37 [Ashley]

341K 11.8K 2.8K
                                    

/ASHLEY/

***

Buti na lang talaga at na-anchor ko 'yung sarili ko sa sahig, kundi lumilipad na rin ako gaya ng iba. Bwisit na hangin, wala man lang pasabi!

"Sorry," sabay bow sa akin nung Squall. Tss. Di ko rin gusto ang tabas ng mukha ng isang 'to.

Bumalik ako sa side namin at nakita kong nagshakehands sina Krystal at 'yung leader nung kabilang grupo. Sa pagkakaalala ko, Gust ang pangalan niya. So may alliance na kami sa kanila. Mukha naman silang malakas though parang ang easygoing nilang lahat...parang mas malalang versions ni Gemma.

Mukhang napansin naman nung ibang gang members ang ginawa namin kaya hindi sila agad sumugod sa amin. Para ngang nag-aalangan na sila sa pag-atake sa direksyon namin.

"Wait. Paano niyo po nakilala si Gramps," biglang tanong ni Kelsey.

'Kita mo 'tong Nene na 'to. Sa ibang tao nagpo-po pero sa atin, hindi,' reklamo ni Gemma sa isip namin.

'Di ka kasi kagalang-galang Gemmatanda,' sabi naman ni Miles.

'Aba!'

'Joke lang.'

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"We can talk about that later. But for now, let's finish this."

Pagkasabi nun ni Gust ay naglakad siya palayo sa amin at nung in-unsheathe niya 'yung sword niya ay may miniature cyclones na nabuo sa paligid ng swords at kung hindi dahil kay Krystal ay natangay na kami doon. She froze our feet in place to hold us off. Tinignan ko naman 'yung ibang members ng group niya at nagtaka ako kung paano nila nakakayanan 'yung pulling force ng cyclones.

"Whoa. You girls are amazing. Bukod sa amin ay iilan lang ang nakakawithstand sa attribute niya," sabi nung isang lalaking may hawak na spear pero both sides ay may pointed blade.

"Of course, Eos. May attribute din sila," sabi naman nung nag-iisang babae sa kanila. I think her name is Rae and may hawak siyang dalawang pamaypay na kasinghaba ata ng mga braso niya.

Napatingin naman ako kay Gemma at sa purple eyes niya. Nakarating na kami sa parang navy blue stage kaya alam kong controlled ang lakas na pinapakita niya—just enough to bring these guys down kaya siguro nasa purple lang ang kulay ng mga mata niya. Siguro ang makakapagpalabas lang ng totoo naming potential sa laban ay 'yung mga gaya rin naming may attributes—like them.

"As a swordswoman, I can't let him overshadow me," biglang sabi ni Gemma at finorce niya 'yung paa niya. Nagcrack 'yung ice na nakapalibot sa ilalim ng sapatos niya at nagsimula siyang maglakad papunta doon sa group of guys sa kanan namin.

"Makikisali na rin ako," sabi ko sa kanila at kumawala rin ako sa ice ni Krystal. I immediately fled from them at naghanap ako ng targets.

"Hey! Wait for us, ate!" Napalingon naman ako at nakita kong nakasunod sa akin si Rae pati na rin si Miles at Eos.

"You can call her Tandash," narinig kong sabi ni Miles kaya sinamaan ko siya ng tingin at nagsign ako ng 'I'll kill you later' hand gesture.

Bigla namang tumakbo si Miles papunta sa akin at tumalon siya. Out of instinct ay pinosition ko 'yung knives ko sa harapan niya at tumapak siya doon. Ginamit niya 'yun as foothold at nagpaikut-ikot siya sa ere. Then all of a sudden ay binuksan ni Rae 'yung dalawang pamaypay niya at inislash niya sa direksyon ni Miles. I was almost caught by the wind currents but Eos held my wrist. I immediately thrust my knives on the floor. Napatingin ulit ako sa taas at nakita kong pinagbabaril ni Miles 'yung gang members doon sa kabilang dulo with extreme accuracy. And then I realized na ang tagal na niya sa ere...and that's because of the wind produced by Rae's fans. Sinusuportahan niya si Miles.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon