CHAPTER 19

27 8 4
                                    

Enter, Unwanted Visitor

DMITRI.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ay bumisita sa akin si Homer matapos ang apat na taon ko dito sa pasilidad.

At ngayon pa talaga na sana ay nakalimutan ko na ang nakaraang iyon?

". . . Pasensya na at ngayon lang ako nakabisita dito, Miss Erina. Kamusta na siya?"

They're down to four meters before reaching the door of my room. At marinig ko lang ang boses na iyon ni Homer ay nagigising na naman ang halimaw sa kalooban ko.

"I understand, officer Duque. And number 47's fine."

"Namatay kasi ang mga magulang niya kaya siya nagkaganyan. Nakakaawa naman ang inaanak ko."

Napakasinungaling!

Akala niya naman siguro ay hindi alam ni Erina kung anong pinanggagagawa niya sa akin at sa pamilya ko. Magaling siyang makisakay sa trip, eh.

"Don't worry, officer. Inaalagaan namin siya ng maayos. And I can assure you, officer Duque, he's been carefully assisted by me, of course, since only I can restrain him."

Right now, Erina was putting the key on the keyhole and turned it to unlock my door.

"Dito ang kwarto niya," said Erina who opened the metal door. "Pasok po kayo." dagdag pa ng magandang babae.

Hindi pa man tuluyang nakapasok ang demonyo sa mala-anghel kong kwarto, ay nararamdaman ko na ang mala-demonyo nitong awra.

At heto lang ako, pasimple lang na nakahiga—kunwari tulog parin ako—pero nakikiramdam na ako ng buong paligid ko.

But deep inside me was drowning in fury as my blood starts to boil again after four years of silence, averting my mind into something else rather than soaking myself from the past.

"Well, well, well. You seemed to be fine, mental patient number 47, Dmitri Caxias." 'yon ang unang sinabi ni Homer nang nilingon ko sila pareho na may ngiti sa mukha. "How's hell, Dmitri?" Tanong pa nito sa akin na ngayon ay nakangisi na.

Bumangon ako at nagkunwari na hindi ko alam na dumating siya saka sinalubong ng yakap si Homer na parang batang namimiss ang lolo niya.

"Tay Homer! Tay Homer!" I said, excitedly ran towards him and gave Homer a tight hug. "Namiss ko po kayo!" Natutuwang bati ko habang yakap siya.

But behind his back, I was aiming a needle at his neck with a evil smile on my face. Welcome to hell, Homer.

"Napadalaw po kayo? Ang sabi po ni nanay na hindi daw kayo uuwi." Nakasimangot at nagtatampong wika ko na parang bata na hindi pinautang ng kendi sa tyangge.

"Baliw!" Saad nito at naiinis na pinagpagan ang sarili na para bang isa akong alikabok na kumapit sa kanya. Saka naman siya napahawak sa leeg niya at hinimas iyon.

Lihim akong napangiti. Kinagat kaya siya ng lamok o ng laggam?

"Eh, kamusta po ang trabaho niyong pagpatay ng mga inosenteng tao? Eh, 'yong bentahan ng droga? Oh, and how's the feeling of being danced by some sexy sluts in the strip club every night?" Nakangiting sunod-sunod kong tanong na para bang wala lang sa akin ang mga bagay na iyon. Wala namang halaga sa 'kin ang lahat ng mga iyon. Pero kay Homer?

Tinatanong pa ba 'yon? Hahaha!

Even if I was still wearing my sweetest smile at Homer, deep inside me was really boiling to the highest degree Celsius. Nangangati na talaga ang mga kamay kong sakalin si Homer. Hayop siya.

Number 47 | ON-GOINGWhere stories live. Discover now