15 [Gemma]

356K 12.7K 1.6K
                                    

/GEMMA/

***

"This way."

Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay ni Miles. After nung encounter namin sa Flame Spectre kanina, gusto niyang pumunta sa bahay nila para kunin yung weapons na collection ng tatay niya.

"Whoa. May ganito palang lugar dito sa East Black," sabi ni Kelsey habang pasulyap-sulyap sa paligid.

"Obviously, Dumbsey," sabay irap ni Miles sa kanya. Mukhang di naman narinig ni Kelsey dahil manghang-mangha pa rin siya. In fairness naman dito kay Miles, mas matinong mag-isip kaysa kay Kelsey. But she's also a Nene for me.

Nandito kami ngayon sa isang street na parang 10 years ago pa huling may nakatira dahil sa sobrang isolated at hangin lang talaga ang maririnig mo. Yung mga bahay rin ay sira-sira at abandonado na. Naglakad pa kami ng ilang minuto bago huminto si Miles sa tapat ng isang bahay.

"Ito ang bahay niyo?" sabay turo ni Kelsey sa bahay na parang haunted house na ang dating.

"Yeah. Syempre para hindi mapansing may nakatira rito. Besides, maayos naman yung loob."

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at tama siya. Mukhang bahay naman yung loob...bahay ng isang badass. Sobrang cool! Inaasahan ko nang maraming weapons akong makikita pero hindi ko alam na ganito karami. May mga baril at swords na nakasabit sa dingding. May iba't ibang klase rin ng weapons sa bawat sulok ng bahay kaya sobrang nakakamangha talaga.

"Whoa! Ang ganda nito!" Pagtingin ko kay Kelsey, may hawak siyang whip na gawa sa metallic thorns. Mukhang may obsession ang Neneng 'to sa whips. "Tsaka nito!" sabay hawak niya doon sa whip na maraming tali.

"What's your plan? They are searching for this place." biglang tanong ni Krystal kay Miles.

"Pwede bang dalhin nating lahat 'to sa base?"

"But how?" tanong ko naman. Masyadong marami 'to kung dadalhin namin lahat at pagtitinginan kami ng mga tao dahil may dala kaming iba't ibang klase ng armas.

"Kung may sasakyan lang tayo," sabi naman ni Kelsey. Kung meron nga, kaso wala.

Natahimik kaming apat dahil sa problemang 'to. Baka malocate na rin kasi ng members ng Flame Spectre na nagpunta kanina ang bahay na 'to.

"Babalik-balikan na lang natin 'to hanggang sa madala nating lahat sa base," sabi ni Krystal. Dahil yun lang ang possible way ay umoo na lang kami.

Agad na naghanap si Miles ng malalaking bags para paglagyan ng weapons na dadalhin namin ngayon. Syempre ako, yung swords ang una kong niligpit at nilagay ko sila sa scabbards bago ko isinilid sa isang itim na bag. Si Kelsey, ano pa nga ba? Yung whips at foldable staffs and spears ang kinuha niya. Si Miles naman ay yung mga baril na nakadisplay sa walls at sa tables yung niligpit, habang si Krystal ay kung anong una niyang makita ang nilalagay niya sa bag niya.

After that, napatingin ulit ako sa buong bahay. Marami pang weapons at hindi masyadong halatang may mga nabawas. Umalis agad kami doon sa bahay at maingat kaming umalis sa lugar na 'yun. Mukhang wala namang nakasunod sa amin kaya nakahinga ako nang maluwag.

Nauunang maglakad sina Miles at Kelsey habang buhat-buhat nila yung bags na halos kalahati na ng size nila. Kasabay ko naman si Krystal at mukhang may malalim siyang iniisip.

'Flame Spectre. Flame Spectre. Damn it.'

Bigla akong napahinto dahil sa narinig ko. Boses yun ni Krystal pero hindi naman siya nagsasalita. Anong nangyayari? Siya ba yun?

Napatingin siya sa akin dahil tumigil ako sa paglalakad at nakatitig lang ako sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari sa'yo?"

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon