CHAPTER 50

24 2 15
                                    

Peter the Transporter

DMITRI.

Habang tumatakbo kami ng mga pinsan ko palayo sa lugar na 'yon, ay tumawa na lang ako nang wala sa oras, naramdaman ang paggaan ng dibdib ko mula sa nakasusulasok na lugar na 'yon sa bilibid.

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko dahil nakalabas na ako roon sa tulong ng mga pinsan ko, basta ko na lang naramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko habang tumatakbo kami nina Rogue at Knave.

Mama Cecilia, alam ko pong hindi ako ganoong kahanga-hanga kagaya ni Kuya Duncan at ni Papa Donovan... pero alam kong pinagmamalaki n'yo po ako kahit na kadalasan akong hindi nakikinig sa inyo at nag-iisip nang maayos noon. Kahit na sutil po ako—hanggang ngayon—ay minahal n'yo pa rin ako...

I was a fool that Kuya Duncan taught me to be brave and strong before came out way too late; and had to experience these things.

Hindi ako ngayon tumatakbo palayo sa buhay na ayaw ko kung wala ang Kuya Duncan ko. Sana... kung nasaan man ngayon ang Kuya ko, ay maging proud siya sa akin.

For Papa Donovan, I couldn't think of a way to escape the life I'm not favored to live with if it weren't because of him. At kung hindi ko siya naging ama, siguro ngayon, nandoon pa rin ako sa maalikabok na seldang iyon, nakatulala at hinihintay ang kamatayan ko.

Dahil may damit panloob naman ako, isa-isa kong tinanggal ang butones ng jail warden polo uniform na suot ko habang tumatakbo pa rin kami palayo ng mga pinsan ko, sinusubukang magtago sa posibleng mga sasakyang naghahanap sa amin. Tinapon ko sa nadaanan namin basurahan ang uniporme at sombrero saka lumiko na sa isang iskinita.

"Rogue! Knave! Dito tayo dumaan," tawag ko saka bahagyang tinagilid ang ulo, sinasabing dito sila dumaan sa iskinitang tinuro ko.

"Nice one, bro!" said my cousin, Knave, and raised his fist on me as he took his turn. Nag-fist bomb kami bago siya naunang pumasok sa iskinita.

"Diretso lang at kumaliwa ka," nakangiti kong sabi matapos mag-fist bomb sa kaniya. Tumango-tango si Knave at sinunod nga ang sinabi ko. Bumalik ang tingin ko sa pinsan kong babae at doon ko lang klarong nakita ang pagkatuwa sa mukha ni Rogue. "Rogue..."

"Dmitri..." Nangingilid na ang mga luha niya nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hindi pa rin ako makapaniwala... Totoo ba talagang nakalabas ka na sa lugar na 'yon?" Inabot niya ang kaliwa kong pisngi.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko saka ako pumikit. Nararamdaman ko pa ang panginginig ng kamay ni Rogue.

Ni hindi ko nga naisip na makakalabas ako sa bilibid. Nakakatawa lang isipin na hindi ako lumabas sa legal na paraan kundi ang kabaliktaran nito.

"I was thinking the same thing, Rogue. Believe me, seeing you and Knave right was surreal." Iminulat ko ang mga mata saka ngumiti. Nilingon ko si Knave na siyang nakatayo lang pala sa gilid namin.

"Pero hindi na bago sa 'kin na hinahabol ako ng mga pulis. Reyalidad na talaga ang bagay na 'yon," natatawang komento ni Knave habang ang mga mata ay nakaabang sa paligid namin, tinitignan kung sakaling biglang susulpot ang mga awtoridad mula sa bilibid.

"Speaking of, tayo na't umalis na rito. I really don't like being chased—unlike you guys."

And that's my cousin, Rogue.

Tumawa kami ni Knave at sinundan na lang ang babae nang nauna itong naglakad palayo sa labasan ng iskinita.

"Tara, umuwi na tayo," aya ko kay Knave at sinundan na si Rogue.

Number 47 | ON-GOINGWhere stories live. Discover now