CHAPTER 33

25 6 3
                                    

Unexpected Intervals

DMITRI.

At nang makarating na kami sa sinasabing lugar ng lalaki, ganoon na lang ang tuwa namin na makita si Ali na nasa mabuting kalagayan. Umiinom pa nga siya ng soft drink at kumakain ng fries. At kaharap niya sa isang fast food restaurant ay isang lalaki na malamang ay siyang tumawag kay Erina kanina.

The moment Ali turned his head towards us unconsciously, he beamed when he saw us outside, just got out from the taxi.

"Mistress Erina! Dmitri, pre!" Natutuwa nitong saad habang tumatakbo palapit sa amin. "Waaahh! Sammy! Huhuhu! Sammy! SAMMY!!"

At ayon, bago ko pa maunahang yakapin ang kaibigan ko, ay siya itong naunang yumakap sa amin nang sabay. Saka naman umiyak si Ali nang umiyak.

Mukhang hindi naman halatang namiss kami ni Ali, 'no? Hindi halata. Pramis.

"Bakit ka ba kasi lumabas ng pasilidad?! Tapos ngayon, iiyak-iyak ka! Alam mo bang nag-alala kami sa 'yong baliw ka? Lalo na ako, tangina!" Naiinis at gigil na saad ko kay Ali na dinudiro pa siya sa dibdib habang nakapamaywang, inalis ng sunglasses at habang tumutulo ang luha. Of course, I am happy.

Marahas na umiling-iling si Ali na umiiyak pa rin, "h-hindi na ako l-lalabas. P-pramis, 'd-di na ako lalabas! Hinding-hindi na ko lalabas! P-pangako! Oo, pangako!"

Ali was reaching his hands to me but I shoved it away. He was about to hug me again, but I pushed him away.

Nagtatampo ako, sobra. Pero natutuwa ako.

Kumpleto na ulit ang pamilya namin ni Erina.

And I'm so glad to be a part of this one of a kind family.

"Dmitri naman, eh! Hindi ko na nga uulitin. No, no. Don't push me away, I've missed you so much. Putangina! Payakap ako!"

"No! No! Stay right there! Nagtatampo ako sa 'yong peste ka! Don't touch me! 'Wag kang lalapit sa akin!"

"NOOOOO!!"

Wala kong pakialam kung nasa tabi man kami ng daan at nasa parking lot ng isang fast food restaurant. Ang sa akin lang, namiss ko talaga si Ali at ang kulitan namin.

Kung iniisip ng mga dumadaang tao na baliw kaming dalawa, well, I can't deny it. Kasi totoo naman 'yon. Hahaha!

May narinig akong mahinang tawa mula sa isang lalaki—siya yata 'yong kasama ni Ali sa loob ng fast food restaurant, at ang walang ganang komento nina Erina at Sammy.

"Mga baliw."

"Maraming salamat!" Sabay naman naming tugon ni Ali na nakangiti pa at tuwang-tuwa, tila nawala ang pagdadrama namin kanina. We even looked at them and bowed our head slightly while palms on our chest.

"Nakakatuwa nga sila, eh." Komento ng lalaki na mukhang masaya yatang pinagtatawanan kaming dalawa ni Ali.

Tumayo ako ng maayos na gusot ang mukhang nakatingin sa lalaking malapad na nakangiti.

"Ikaw ba 'yong tumawag sa akin? I'm very thankful for what you did. I really appreciate it." At hindi ko mapigilang pakuluin ang inis at gigil sa kalooban ko nang matamis na ngumiti ang babae sa hindi kilalang lalaki!

Aba't?! Hindi ko gusto 'yang ginagawa mo, babae!

"Oh, yes! You're very much welcome, milady. What's your name, mil—" nakangiting tugon ng lalaki na tinawag pa talagang 'milady' ang girlfriend ko?! Bozhe moy!

Number 47 | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon