2 [Gemma]

664K 18.9K 1.5K
                                    

/GEMMA/

***

"Whooo thank you! Grabe nakaupo rin after 3 freakin' hours! Ouch!" sobrang nakakagaan sa pakiramdam yung pag-upo sa couch. Ilang oras na rin akong naglalakad kanina at ngayon lang ako nakapagpahinga!

Buti na lang pala at sumama ako kay Krystal. Actually, sumunod lang ako sa kanya. Then after twenty minutes, nandito na kami sa isang lumang bahay. As in luma. Parang ilang taon na walang tumira rito. Nakatakip rin ng mga puting tela yung mga gamit. Maging itong couch na inuupuan ko.

"Dito ka talaga nakatira?" tanong ko sa kanya.

"No. I'm from the White Division." Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napatayo agad ako.

"Really?! I'm from there, too! Actually, doon ako galing ngayon. Err, naglayas kasi ako. Hahaha!" sabay kamot ko  sa ulo ko.

"I know."

"Talaga? Paano mo nalaman?" Alam niya ba talaga na sa White Division ako galing?

"Yung daan na dinaanan mo kanina. That's the route to cross the borderline between the White Division and East Black Division."

Wow. Alam niya nga. Pero nakakabilib pa rin kasi unang kita niya pa lang sa akin doon sa route na yun ay alam niya na kaagad na galing ako sa White Division.

"Back there, when we are fighting those guys, napansin ko na gumamit ka ng wooden sword." Whoa. Nakita niya yun?

"Ah, yeah. That's my bokken. Yung daddy ko kasi, instructor ng dojo sa White Division. So ayun, natuto ako sa kanya and lagi na akong may dalang bokken, in case of emergency."

"Ah."

Mukhang hindi talaga siya komportable sa akin. Para ngang wala siyang masyadong pinapakitang reaction eh. Kalmado lang yung expression niya.

Bigla naman siyang tumalikod at kinabit niya yung kinuha niyang parang maliit na flag doon sa pole na nasa tabi niya. Sa pagkakaalam ko, yun yung kinuha niyang flag mula doon sa boss kanina. Para saan kaya yun?

"Uhm, Krystal? Ano nga pala yung sabi mo kanina? I mean, yang parang flag na yan? Bakit mo sila kinokolekta?" bigla naman siyang napabuntung-hininga. Sabi ko nga. Mukhang ayaw niya ng kausap.

Bigla naman siyang humarap sa akin.

"These are gang insignias. Kapag naka-collect ka ng thirty, your group can enter the War of Best."

"Huh?" Gang insignias? War of Best? Ano yun?

"You know the Flame Spectre, right?"

"You mean, the only gang allowed to have their base sa White Division?" Naririnig ko yung name nila sa mga estudyante ni Daddy sa dojo. Ang alam ko ay isa silang legal gang na naka-base sa White Division.

"Oo. Sila ang nag-aarrange ng War of Best. It's like a Battle Royale among the strongest gangs."

"So, kaya ka na nangongolekta ng gang insignias ay dahil gusto mong sumali doon?"

Bigla naman siyang natulala na para bang may iniisip na malalim. Then, tumingin ulit siya sa akin with her cold stares.

"Yeah. I need to win that War."

"Okay. I'll join you. I'll help you." Pagkasabi ko nun, halatang nagulat siya. Err, I mean hindi halata as in shocked yung facial expression niya. Napansin ko lang na nagbago yung tingin niya sa akin pero ganun pa rin yung mukha niya. Expressionless.

"Why?"

"Because you saved my life. I owe my life to you now, right?" saka ako nagsmile sa kanya. Totoo naman eh. Kung hindi dahil sa kanya, baka kung ano nang nangyari sa akin kanina. At kahit sabihin pa niya na hindi naman talaga niya ako iniligtas at nagkataon lang na nandun siya para sa insignia ng gang na yun, para sa akin ay niligtas niya pa rin ang buhay ko.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon