CHAPTER 2

101 19 25
                                    

Meet The Cunninghams

DMITRI.

Police Lieutenant Colonel Homer Duque: Isang tiwaling pulis, isang drug lord, protektor ng mga ilegal na mga negosyo, korap na pulis, walang puso at walang awa, isang rapist at isang mamatay tao.

'Yan ang laman ng resume ng isang taong kilala ko na siyang head investigator sa nangyaring pagpatay kay John sa ilalim ng tulay. Isang demonyo si tandang Homer!

Pinakulong niya ang kuya kong pulis dahil raw sa droga at sa mistaken identity. Noong nagpiyansa si kuya Duncan ay pinadukot niya ito at pinatay. Then he murdered my Court Judge father, Donovan. He even raped my mother Cecilia and my sister Cassandra sa harap pa mismo ni papa at kuya bago sila pinatay lahat.

Pinatay ni Homer ang pamilya ko dahil lang namatay ang asawa niya sa isang drug operation.

It was a mistaken identity but Homer forced the blamed to my brother. He framed my brother.

Hinahangaan ko pa naman sana si Homer pero nag-iba na ang paningin ko sa kanya. Demonyo siya.

Thanks for a certain someone, nalaman ko ang lahat ng mga baho niya.

Darating rin ang araw na gagapang siya sa lupa na walang humpay ang paghingi ng tawad sa akin dahil sa pagpatay niya sa pamilya ko. He will surely pay have an inundating expiation.

A flash of camera blinded my eyes, pulling me out from my reverie.

“Wow. This man is really mercilessly gorgeous. If being mercilessly gorgeous was a sin, you'll be serverely punished.”

Ilang ulit akong kumurap dahil sa flash ng camera. There I saw a woman, holding a DSLR camera, and scanning images inside it — oh, scratch that! She was staring at my one and only photo inside her camera.

"Right, D — hey!" She turned to me and was startled when I snatched her camera. "Dmitri! You crazy bastard!"

Inignora ko lang siya at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa passenger's seat ng kotse niya. At habang naglalakad ako papunta sa kotse niya, tinitignan ko 'yong litratong kinuha niya.

Nagmistulang modelo ang lalaki sa litrato na nakasandal sa saradong tindahan, nakatungtong ang isang paa sa pader, nakatiklop ang mga braso sa dibdib at naka-side view na nakatingin lang sa kawalan. Ang gwapo nga ng lalaki — which is me, of course.

As expected from a professional photographer — wrong, a professional conwoman, rather. Napangisi ako.

But I deleted my precious and confidential photo.

Pumasok na ako sa loob ng kotse niya at hinintay na lang ang babae na umikot sa driver's side.

“How's my baby?” Nakangiting tanong ko at binalingan ang babae na kakapasok lang sa loob ng kotse at padabog na sinara ang pinto. Napapiyok pa ako dahil sa pagkalabog ng pintuan.

“Your baby is fine! And give me my camera!” Padabog rin nitong sagot sa akin na inabot pa ang kamay na naiinis. Inabot ko naman ang camera niya na matamis pang nakangiti. “Hindi mo ba ako kakamustahin?” Tanong naman nito sa malambing na boses sabay simangot sa akin.

Umiling ako. “No. I'm sorry.” Nakangiting sagot ko sa kanya.

Hindi na ako nagulat nang bigla niyang hinagis ang camera sa backseat ng Ferrari niya at hindi na umimik kapag hindi ko na siya kinakausap. Gan'yan siya palagi.

Pero ngayon. . .

“Saan naman kita dadalhin ngayon?” Taas kilay na tanong niya sa akin, ang mga paa ay handa nang apakan ang gas, ang kaliwang kamay ay nasa manibela at ang kanang kamay naman ay nasa kambiyada.

Pero ngayon, kinausap niya ako dahilan para tumawa ako ng konti.

“Sa bahay mo.” Awtomatikong sagot ko na natatawa pa nang napaubo siya. “You see, my home was full of yellow tape called 'cordon' at hindi na ako babalik doon dahil wala na doon ang 'bonito' na inaabangan ko,” nakangiting dagdag ko, tinutukoy ang ilalim ng tulay kung saan may pinatay.

“Kahit kailan talaga, Dmitri, baliw ka.” Komento niya na napailing.

“I know, Rogue, I know. Thank you.” I agreed and smiled eagerly at her as she drove her car, taking a U-turn going back to her place.

Si Rogue Cunningham ay ang babaeng tinawagan ko para sunduin ako. Magka-edad lang kaming dalawa at talagang napaka-close namin sa isa't isa.

Yung tinutukoy ko namang 'baby' ay ang Caxias Casino Corporation na pagmamay-ari ko. I left my Casino in her custody while I was taking my long absence.

“Sa guest room ka tutuloy,” sabi ni Rogue matapos kaming pumasok sa condo unit niya. Then she just threw her key over the island counter and started to walk upstairs.

“Pero wala naman si Knave. Doon na lang ako sa kwarto niya,” pagmamaktol ko naman na ngayon ay nire-raid ang refrigerator niya at uminom ng malamig na tubig.

“Did I just heard my name?”

Napabuga na lang ako nang may nagsalita sa likod ko at binigyang diin pa ang 'i'. Napairap na lang ako at hinarap siya.

There I saw Rogue's brother lying on top of the island counter, jiggling Rogue's car key in his finger while using his other arm as a pillow.

He's Knave, brother of Rogue. My only cousins.

“Bahay ko 'to and you have no right to steal my brother's room. Get me?” Taas kilay namang saad ni Rogue na kararating lang at nakasuot na ng pambahay, saka niya naman inagaw ang basong hawak ko na may laman pang tubig at nilagok iyon. Ngumisi naman 'yong kapatid niya.

“Yeah, whatever.” Hindi interesadong sabi ko matapos pahiran ang bibig gamit ang likod ng kamay at iniwan silang dalawa na hindi man lang sinara ang ref.

“Baliw.”

“Takas mental.”

Narinig ko pang komento ng dalawa na bahagyang nagpainis sa akin. Nilingon ko sila.

“So, what?” Taas kilay na wika ko. “Wala rin naman akong pinsan na magnanakaw,” tinuro ko si Knave, “at malandi.” Turo ko naman kay Rogue. Then I smiled before turning my back on them. If I look back, I'm sure they're shooting dagger-looks at me.

Yeah, gancyan kami ka-close ng mga pinsan ko. Silang dalawa na lang ngayon ang pamilya ko at tumutulong sa akin sa pag-asikaso ng Casino ko.

Rogue was really a big help to me in building and maintaining my Casino in a good shape. Caxias Casino is still number one in the country and the world. Thanks to Rogue.

Samantalang ako, nandiyan lang sa labas, naglilibot, gumagala at umaastang baliw na nag-aabang ng bonito na mahuhuli.

And when I say 'bonito na mahuhuli', what I mean was a person to kill.

———

© LeseMajesty| MAJESTIC LEE🦀

Number 47 | ON-GOINGWhere stories live. Discover now