CHAPTER 5

54 13 1
                                    

The Scheme

DMITRI.

Matapos kumain ay naisipan ko nang simulan ang pagpapaaliwanag ko sa aking larong pinaplano para sa next target na si Tabang Pusit.

"No! No, no, no, no! Dmitri, no! I can do a stripper dance on the pole, I can wear a stripper clothes and seduce every males species. Pero hinding-hindi ko gagawin 'yon lahat sa bobong pulis na sinasabi mo! Over my hot and sexy body, my God! I won't do it."

Matapos ko ring ipaliwanang kung ano ang role ni Rogue sa pelikulang dini-direct ko, ay buong puso siyang tumanggi sa ganoong gawain. Marahas na umiling-iling ang babae, being in a strongly disagree state. She even hugged herself! Hahaha!

Nandito naman kaming tatlo ngayon sa living room ng unit ni Rogue kung saan ko pinapaliwanag ang takbo ng kwento. This plan was to properly execute on how to assassinate Colonel Kurt Espares without being suspected. Hindi ko magagawa ang plano ko kung wala silang dalawa.

"Yes, Rogue. You'll do it," nakangising sabi ko sa kanya at nag-fist bomb pa kay Knave. Umiling-iling siya at handa na sanang umalis pero agad kong hinawakan ang kamay ni Rogue, "you're a professional undercover, right? Madali lang ito para sayo," puri ko sa kan'ya na nakangiti. And what I said was purely true.

She's a professional undercover, meaning, kahit anong mga pagpapanggap ang gawin niya, ay magagawa niya ito, nice and clean. Basic factor in doing con activities. At natutuwa ako sa ginagawa ko! Hahaha! Nilalandi ko rin siya.

"Sige na, please? Para sa akin. Hm? Please, my mischievous rascal? Would you do it for me? I was once your crazy daredevil," paglalambing ko kay Rogue, bahagyang minasahe ang kamay niya. Then I kissed the back of her hand while looking at her intently.

I smirked inwardly. She said I was more flirty than her. Well, let's see if I passed.

"I would gladly accept the offer kung ikaw ang bobong pulis na 'yon, Dmitri. But you're not him. So, still a no," mataray na sabi niya at inirapan pa ako saka tinulak palayo.

Nakangisi pa rin ako at nilagay lang ang isang kamay sa beywang. Aba, eh, nagmamatigas ka pa, ah.

"You can do it, bro!" Napalingon naman ako sa sinabi ni Knave na napa-thumbs up pa at itinaas-taas pa ang mga kilay.

Mahinang tawa lang ang tugon ko sa kanya. Then I hurried up to catch Rogue in my arms before she could climb up the stairs.

"Rogue!"

Matapos ko siyang tawagin kasabay ng pagtakbo ko palapit sa kanya, ay kaagad ko namang pinalibot sa beywang niya ang kanang braso ko, habang ang kaliwang kamay naman ay nakahawak ngayon sa baba niya para tumingin siya sa akin.

Kitang-kita ko na nakaukit sa mukha niya ang sobrang pagkagulat dahil sa ginawa ko. Maliban doon, ay sobrang hapit ang katawan namin sa isa't isa.

"L-lumayo k-ka nga," utal na sambit niya na halos pabulong na lang at parang kinapos pa yata sa hangin. I know she was caught off guard. Even if she tried to push me away, she didn't have enough strength to do so.

"Please, Rogue. Just this once," pakiusap ko na parang nagsusumamong ibalik niya rin ang pagmamahal ko na binigay ko sa kan'ya. You see, I was once an actor back when I was still in the mental facility.

Slowly but surely, I touched the back of my hand to Rogue's cheek and brushed back her hair behind her ears. Unconsciously and by impulse reaction of what I did, I touched her earlobe, leaving her mouth slightly agape. Doon na din nanatili ang kamay ko sa leeg niya.

"I promise," mahinang sabi ko na kusang iniba ang tono ng boses, "I promise, that I won't argue kung gagapangin mo ako mamayang gabi," dugtong ko pa sa pinakamalalim at namamaos na boses na kaya ko para lang akitin ang pinsan kong si Rogue. There, her eyes was dilated. "I will lock Knave out para tayo na lang dalawa." I continued while staring at Rogue's lips, then to her eyes, then back to her lips.

Man, this was the bestest thing I could do. I mean, Rogue and I was always like this and it only means that we're comfortable with each other. But now, as it seems that this looks somehow daring, it really means that I badly needs her help. Mahirap din kasing pakiusapan ni Rogue minsan. Para mahiyakat ko siya, I have to be all out on seducing this daughter of Loki, but with safety precautions since Rogue's my cousin.

At basi ngayon sa naging reaksyon ng babae, masasabi ko ngang nahikayat ko siya. Lihim akong natawa.

Speak, Rogue. Answer me.

I did my best to persuade my cousin to help me with my plan but it seems that I overran. Basic eye contact, touching, and voice tone. Pero talagang nadala si Rogue sa maingat kong pang-aakit.

"I-I... A-ahm..."

Reddish cheeks, rattled eyes who can't look at me directly, and a shaking voice.

Okay, I win.

Bigla akong humagalpak ng pagtawa sabay binitawan ang babae na siyang nalukot ang mukha. I tried to stop myself from laughing at nothing, but nothing. Hindi ko mapigilan ang tawa ko kahit sa sumasakit na talaganang tiyan ko sa kakatawa.

"Arrg! You prick!" Galit na ngayon si Rogue sa akin matapos bumalik sa huwisyo. Saka niya naman ako sinampal. "Ang landi mo!"

"Ouch! Why did you slap me? Pareho lang naman tayong malandi dito, ah?" Kunwari nasaktan ako sa pagsampal niya sa akin na nakasimangot pang hawak ang pisngi.

"Mas malandi ka!" Tinulak niya ako sa dibdib at namaywang, "and that slap is what you deserve." Malamig na turan niyang nakataas pa ang kilay bago naiinis na naglakad pataas sa hagdan. Narinig pa namin ni Knave ang padabog na pagsara ng pinto ng kwarto niya.

Ah, ibig sabihin lang nito na ako nga ang mas malandi sa aming dalawa.

Ah, okay. Hmm, very well.

Bumalik naman ako sa mahabang sofa, "she'll do it." Sabi ko kay Knave, nag-inat ng katawan bago umupo, tinungtong ang mga paa sa gilid ng lamesa at ginawang pansuporta sa ulo ang dalawang braso.

"Congratulations, you nailed it!" Komento nito na tatlong beses pang pumalakpak. "And the promise?" Knave inquired.

Natawa ako. Of course, cousins won't do those nasty things even if both of you was flirty, unless you like family stroke. Rogue and I both hate family stroke! Nilalandi nga namin ang isa't isa minsan, pero hindi ibig sabihin na cousins with benefits kami. Ganyan lang kami kakomportable ni Rogue sa isa't isa.

Umiling-iling ako sa tanong niya at ngumiti.

"Ang sweet niyo sa isa't isa." Nakasimangot na turan ni Knave na siyang ikinatawa ko ulit.

Naiinggit si Knave dahil ganoon kami ka-close ni Rogue kesa sa kanya. Close rin naman silang dalawa ng ate niya at close rin naman kaming dalawa, pero mas close ko talaga si Rogue. I love both of my cousins but I love the most was Rogue.

"Bro, alam ko 'yang iniisip mo. 'Wag na. Ang laswa." Natatawang winagayway ko ang mga kamay sa harap niya nang biglang ngumisi ang magnanakaw.

"Okay, fine. No yaoi." Napasimangot na naman niyang sabi at pinagkrus pa ang mga braso. Baliw na magnanakaw, oh.

"Anyway, here's what you'll gonna do in this play," pag-iiba ko at umayos ng pagkakaupo, saka pinaliwanag naman ang parte niya sa plano ko.

Malapit na. Malapit ko nang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko.

Sobrang lapit na. . .

---

© LeseMajesty| MAJESTIC LEE🦀

Number 47 | ON-GOINGHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin