" ngiti niyang tanong sa akin.

"Ang sabi niya." Bago ko pa masabi ang lahat, tumulo na ang luha ko.

"False alarm na naman ba?" ngiti pa rin niyang tanong.

"Zhi Shu!" Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. "Ang sabi ng doctor, magiging mama at papa na tayo. Buntis ako. Zhi Shu." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat sa Diyos." Naramdaman ko rin ang pagyakap niya. "Huwag ka ng umiyak. Bawal sa buntis ang masyadong na-stress."

"Hmm! Pasensiya na, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang saya-saya ko! Zhi Shu, magkaka-anak na tayo."

"Alam ko. Kaya huwag ka ng umiyak. Tara na, uwi na tayo. Sigurado akong naghihintay na sila mama sa atin."

Tumango na lang ako sa kanya. Ngayon, papalabas na kami sa hospital. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa wakas ay nagbunga rin ang pagmamahalan namin ni Zhi Shu. Magkakaanak na kami. Sigurado akong matutuwa sila mama nito pag-uwi namin. Bago pa man kami makalayo ng tuluyan sa hospital biglang lumuhod sa harapan ko si Zhi Shu.

"Teka, bakit bigla kang lumuhod dyan? May problema ba?"

"Bubuhatin na kita."

"Hah? Teka---" bago pa ulit ako makapagsalita ay hinila na niya ako.

"Nagdadalang tao ka na diba? At bilang asawa mo, trabaho kong alagaan ka."

"Hah? Ano yun? Hindi ko masyadong narinig ang sinasabi mo."

"Ang sabi ko, bubuhatin na kita at baka kasi makaapak ka na naman ng tae. Mahirap na."

"Hmmph! Dumali na naman yang pagkasuplado mo."

Hindi na siya umimik.

Pero ayos lang, alam ko namang palihim mo akong inaalagaan. Naalala ko tuloy yung first time na binaba mo ako. Kakatapos lang ng training natin nun at hindi ako makalakad ng maayos, at kahit na marami ka ng dala ay nagawa mo pa rin ako buhatin. Ibig sabihin pala, nag-aalala ka rin sa akin.

HHhhhmmmmmmmm! Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Eyy, ano yang ginagawa mo? Hindi ako makahinga."

"Ayy, sorry. Hehe. Gusto lang naman kitang yakapin! Hhhhhmm!"

"May iniisip ka na naman bang kalokohan?"

"Hah? Wala ah. Iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte bilang asawa mo. Salamat."

Hindi ko talaga pinagsisisihan na sa'yo talaga ako nagkagusto, Zhi Shu.

 

Tadhana na ang nagdala sa ating dalawa.

Panginoon ko, kapag sinabi ko bang lalo kong minamahal si Zhi Shu, magagalit ka ba?

 

"Ayos ka lang ba?" pauwi na kami ni Zhi Shu. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil inaalalayan niya ako.

 

"Ayos lang. Nakakapaglakad pa naman ako ehh." Hinahatid niya ako papunta sa bahay. "Pwede naman tayong maglakad ng mabagal, marami pa naman tayong oras."

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن