CHAPTER 12

36 12 14
                                    

Homer Duque

DMTRI.

Masaya akong inaalala ang mga araw ko dito noon sa Mental facility nang bigla nalang akong nakarinig ng mga sasakyan na papalapit na dito. Kahit malayo pa, naririnig ko na ito at nakikita ko na sa itaas ng matatayog na pader ng Mental compound ang kulay pula't asul na ilaw na nanggagaling sa mga sasakyang iyon.

Seems like the hero will arrive at any seconds by now.

Umupo lang ako na nakadekwatro sa paborito kong pwesto dito sa garden, kung saan matatagpuan sa sulok na ito ang nag-iisang upuan na pang-isang tao lang. Ginawa ko na rin itong trono noon at tingin ko tumatak na yata sa mga tao dito na sa akin ang p'westo na ito.

Maingat kong tinago sa likod ko ang kutsilyong hawak ko kanina, at pasimple lang na umupo, hinihintay ang tagapagligtas ko. Parang Damsel in distress lang. Hahaha!

Habang nakapikit ako, narinig ko na ang mga sigawan ng mga baliw sa paligid ng garden ng Stanovoy Mental Facility. Ayan na sila... Ayan na si Homer.

"Well, well, well. It's the mental patient no. 47: Dmitri Caxias. May gana ka pa palang bumalik dito?"

Minulat ko ang aking mata at nag-angat ng tingin kay Homer na siyang nakangiti sa akin. Nakangiti man siya, alam kong sobrang nanggigigil na itong sakalin ako. Ngumiti din naman ako sa kanya.

Well, he has the right to be like that.

"Of course. This was my home for almost eleven years. Bakit ko naman aabandunahin ang bahay ko?" Nakangiting sagot ko naman matapos tumayo mula sa pagkakaupo, na ang mga kamay ay nasa likod ko kung saan nakatago ang kutsilyo, handang gamitin ito anumang oras.

Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya, nag-iingat at alerto sa anumang mangyayari sa susunod na mga segundo.

Nanatili lang ang pagngiti ni Homer sa akin pero alam kong naiinis na siya sa tinuran ko.

"Sabihin mo, napapagod ka na bang habulin ako sa halos dalawang buwan habang isa-isang namamatay ang mga tao mo?" Tanong ko pa at ngumiti kay Homer na siya namang kinuyom ang mga kamay habang nagtatagis ang bagang.

"Hindi ako napapagod. Nakakatuwa ngang makipaglaro sa anak-anakan ko, eh." Turan ni Homer na nagtitimpi lang. Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi niya. Akala ko sasabihin niyang natutuwa siya sa pambatang laro na sinimulan ko.

"Wala ka yatang kasama ngayon," pansin ko at nilingon pa ang likuran niya na walang tao.

Wala siyang kasamang mga pulis o mga taong humahabol sa akin noon sa loob ng casino ko.

Nawala naman ang ngiti ko nang biglang nag-iba ang ekspresyong nakita ko sa mukha ni Homer.

"Akala mo lang 'yon," nakangising sabi niya sa tonong abot-kamay na niya ang tagumpay. Sandali akong natigilan. I forgot that I knew he's not going alone and unprepared. "Hulihin siya."

Diretso ang tingin ni Homer sa likuran ko habang may madilim na ekspresyon sa mukha. Paglingon ko, doon ko nakita ang mga dakilang tagahuli ng facility sa mga taong nasisiraan na ng bait at nagwawala. Lima silang lahat.

Agad silang sumugod sa akin dala ang baliktad na jacket para dakpin ako. Daglian din naman akong yumuko sa lupa para iwasan sila, saka ko sinipa ang likod ng mga tuhod nila. Sandali lang silang natumba, pagkakataon ko naman iyon para makatayo ng maayos at lumapit sa isang baliw na nanunuod lang.

"Hawakan mo muna. Iyan ang magliligtas sa atin sa paggunaw ng mundo at saka itago mo sa mga pulis," sabi ko sa kanya.

Siya 'yong baliw kanina na takot na sumigaw na gugunaw na daw ang mundo. Tumango-tango siya at nagtago sa likod ng mga kapwa baliw na nanunuod din.

Number 47 | ON-GOINGWhere stories live. Discover now