CHAPTER 1

183 21 21
                                    

Beautiful Lady

DMITRI.

"BREAKING NEWS: Nasindak ang buong mamamayan nang dahil sa biglang paglitaw ng isang katawan na natagpuang palutang-lutang sa ilog sa ilalim ng tulay kaninang alas sais ng umaga. . ."

'Yon ang kapapasok lang na balitang bumungad sa umaga ko.

Kahit saan ako naroon, 'yon ang nakikita kong headlines sa iba't ibang news outlets; na inuulat ang lalaking pinatay doon sa tulay kung saan malapit sa tinutuluyan kong bahay.

Ang lalaking nasa balita na walang awang pinaslang ay ang lalaking si John.

Kitang kita ng dalawa kong mga mata ang buong pangyayari kanina; kung paano na lang biglang nawala si John habang kausap ang girlfriend nitong si Maria; kung paano ito biglang lumitaw sa ilalim ng lamp post na nagsisilbing ilaw nilang dalawa; at kung paano ito humingi ng tulong sa babae habang gumagapang palapit at naliligo sa sariling dugo.

Dahil maraming tao ang naroroon malapit sa tulay, hindi ako dumiretso doon at naisipang maglibot-libot muna mangalap rin ng mga impormasyong kinailangan ko.

At nagugutom na ako.

Ahead of me was red and shiny car owned by a beautiful lady.

Napangisi na lang ako nang may kalokohang pumasok sa isipan ko.

Sinadya kong magkunwari na diretso lang sa naglalakad na hindi siya nakita. Sa pagmamasid ko sa bawat galaw ng babae, nakita ko ang napakaganda niyang pitaka na makikita lang sa loob ng bag na dala niya.

Lihim akong ngumiti habang nakayuko saka siya binangga nang bumaba ang babae sa laniyang sasakyan.

"Pasensiya na," paumanhin ko sa babaeng maganda habang nanatili lang na nakayuko, tinatago ang mukha mula sa kan'ya.

"Gago ka ah!" galit na sigaw ng babae sa akin.

Pero binilisan ko lang ang paglakad na kunwari hindi siya narinig, at tuluyan nang nakaalis sa kinaroroonan niya nang nakangisi pa.

There, she was left cussing because of annoyance.

Maganda ang boses niya kapag nagmumura pati na rin ang wallet niyang hawak ko ngayon.

Napakaganda.

Dala ang ninakaw kong wallet, dumiretso na ako sa isang kainan at nagpasyang doon na kumain.

Maganda itong napili kong kainan dahil maghahanap ka lang ng puwestong gusto mo, may isang waitress na lalapit sa 'yo saka ibibigay ang menu ng mga pagkain nila.

This is great! Not to mention that their foods was also great at an affordable price.

Hindi na ako nag-atubili pang umorder dahil naginginig na ako sa gutom.

"Thank you," nakangiting wika ko sa waitress bago ito umalis para ipaghanda ako ng agahan.

Saka naman ang paglingon ko sa flat screen TV nilang nakahawla pa. Siguro alam nila sa baka sakaling nanakawin 'yon ng kung sinu-sino lang.

Pfft! Hindi ko naman nanakawin ang flat screen TV nila, eh. Balita ang gusto ko sa mga TV, at hindi 'yung mismong TV. Hahaha!

That's when I saw the dead body of John.

Nakahimlay ang katawan niya sa de-guling higaan ng ambulansiya at natatakpan ng puting kumot.

Kabi-kabila rin ang mga reports tungkol sa nangyari sa kan'ya—by the way, p'wede ko pa lang ilipat ang channels kasi hawak ko ang remote control. Hahaha!

Number 47 | ON-GOINGWhere stories live. Discover now