14 [Miles]

371K 12.8K 1K
                                    

/MILES/

***

Pinagpaliban muna namin ang pag-iisip ng name dahil out of this world na yung suggestions nila. Napagdesisyunan namin na ayusin muna yung insignias. Kumuha ng tela si Scarystal sa taas at humanap naman kami ng paint at brush.

"Ako na lang ang magpepaint," sabi agad ni Gemmatanda.

"Marunong ka, Tanda? Weh? Baka babuyin mo yan ha!"

"Try natin sa mukha mo, gusto mo?" Napaatras agad si Dumbsey pagkatapos sabihin yun ni Gemmatanda.

Naglatag muna kami ng mga lumang papel na nakita namin sa may bodega at saka namin nilatag yung itim na tela. Kinuha naman agad ni Gemmatanda yung paintbrush at pumwesto siya doon sa bandang gitna.

"So anong gusto niyong design?" tanong niya.

"Basta may ice!" sabi naman ni Dumbsey.

"Ikaw Krystal? Anong gusto mo?"

"Anything. As long as it's cool."

"Kung silhouette na lang ng girl? Pero may pagka-ice yung design?" sabi ko naman at nagnod si Gemmatanda.

"Aba creative!" sabi naman niya. Eh sila lang naman ang hindi creative!

After kong sabihin yun, pinagpose niya si Scarystal tapos yun ang ginaya niya. Nilagyan niya rin ng modifications, tapos inoverlay niya yung salitang 'ICE'. Maganda naman yung kinalabasan at wala naman kaming reklamo. Ang galing pala magpaint nitong si Gemmatanda pero pagdating sa pag-iisip ng pangalan, sabog.

Sa labas ng bahay namin sinabit yung insignia para madali naming makita kung may magtatangka mang kumuha doon. Sabi ni Scarystal, maglalagay rin daw kami ng traps sa susunod para mas safe. After that, pumunta ulit kami sa may sala para pag-usapan ang name. Naglalakad pa lang ako papunta doon, pakiramdam ko hindi na naman maganda ang mga maririnig ko.

"Bakit ba ayaw niyo ng Ice Four Sale? Ayos naman yun ah! Apat pa tayo!" sabi agad ni Dumbsey.

"Ay nako tumigil ka nga, Nene! Ang corny kaya!" Wow, nagsalita si Gemmatanda! Akala mo yung mga naisip niya kanina hindi corny!

"How about you?" sabi naman ni Scarystal sabay tingin sa akin. "Hindi ka pa nagsasabi ng suggestion. Though..." okay. Mukhang nabasa niya na sa isip ko yung gusto kong maging name.

"I think—"

Naputol bigla yung pagsasalita ko nung makarinig kami ng ingay mula sa labas. Agad-agad kaming tumakbo at nagsiksikan pa kami ni Dumbsey para sumilip sa may bintana dahil nakaharang na sa pintuan sina Scarystal at Gemmatanda.

Nagsisitakbuhan yung mga tao at mukhang nagmamadali sila.

"Lumayo na tayo habang hindi pa sila nakakarating dito!"

"Bakit ba lagi na lang silang nanggugulo?!"

"Parang nung nakaraang dalawang taon, andaming namatay dahil sa gulong ginawa nila!"

Bigla akong napatigil sa paggalaw nung narinig ko yun. Parang nagflash ulit yung nangyari two years ago at lalong lumaki yung galit ko sa grupong yun. Malakas ang kutob ko na sila ang tinutukoy nung mga tumatakbo.

Dumaan ako sa gitna nina Scarystal at Gemmatanda para makalabas. Kailangan kong makita ang gang na yun.

"Hey! Teka, Miles! Saan ka pupunta?" narinig kong sigaw ni Gemmatanda pero di ko siya nilingon. Tumakbo ako papunta sa Black Market dahil pwedeng nandun ang targets ko.

"Hoy! Bingi ka ba?!" Napatigil naman ako sa pagtakbo nung marinig ko yung boses ni Dumbsey. Paglingon ko, nakasunod na silang tatlo sa akin. Sinilip ko yung bahay at wala na sa may labas yung insignia. Siguro pinasok muna nila.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon