Kabanata 24

256 10 32
                                    




Kabanata 24 : Departure


Humakbang ako paatras habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Mataman akong tinignan ni Treyvor. Walang lakas akong naglakad pabalik sa sasakyan na agad rin naman akong sinundan.


Hanggang sa pumasok ako sa loob ng sasakyan ay nakasunod lamang siya sa akin. He started the engine, nakahawak lamang ang mga kamay sa manibela. Tuloy tuloy pa rin ang pagagsak ng mga luha.


"You wanna go home?" He asked softly, I just shook my head and covered my mouth to stop the sobs from escaping.


"J-just... drive." mahina kong sambit hanggang sa naramdaman ko na lamang na umalis na kami roon. Hindi ako makatigil sa pag-iyak sa kahit anong paraan kong gawin ay may luhang pumapatak.


It was a long drive and I fell asleep. Nagising na lamang ako at nasa tagaytay kami. Huminga ako ng malalim at inayos ang aking gulogulong buhok, malagkit din ang aking mukha dahil sa mga natuyong luha.


"I brought you here to uh... make you feel better." Napapaos na sabi ni Treyvor sa'kin habang mahinang tinatapik ang manibela gamit ang daliri. Medyo na-traffic kami sa intersection kaya naman ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tignan ang maaliwalas na paligid sa labas ng bintana. I can see the Taal Volcano from here.


"What do you want to eat?" Tanong ni Treyvor nang makausad na kami sa traffic. Lumingon ako sa kaniya at saglit na nagtama ang aming mga mata.


Then I suddenly want to eat bulalo. "Can we find a resto that have bulalo?" He chuckled when I said that. What's funny?


"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Medyo naiinis kong sabi at pinagkrus ang mga braso sa aking dibdib.


"You look cute for someone asking for bulalo." He answered and looked for some resto along the way.


Tumigil kami sa Green ATS Bulalohan. Bumaba na ng sasakyan si Treyvor habang kinakalas ko palang 'yung seatbelt. Sumunod naman agad ako sa kaniya pagkatapos.


Nag-order siya ng bulalo at iba pang pagkain na akala mo naman ay mauubos namin. I sighed deeply and just stared at the fascinating view beyond my eyes. Ang ganda ng tanawin rito pero bakit hindi ko magawang ngumiti. Mabigat pa rin ang aking loob at pinipilit na pagaanin ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagtingin ko sa mga ulap.


Questions keeps on running inside my head. I really don't want to conclude but it hurts me... deeply. I lifted my eyes on the clouds again and smiled sadly.


Jayzee...


Napahagulhol ako uli kaya naman mabilis na lumipat sa tabi ko si Treyvor. Nasa labas kami at kakaunti lang ang kumakain rito ngayon. Ang malamig na simoy ng hangin ay mas lalong nakapagpaiyak sa akin. I can feel Jayzee's embrace that's why I cried again.


"You shouldn't be experiencing all this pain because you deserve the best in life." Treyvor whispered to me as he tapped my back for comfort.


Tila nagising ako sa katotohanan na may sakit nga pala ako... na maaari kong ikamatay na ayaw kong mangyari pero mahirap itong pigilan.


I don't want Jac to be hurt again if I won't survive the treatments. I don't want to leave him but might as well leave him earlier.


"I'll just go to the restroom," Tumayo si Treyvor, I just nodded at him. "I'll be back," He gave me an assuring smile and left immediately.


Hindi ko alam kung pang ilang buntong hininga ko na ito. Mabilis na bumalik si Treyvor at saktong sini-serve na rin 'yung mga pagkain. Agad akong nagutom habang tinitignan isa isa ang mga pagkain.


The Day My Love Flew Away (Justice Series #2)Where stories live. Discover now