49 [Ashley]

322K 11.6K 2.9K
                                    

/ASHLEY/


***

I was mesmerized by the way they move. Hindi ako makagalaw sa pwesto at ganun din ang tatlo. Pare-pareho kaming nakatingin sa laban nina Hale, Krystal at Rage. Nung sumugod silang dalawa ay nagkaroon ng malaking chunk of ice at nakulong si Rage sa loob nun. Pero after a second ay nag-evaporate 'yun dahil sa flames na ginawa ni Rage sa loob.

"T-that fight is out of this world," sabi ni Gemma at napalunok ako dahil ganun din ang naramdaman ko.

Halos paiba-iba ang temperature dito kahit na medyo malayo sila sa amin.  Ngayon ko nakita kung gaano kalayo ang level nila at kung gaano sila kalakas.

Napaisip naman ako bigla doon sa pag-uusap nila. Rage killed Hale's parents. Does that mean namatay sila sa war? Or after the war? Sa pagkakaalam ko, sobrang tagal ng kaguluhan na nangyari sa lugar na 'to. Hindi kaya may kinalaman doon 'yung narinig kong sinabi ng tatlong Senshins sa War of Best?

Sa natatandaan ko, ang sabi nung Reina, tinry na raw nilang magkaroon ng alliance thirteen years ago. At sa pagkakaalam ko, tumagal ng ten to twelve years ang warring state dito. That means nagtangka silang mag-offer ng alliance sa Huntres tribe thirteen years ago which was the time na nagsimulang mamuno completely ang Flame Spectre at nagkaroon na rin ng White and Black Division.

"Oh My God!" Nagulat kami nung biglang sumigaw si Kelsey at inenclose niya kaming tatlo sa chain whip niya. After that ay hinatak niya kami kaya napasubsob kami sa lupa. Hinatak niya palabalik sa kanya ang whip at natanggal 'yun sa katawan namin. She threw it midair at saka lang namin narealize na may isang lalaki pa lang sumugod papunta sa amin.

"Be careful! He can use anything's shadow!" sigaw ni Miles.

Sa kabilang side namin ay may narinig din akong ingay at alam kong iyon ang mga nakatakas mula sa arena. Nakita ko ang ilang members ng Phantom Breeze na pinipigilan sila pati na rin sina Galeen at Geo. Bumalik naman ang focus ko sa lalaking trapped ngayon sa chain whip ni Kelsey. Kung tama ang natatandaan ko ay kasama rin ang lalaking 'to sa arena.

Hinatak ni Kelsey ang whip at paglapag na paglapag ng lalaki sa lupa ay tumapak siya sa anino ni Kelsey...and he vanished.

"Fuck—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may naramdaman akong sakit sa bandang likuran ko. Narinig ko ang pagsigaw ni Gemma habang nakatingin sa akin.

"One down," bulong ng nasa likuran ko. "Even those green-eyed bastards can't catch me," sabay tawa niya nang mahina. Huli na nang marealize ko na lumabas siya sa anino ko at sinaksak niya ako sa likod. Napaluhod ako at hinawakan ko ang likod ko. Pagtingin ko ay sobrang daming dugo doon.

"Damn you!" Nakita kong sumugod si Gemma doon sa lalaki pero nawala ulit siya dahil sa anino ni Gemma. Lumapit sa akin ang tatlo dahil alam nila, at alam ko, na malaki ang possibility na ako ulit ang susugurin niya.

Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay tinaas ko pa rin ang kutsilyo ko...at sinaksak ko doon sa sugat ko.

"Oh my God! Nababaliw ka na ba Tanda?!" sigaw ni Kelsey and I gave her a faint smile.

Naramdaman ko ang paglamig ng bahaging 'yun at natahimik silang tatlo habang alert pa rin doon sa lalaking nagtatravel sa shadows. My deep wound was frozen in a heartbeat. At least ngayon, hindi na aagos ang dugo. Pawis na pawis na ako kahit malamig ang paligid. Nakatingin ako sa lupa at nakita kong...

...may anino sa harapan ko.

And I was too late to realize it.

Naramdaman ko ang pagswing niya ng kutsilyo sa ulo ko at ang pagsigaw ng tatlo. Parang bumagal ang buong paligid at ang paghinga ko na lang ang naririnig ko. I was too exhausted to move. At alam kong hindi na ako maliligtas ngayon nina Lolo at Papa dahil marami rin silang kalaban.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon