31 [Kelsey]

348K 11.7K 844
                                    

/KELSEY/

***

Okay.

Hindi ko alam kung anong tama sa ulo nitong si Gramps (The Great Tanda) at pinagpair niya kaming lahat. At kahit naman hindi sabihin ay alam kong itong si Miles ang mapepair sa akin. Kami lang naman ang same wavelength.

"Ihanda mo na ang sarili mo sa pagkatalo, Dumbsey."

"Ikaw ang magprepare dahil papaiyakin kita."

But for some reason, naeexcite ako. I always see her as both comrade and rival. At mukhang ganun din siya sa akin. Practice match lang naman 'to pero ramdam na ramdam ko 'yung tension sa aming lahat. Maging 'yung dalawang Tanda na madalas ay playful at carefree lang ay naging seryoso ngayon. I am getting goosebumps habang tinitignan ko sila. Pero mas malala 'yung kay Gramps at kay Leader. Alam kong mas malakas si Gramps pero si Leader, parang ayaw magpatalo. Nagpapakiramdaman pa lang sila pero kinikilabutan na ako.

"Handa na ba kayo pati ang mga isipan ninyo?" Pagkasabi nun ni Gramps ay naging alert kaming lahat. Nung tinaas niya 'yung kamay niya ay naging signal 'yun para magsimula na kami.

For the first time ay hindi ko pinakialaman 'yung paligid ko. Hindi ko pinansin 'yung pakikipaglaban nung dalawang set ng Tanda. Nagfocus lang ako sa amin ni Miles pati sa movements niya. Siguro dahil na rin sa training namin at mas nakikita ko nang maayos 'yung mga galaw niya pati na kung paano ako kikilos. Siguro kung may weapons kami ngayon ay nagrarambulan na kami pero dahil wala, kailangan naming pakiramdaman ang isa't isa.

For the first time din ay tumahimik kaming dalawa. Usually, kami ang maingay pagdating sa ganito.

Nakaramdam naman ako bigla ng disturbance sa isip ko. I instantly knew na sinusubukan niyang basahin ang galaw ko sa pamamagitan ng pagbabasa sa isip ko. Agad-agad kong sinara lalo 'yung isip ko gaya nung instruction na sinabi ni Gramps.

Sa totoo lang, nung una, I find it absurd. I mean, paano ka naman makakaform ng wall sa palibot ng utak mo? Pero nung sinubukan kong isipin 'yung mental wall or barrier na 'yun, may kakaiba akong naramdaman. Parang may gear sa utak ko na unti-unting nabubuo. Parang napipigilan nga 'yung flow ng isip ko at muntik na akong magfreak out kanina dahil doon.

Nung narinig ko kanina na hindi mabasa ni Leader 'yung isip ni Miles, sinubukan ko rin sa kanya.

'Leader! Hoy! K-Krystal! Yuhoo! Ngiti-ngiti naman dyan pag may time! Sayang ang bibig at ngipin!'

Pumikit pa ako dahil feeling ko ay nagkasala ako at anytime ay iffreeze to death talaga ako ni Leader. Pero ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Nakahinga agad ako nang maluwag that time.

Nagulat ako nung biglang sumugod si Miles and for some reason, kusang gumalaw 'yung katawan ko at nag-evade. Whoa! Eto ba ang epekto nung pag-iwas namin sa mala-kanyon na pagtira sa amin ni Gramps ng ice crystals? Kung oo, sobrang effective! Parang sanay na 'yung katawan ko na iwasan lahat ng danger na nararamdaman ko—like Miles flying kick.

"Tsk!"

"Ha! Akala mo mapapatumba mo ako ng ganun lang?!"

This time, ako naman ang sumugod. Nahawakan ko 'yung sleeves ng damit niya dahil mahaba pero umikot siya at nakawala sa akin.

Dahil sa confrontation namin sa isa't isa, naging sign 'yun para sa pagsisimula ng laban namin. Maski ako nagulat sa movement ng katawan ko. I feel lighter, faster and stronger. Parang natanggal lahat ng stiffness ko sa katawan at nasusunod ng katawan ko 'yung galaw na gustong gawin ng isip ko. Mukhang ganun din si Miles dahil nagiging confident na siya sa pagsugod sa akin.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon