42 [Kelsey]

348K 12.2K 2.1K
                                    

/KELSEY/

***

Buti na lang at naigalaw ko kaagad kanina 'yung whip ko kundi ay tustado na kami ngayon ni Miles. Naenclose ng chain 'yung isang paa nung lalaki at na-out of balance siya. Sumabog bigla 'yung part ng sahig kung saan nakalagay 'yung kamay niya. Nakita kong parang may electric sparks doon sa kamay niya at 'yun ang nagcause ng pagsabog ng sahig. Pero bago pa siya makatayo ay nagyelo na 'yung paligid niya. Hinila ko kaagad 'yung chain whip ko at lumayo kami ni Miles habang si Leader naman ay papalapit sa kanya.

"I'll handle him. Go."

Sinunod naman agad namin si Leader at umalis kami doon. Iniscan ko kaagad ang paligid at hinanap ko 'yung dalawang Tanda.

"Ayun sila," sabay turo ni Miles sa kabilang dulo. Napatingin naman agad ako doon at nakita kong magkasama pa rin sina Tanda at Kuya Gust. Si Ash Tanda naman ay may kasamang dalawang lalaki na mula sa Phantom Breeze. Sa pagkakatanda ko, Squall at Eos ang pangalan nila. Halos kalapit din nila sina Rae at kasama niya naman 'yung dalawa pang lalaki sa gang nila.

"Ano ngang pangalan nung dalawang 'yun?" turo ko doon sa kasama ni Rae. Hindi ko sila nakilala kanina kasi ang tahimik lang nila.

"Sabi ni Rae, 'yung may bandana ay si Cych tapos 'yung may hawak na scythe ay si Gale."

"Wow. So close na kayo nyan?"

"Bakit? Inggit ka?"

Bago pa ako makasagot ay sinipa niya 'yung tuhod ko kaya natumba ako. Bigla siyang tumuntong sa likod ko at tumalon sa ere tapos sunud-sunod siyang nagpaputok. Tumingin agad ako sa likuran ko at nakita kong may isang lalaki na tumumba pero agad din siyang nakatayo at napatingin siya sa amin habang may hawak din siyang baril.

"Tsk, tsk. Sabi nga ni Scarystal, always watch your back," sabay smirk niya sa akin. Aba namumuro na 'tong Miles na 'to ah!

Tumayo ako kaagad at nagtalikuran kami tapos naramdaman kong naging stiff 'yung balikat niya. Napasulyap ako doon sa lalaking kaharap niya and then narealize ko kung sino siya. Siya 'yung lalaking may Water attribute na gumagamit din ng baril kanina! Kaya pala biglang naging seryoso 'tong si Miles.

Bigla naman akong nakarinig ng ingay sa harapan ko kaya tinignan ko kaagad at nakita kong may tumatakbo papalapit sa akin. Niready ko 'yung chainwhip ko. Pero nagpanic ako nung nakita ko kung gaano kalaki 'yung makakalaban ko. Para siyang higante kung ikukumpara sa akin. Halos kalahati lang ako ng laki at lapad niya tapos may hawak pa siyang sobrang laking hammer na mukhang kasinlaki ko. Pero ang mas ikinatakot ko ay 'yung greenish substance na tumutulo doon sa hawak niya at nung pumatak 'yun sa sahig ay nag-usok 'yun at parang nagkaroon ng dent doon.

For sure ay meron siyang Poison attribute.

Nung ilang meters na lang ang layo niya sa akin ay nakuha ko pang lingunin 'yung kalaban ni Miles at saktong lumingon din si Miles sa akin. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero halos sabay kaming nagsalita sa isip namin.

'Switch!'

Nilagay ko sa likuran ko 'yung whip ko at ginamit niya 'yun as foothold para umangat sa ere. Winithdraw ko naman kaagad 'yung whip at humarap ako doon kay Mr. Water attribute at nagpaputok siya. Pinaikot ko 'yung whip ko at hinarang ko sa sarili ko. Pero ang di ko inaasahan ay 'yung laki ng water bullets niya. Halos magkasingbilis lang 'yung bullets sa ice bullets ni Miles pero dahil liquid 'to ay hindi kaagad natrap sa loob ng chains at may ilang tumama sa akin.

Natumba ako nung natamaan ako sa balikat. Parang binuhusan ako ng ilang drum na tubig sa balikat ko dahil sobrang bigat sa pakiramdam. Tapos nung pagtingin ko sa whip ko ay nafreeze 'yung water bullets na tumama doon. Tinry kong tumayo pero sobrang bigat talaga ng balikat ko. Nakita kong tumakbo siya papalapit sa akin kaya niready ko ulit 'yung whip ko. Pero alam kong hindi ko na naman matatrap 'yung bullets niya kaya nagpapanic na ako. Bigla ko namang narinig na nagroar 'yung kalaban ni Miles at naramdaman ko na sumandal siya sa akin.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon