41 [Miles]

310K 11.1K 2.1K
                                    

/MILES/

***

"Whoa! Wait, wait!"

"Sorry!"

Buti na lang at napigilan ko 'yung sarili ko sa pagbagsak kundi nauna 'yung mukha ko sa sahig. Sinamaan ko kaagad ng tingin si Rae at ngumiti lang siya.

"Look out!" sigaw ko naman nung nakita ko 'yung kalaban namin na nasa likuran ni Rae. Binaril ko kaagad siya pero nakaiwas siya at gumulong naman sa kabilang side si Rae.

Tsk. Ang hirap niyang kalabanin dahil mas inuuna namin 'yung defense kaysa sa offense. Paano kasi ay may Dark Attribute siya, according to Rae. Yeah. Hindi ko alam na may ganun palang nag-eexist. And his specific attribute is that he can travel through shadows. Kapag umapak siya sa isang anino ay bigla na lang siyang mawawala at lilitaw siya sa ibang anino kaya ang hirap niyang hulihin at wary rin kami sa sarili naming mga anino dahil baka bigla na lang siyang lumitaw sa likuran o harapan namin.

"Ahh! Nakakairita ka na ha!" sigaw ko dahil naiinis na ako sa kakatakbo niya sa mga anino. He's fast at hindi ko mai-timing 'yung pagbaril ko.

"Miles!"

Napayuko agad ako nung nakita kong hinampas ni Miles 'yung malaki niyang pamaypay papunta sa direksyon ko. May narinig akong nagsigawan sa likuran at pagtingin ko, tumilapon 'yung isang may Earth Attribute. Mukhang wala silang kinakampihan dahil inaatake nila lahat ng may attributes, ganun din 'yung Water. Mukhang wala silang alam o 'di kaya ay neutral sila.

Nilibot ko ulit 'yung paningin ko para hanapin 'yung may Dark attribute at napansin ko na may lumalabas na kamay sa anino ni Tandash. Hindi niya pa siguro 'yun napapansin dahil nakatalikod siya at may dalawa siyang kalaban sa harapan niya. Tinignan ko kaagad si Rae at nagproduce siya ng breeze kaya umangat ako at tinutok ko kaagad 'yung baril sa anino ni Tandash mula sa malayo. Tinarget ko 'yung kutsilyo na hawak niya kaya nawala 'yun sa grasp niya at binaril ko ulit 'yung kamay niya. After that ay hindi siya lumabas sa anino at mukhang nagtago na naman siya. Kainis! Hindi ko siya mahuli!

Hinanap ko kaagad si Rae pero mukhang busy siya doon sa kalabang lumitaw sa harapan niya. Hinanap ko naman ulit 'yung lalaki. Tsk. Nasaan na naman ba siya?!

"Got you."

Bigla akong kinilabutan nung narinig ko 'yun sa likuran ko at alam kong sa anino ko siya lumabas. Shit. He's...going to stab me—

"No. I got you."

"Ugh!"

Napalayo agad ako doon sa pwesto ko at pinakiramdaman ko 'yung puso ko. Akala ko mamamatay na ako! Bwisit na lalaking 'yun!

Pagtingin ko doon sa pwesto ko ay may parang may whip na nakapalibot sa kanya pero ang weird lang dahil parang hindi totoo 'yung whip kasi nawawala-wala 'yun...o nanlalabo lang ang paningin ko. Tinignan ko 'yung lalaking may hawak ng whip at inadjust niya 'yung salamin niya tapos nabalot na ng whip 'yung buong katawan nung may Dark attribute. After a few seconds ay natumba na lang siya at may lumapit namang babae doon sa lalaking may gawa nun.

"Oh. Parang Black Dimension," sabi nung babae sa kanya.

"Yeah. Pero ang kaibahan, limited ang galaw niya sa mga anino."

Napatingin sila sa akin at naging alert naman agad ako. Tinutok ko sa kanila 'yung dalawa kong baril pero nagulat ako nung nakita kong iba ang kulay ng mga mata nila. It's green. Pero sa pagkakaalala ko sa sinabi ni Tandash, walang green sa transformation ng mata ng isang Huntres.

"Oh. Fierce!" sabi nung babae sa akin.

"Reina."

"I know, I know."

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon