CHAPTER 53

27 2 0
                                    

Fragments of the past:
Cassandra Margosha

DMITRI.

HABANG KASALUKUYAN AKONG bumibili ng fishball sa gilid ng kalsada, nakaramdam ako ng ilang ulit na pagtapik sa aking balikat.

"Pre, pre, pre! Hindi ba't si Cassy 'yon? Oo! Si Cassy nga!" sagot pa ng gago sa sarili nitong tanong.

Hindi ko pinansin kung sinumang hayop ang tumatapik sa balikat ko dahil masyado akong gutom para lingunin siya. Kay ganda ng hapon para bumili ng meryenda, 'tapos sisirain lang ni Looky!

"Pre! Si Cassy nga ang nakita ko! Ayaw mo namang maniwala, eh!"

Tinabing ko ang kamay niya. "Hindi mo ako maloloko, Looky. Umuwi na 'yon ganitong oras."

"Hindi, pre! Si Cassy nga ang nakita ko at—hoho! I wonder why Seigi was also with her."

"What did you just say?!" Hiruko and I looked at each other with shock.

Seigi was actually Hiruko's younger brother, my little sister's boyfriend. How come they're lucky?!

Nang tinignan ko kung saan nakaturo si Looky—hayup naming kaklase ni Hiruko at kaibigan, nakita ko nga si Cassy at nakasunod lang sa likuran si Seigi.

"Humanda sa akin ang batang 'yan! Hiruko, pigilan mo akong pugutan ng ulo ang kapatid mo!" Inis kong itinaas ang manggas ng uniporme ko pataas sa aking siko habang padabog na naglalakad papunta sa kinaroroonan nila Cassy at Seigi.

"No." Hiruko followed me and did the same thing. "I'll force him to commit hara-kiri."

Hah?! I never knew Hiruko was that cruel to force Seigi to commit ritual suicide by cutting his belly!

"Looky, ikaw na ang bahala sa meryenda natin."

"What the fucking hell?! Hoy! Bumalik kayo rit---pambayad n'yo, mga punyeta! HOY!!"

Seigi and Cassy's friends or classmates was obviously laughing at us—even the passerby—because of Looky's loud filthy voice.

Sa ganitong panahon na akala mo ayos lang na lumabas sa umaga, tanghali man o gabi, hindi maiiwasang may mangyayari. Ipagpalagay natin na wala ngang nangyari ngayong araw, ngunit malay natin kung ano ang nangyayari ngayon sa kabilang panig ng mundo.

Delikado na ang panahon ngayon; kahit na anong ibayong pag-iingat ang gawin, mapanganib pa rin.

Kailangan nasa bahay na ngayon si Cassy, pero heto siya't tumatawa kasama ang mga kaklase niya pati ang kapatid ni Hiruko.

"Anong oras na ba para tatawa-tawa ka lang sa gilid ng daan, ha, babae?" masungit kong bungad kina Cassy habang masama siyang tinitignan.

Hindi ko maiwasang mainis at pagtaasan siya ng kilay. Kasama niya pa talaga ng kapatid ni Hiruko na siyang nag-iisang lalaki sa kanilang lima.

Tumikhim muna si Cassy bago inilagay ang mga kamay sa kaniyang likuran. "I was supposed to call Kuya Hiruko to inform you if we arrive at my classmate's house to do our output which due was the day after tomorrow. Saka sinabihan ko naman si Tito Robin na rito muna ako. Kasama ko naman si Seigi kaya 'wag ka nang mag-alala, Kuya DJ." Matamis na ngumiti si Cassy sa akin.

Imbes na matuwa, kumunot lang ang nuo ko at taas kilay na pinasadahan ng tingin ang kapatid kong babae. Kahit na ang mga kaklase niya ay mukhang kahina-hinala rin.

Tinupi ko ang mga braso sa dibdib at taas nuo silang binigyan ng malapad na ngisi. "Sabihin mo, ilang ulit mong p-in-ractice ang linyang 'yan, Cassy? Do you really think I would fall into your trap?"

Number 47 | ON-GOINGحيث تعيش القصص. اكتشف الآن