Kabanata 27

232 10 4
                                    



Kabanata 27 : Duty



Our first day in Clark went smoothly. Marami akong kinausap at sumailalim din kami sa briefing. We also have a place to stay while we're here, malapit lamang iyon sa ospital.


Nakakapagod ang araw na iyon. Nagkayayaan naman ang mga kasama kong med volunteers na kumain sa labas bago pumunta sa dorm. We went to the nearest Chinese resto, tahimik lamang akong nakasunod sa kanila dahil hindi ko pa sila gaanong close.


Ewan ko ba kung bakit mas lalong nahihirapan na akong makisama. Maybe I am too afraid to get attached again.


"Doc!" Tumakbo pabalik ang isa sa mga babaeng kasamahan namin papunta sa akin. Hindi ko namalayan na kanina pa ko natigil sa paglalakad. "Ayos ka lang po ba?" Tinanguhan ko lamang siya. "Tara na Doc," She said and pulled me with her. She was quiet bubbly at madaldal rin kaya naman natawa na rin ako sa mga kwinekwento niya.


"Aish, wala na! 'Di na nagreply," Lara said, one of my co-volunteers. Nagkatuksuhan dahil sa biglaang pagyukyok niya sa mesa.



"Andiyan naman kasi si Doc Arvey, e'." Napaubo si Arvey sa sinabi ng mga kasamahan namin at agad namula at pilit pinapatigil ang panunukso ng bawat isa.



"Doc! Doc Zea, may boyfriend ka ba?" Tanong ni Jane iyong isa sa pinakamaingay na kasama namin. Agad akong umiling at nagsimula nanaman sila sa panunukso.





"Masaya kaya ang buhay single 'no! 'Di ba Doc?" Singit ni Iyana, 'yung babae kanina na binalikan ako nang matigil ako sa paglalakad.



"Yeah, as long as you're happy and contented with what you have now." I answered. Nagkatuksuhan muli dahil doon. The night went on smoothly hanggang umuwi na kami sa dorm na kung saan muna kami mamalagi.



Kasama ko sa kwarto si Iyana at si Jane. They told me that I should have the solo bed at sila na doon sa double deck. I accepted it nalang, I did my night routine and then I sat down on my bed and got my laptop. I need to read and study pa rin kahit doctor na ko.



"Doc, ang hardworking mo naman." Iyana said. Tumingala ako dahil sa taas na kama niya napiling humiga habang si Jane sa baba ay tulog na at mukhang napagod kanina. She's so energetic earlier.




"Sige, you need to sleep too 'cause we need to do some work tomorrow." Tumango siya at agad nang humiga.



Humiga na rin ako pero ilang minuto na akong nakatitig sa kisame. Here's my anxiety kicking in again. I shook my head and count some numbers for me to fall asleep.



The next morning, maaga kaming lumabas ng dorm at dumiretso sa hospital. We will be assisting there for the meantime.



Dahil maaga pa at medyo malapit lang namang ang ospital ay nilakad nalang namin nila Iyana at Jane papunta doon.



"Doc Iya, ang daming gwapong sundalo at airforce dito!" Tili ni Jane at kumapit sa kamay ni Iya. Nagulat ako nang hatakin din ako ni Jane at kinapitan ang aking braso. "Dito ko na kaya mahahanap ang forever ko?" She said dreamily. Napatingin na lamang kami ni Iya sa isa't isa.




"Hindi ba kapag ganoong uniform, airforce?" Jane said and pointed the guys who's walking towards us. I suddenly felt nervous but I looked back at the guys who's now close to us. The guys bowed to us as we walk pass by each other. Noon lamang ako kumalma, nang makarating na kami sa ospital ay pumunta na kami sa designated areas namin. I assisted in the OPD for the meantime.


Nang matapos ako sa OPD ay naglakad ako papunta sa left wing para puntahan si Doc Iya. Maglulunch break na kaya naman kailangan namin kumain muna.



The Day My Love Flew Away (Justice Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon