Kabanata 38

234 8 2
                                    

Kabanata 38 : Noise


Months passed by like a blur. We celebrated Jac's birthday at their house here in Clark and I met Jinova again. Wala si Tita kaya naman ang ilang mga kaibigan ni Jac sa air force ang pumunta. Giano and Krexia also attended kaya may kasama ako at kausap.


Papunta kami sa Medical Mission sa Cebu at medyo nagulat ako nang makita ang ilang doctor na nagtatrabaho sa Hospital namin. Akala ko kami lang na nasa Clark ang sasama sa Cebu. Hindi man lang tuloy ako na-inform na may dagdag pa kaming kasama. 


I saw some of the Air forces officers and some militaries. Nakita ko rin sa 'di kalayuan sina Ryland at Rydelle. Lumipat ang tingin ko kay Jac na naglalakad papunta sa pinsan niya. 


Ibinaba ko muna iyong dalang kahon. May dala rin kaming mga maleta na laman ang ilan sa mga kailangan naming gamit at mga damit. Pagkatapos kausapin ni Jac si Ryland ay nagtungo siya sa amin.


He greeted us and briefed us for the meantime. Seryoso siyang nagsasalita kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Nang matapos ang pagsasalita niya ay may nag-guide na sa amin papunta sa eroplano. 


When everything was arranged, Jac announced our departure. I can't help but to feel proud that my boyfriend's the one who's flying the plane.


"Laki ng ngiti ni, Doc." bulong sa akin ni Iya. "Proud na proud ha," She said and I just grinned widely. Sobrang proud ako sa lalaking iyan, kung alam mo lang Iya.


The plane was flying smoothly but as expected we experienced some turbulence. 


"Dearest passengers and comrades, this is Lieutenant Montales speaking. C-130 flight to Mactan-Benito Ebuen Air Base, Cebu. We just have cleared the land, make sure one last time that your seat belt is securely fastened. We will touch down at Cebu at 8:44, local time." Jac announced. I can't help but to smile again by just hearing his voice. Nag-suot na kami ng seat belts at hinintay ang paglapag ng eroplano. 


When we touch down at Cebu, we are greeted by the militaries. Tinulungan kami na ibaba ang mga kahon at ilang mga gamit namin. My eyes were looking for Jac, nang hindi ko siya makita ay nag-ayos naang ako sa mga gamit namin. Kinausap rin kami ng ilan sa mga babaeng military para sa mga dapat naming gawin. Pinalagay rin iyong mga gamit namin sa maleta sa isang rucksack. Tag-iisa uli kami ng bitbit pero mas mabigat ito ngayon kasi kailangan naming buhatin ito sa balikat. Para na rin hindi kami mahirapan mamaya sa paghatak sa mga maleta namin.


Nang maisaayos ko iyong gamit ay napalingon ako at nakita si Jac na kausap si Rydelle. Nang makita ako ni Rydelle ay nag-iwas ako ng tingin. I don't think Jac told them about us yet.


After that we were advised to ride the coaster bus that will take us to the location. We are in a convoy para na rin masiguro ang kaligtasan. Iya sitted beside me and was busy looking at the fields outside the window.


"Do you think this is safe?" Tanong niya sa akin nang ang mga naglalawakang fields ay naging medyo matalahib na at may mga nagtataasang puno.


"We have the armed forces and the air forces," I answered her kahit na medyo kinakabahan rin ako.

The Day My Love Flew Away (Justice Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon