34 [Gemma]

327K 11.9K 1.7K
                                    

/GEMMA/

***

"My God! Totoo ba 'to?" sabay punit ni Miles doon sa wanted poster niya na nakapaskil sa may dingding.

"Shit! Meron na rin ako!" sabi naman ni Kelsey.

Naglalakad kami ngayon papunta sa White Division dahil ngayon ang simula ng War of Best. Pero napatigil kami sa isang wall dahil may mga mukha doon ng wanted gang members na nagkalat ngayon sa Black at White Division. Of course, ito ang highest chance ng officers para mahuli ang mga wanted, though hindi ko alam kung bakit nila ginagawa 'yun. I mean, 'yung War of Best ay sponsored ng Flame Spectre at ang White government naman ay mostly members ng Flame Spectre ang mga nasa itaas. Parang nagcocontradict 'yung dalawang system na 'yun. Actually, 'yun ang napag-usapan namin ni Ash kagabi nung bumalik siya sa kwarto.

"What the freezing hell?" biglang sabi ni Ash nung nakita niya 'yung posters namin.

"That bastard...I'm going to freeze and torture him to death," tapos hinawakan ni Krystal 'yung poster niya at nagfreeze 'yun sa dingding.

Paano ba naman kasi, sa ibabaw ng pangalan namin ay nakalagay ang mga salitang "Ice Goddesses" na parang 'yun ang nagsilbing name ng gang namin. Eh ni hindi nga namin napag-usapan 'yun nang maayos at wala kaming naipasa pero biglang ganito. At isa lang naman ang tumatawag sa amin ng ganun—si Hale.

Pero ang weird nung Ice Goddesses. Mas weird pa sa Ice Ice Ladies ko dati.

"Ano ba 'yan! Dapat kasi Ice Four Sale Plus One 'yan eh!" sigaw ni Kelsey.

"Oh, please Dumbsey, shut up. Hindi ko alam kung seryoso ko o ano!"

"Mukha ba akong nagjojoke?!"

"Yung mukha mo ang mukhang joke."

"Palibhasa wala kang alam na joke—"

"Enough."

Biglang natahimik 'yung dalawa nung sinabi 'yun ni Krystal. Alam na kasi nila ang mga sunod na salitang lalabas sa bibig ni Krystal at idagdag pa na bad mood siya dahil kay Hale.

"Let's go," sabay lakad ni Krystal kaya sumunod kaming apat sa kanya.

Habang naglalakad kami ay kung anu-ano na ang tumakbo sa isip ko. Una, makakabalik na ako sa White Division after kong maglayas. Bumalik ulit sa akin 'yung pang-aalipin sa akin ng stepmother at stepsister ko but at the same time ay namiss ko si Dad. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya nung umalis ako. Siguro kung anu-ano nang paninira ang ginawa ng dalawang 'yun na sinabi nila kay Dad. Sana lang at hindi pa nalason ang isip ni Dad. Gusto ko ulit siyang makita pero hindi pa siguro ngayon. Gusto ko siyang harapin kapag may napatunayan na ako sa sarili ko.

Napansin ko namang marami kaming nakakasabay sa paglalakad na mukhang gang members din. Mukhang maraming sasali na galing dito sa East Black. Medyo mataas din ang tension since nagtitinginan bawat lahat at posibleng magkaroon ng away kahit wala pa kami sa venue. Pero mas natatakot ako sa nararamdaman kong tension within our group. They are eyeing us at nasa bad mood ngayon si Krystal. Hindi namin alam kung kaya ba namin siyang pigilan sa paglaban sa mga 'to. Baka maging frozen land 'to at magkaroon ng frozen people.

I opened a part of my mind and directed it to Kelsey.

'Mauna na kayo ni Miles at isama niyo si Krystal. Go.'

'Okay.'

"Leader, tara! Ipetition natin 'yung name natin!"

"Oo nga. Sino ba 'yung lalaking 'yun para siya ang magdecide para sa atin?" dagdag ni Miles.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon