47 [Gemma]

276K 10.9K 2.4K
                                    

/GEMMA/


***

I'm going to die.


Napapikit ako. I'm too exhausted to move but with my last streak of effort, I avoided being hit by his sword. Napagulong ako sa isang side at naramdaman ko na naman ang hapdi sa likuran ko. Halos madikit na naman ako sa apoy kaya lumayo ako. Nakadapa na lang ako sa bandang gilid habang hawak-hawak ko ang sword ko.


At least I was able to bring him back here. At least, hindi na siya pupunta sa direksyon ni Krystal.


"I didn't think you're this stupid, lady. Mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa patayin namin ang...ahh...leader ninyo?" He grinned at me and he walked slowly towards me.


Tinukod ko ang kamay ko sa lupa at halos nagdilim ang paningin ko nung sinubukan kong tumayo. I thrusted my sword on the ground at doon ko nilagay lahat ng bigat ng katawan ko.


"I'd rather be killed to save someone than watch that someone killed by the likes of you. Hindi ako katulad niyo."


Shit. Ang lakas ng loob kong sabihin 'yun pero ni wala na nga akong lakas para tumayo nang maayos. Siguro ito ang sinasabi sa amin ni Gramps dati. We're weak compared to them at wala kaming laban sa kanila. Yes, tinrain niya kami at tinulungang lumakas pero ilang araw lang 'yun. We were trained hastily kaya hindi makayanan ng katawan namin ang development ng attributes namin. Kaya pala ang stamina lagi ang target ni Gramps sa training dahil 'yun ang unang nauubos sa isang laban. But now my stamina is depleted and I'm at the peak of my exhaustion.


"Don't badmouth us, lady. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin para lang makarating sa tuktok." Biglang sumeryoso ang mukha niya and this time, alam kong malapit na ang kamatayan ko.


"Anong pinagdaanan niyo? Punishing those Huntres that didn't side with you? Exiling them to the edges of this land? Destroying their homes? Killing innocent people? Ano pa? May mas masama pa ba kayong nagawa?"


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Anger swallowed my sanity and I started telling him those words. Simula nung malaman ko ang dark history ng lugar na 'to, hindi ko napansin na naipon na pala lahat ng galit ko sa kanila kahit wala silang direct na ginawa o kasalanan sa akin. Hindi ko alam na habang naninirahan ako sa White Division nang maayos, parang wala namang sibilisasyon sa Black Division. Akala ko dati ay pinoprotektahan kami ng government mula sa hoodlums and gangs sa Black Division pero ang totoo, sila pala ang may kagagawan kung bakit nagkaroon ng divisions at gangs dahil doon nila pinatapon at inipon lahat ng humdrums at Huntres na sumuway sa kanila.


Biglang lumaki 'yung apoy sa paligid namin at kahit malayo ako ay para akong napapaso gaya nang naranasan ko kanina nung dumikit ako doon. Bigla tuloy kumirot 'yung likod ko kaya kinagat ko ang labi ko para macontrol ko ang sakit. Pero kahit na sobrang init ay nanlamig ang kalamnan ko dahil sa tingin ni Allen sa akin. He's like a predator ready to kill his prey.


I gripped my sword with both of my hands and I pulled it out of the ground. Muntik pa akong matumba pero nagawa kong ibalance ang sarili ko. This would be my last attack. I want to die fighting. Lagi sa aking sinasabi ni Dad dati na for a swordsman, it's an honorable death to die fighting together with your sword to protect the people you love. And now, I'll die an honorable death.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now