21 [Ashley]

341K 12.1K 2.2K
                                    

/ASHLEY/

***

Kaya pala ganun ang presence na naramdaman ko kina Gemma at Miles kanina. Pero may kung anong nakakatakot dito sa leader daw nila. She's like a beast hiding her dangerous scent.

Bigla naman akong nakaramdam ng movement mula sa taas kaya napatingin ako at naging alert pero nagulat ako nung nakita ko 'yung isang babae kanina na nasa likod nung Krystal ay nasa bubong na ng bahay nila. Bigla niyang inikot 'yung whip niya at hinagis niya papunta rito. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o kung ano pero biglang nagbago 'yung size ng chains at naging fit sa binti nina Miles at Gemma. Tumakbo 'yung babae papunta sa katabing puno ng bahay habang nakakaladkad sina Miles at Gemma tapos bigla siyang tumalon sa isang sanga at pinadaan niya doon 'yung whip then tumalon siya pababa. Kaya ang naging ending ay nakasabit ng pabaligtad sina Miles at Gemma sa may puno.

"Hoy Dumbsey! Ibaba mo kami! Walanghiya ka!"

"Crap. Hindi ako nakaiwas agad. Nice, Nene. You're improving," sabay thumbs up pa ni Gemma kahit nakabaligtad na siya.

"Yes! Attack, success!" tapos tumawa 'yung babae. Wait. Anong sabi ni Miles? Dumbsey? Tapos tinawag naman siyang Nene ni Gemma. Ano doon ang totoong name niya?

Napatingin naman siya sa akin at kumunot 'yung noo niya. Okay. Mukhang magkaugali sila ni Miles at mukhang pareho silang madaling inisin.

"What's up, kiddo?" then I smirked at her.

"Sino ka naman?" sabi niya and this time, naramdaman kong nakatitig na rin sa akin 'si Krystal.

"I'm Ash."

Napansin ko naman na nagtinginan sina Gemma at Krystal for a few seconds. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong naramdaman.

"What do you need from us?" tanong sa akin ni Krystal. Woah. Katakot 'yung tono niya pero at the same time ay naeexcite ako. She must be strong.

"I just want to see some special weapons," sabay tingin ko doon sa tatlo sa may puno, "and some old books."

"Special weapons?"

"Yeah. Weapons that can only be wielded by special persons. At malaki ang hinala ko na meron nun dito."

Habang naglalakad kasi kami papunta rito, bigla kong naisip 'yung weapons nina Gemma at Miles. May hinala na ako sa kanila simula nung nakita ko sila pero mas lumaki nung ginawa ni Gemm ang stunt na 'yun sa bala ng baril.

"Bakit? Bakit gusto mong makakita ng special weapons?"

"Wala lang. Gusto ko lang silang makita. I am very much curious about them."

Nagulat naman ako nung biglang binitawan nung Dumbsey 'yung whip niya kaya nalaglag sina Miles at Gemma sa lupa. Then hinagis niya 'yun papunta sa akin.

What's her problem?

Nilabas ko naman 'yung isang kutsilyo ko pero gaya nung kanina ay nagbago na naman 'yung size ng chain at naenclose doon 'yung blade ng kutsilyo. Pero hinawakan ko kaagad 'yung chain bago niya pa 'yun mahatak pabalik sa kanya.

"No! 'Wag mong hawakan!" sigaw niya.

"Ha?!" Sira ba siya? Eh di kung hindi ko hahawakan, mapupunta sa kanya 'tong kutsilyo ko.

"Bitiwan mo!"

"Aba! Ikaw ang unang umatake dyan tapos ngayon magrereklamo ka?" saka ko hinatak papunta sa akin 'yung whip kaya nakaladkad siya.

Serves her right!

Nagtaka naman ako sa expression niya dahil gulat na gulat siya. Ano ba talagang problema ng batang 'to? Sira ba utak niya?

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon