17 [Gemma]

346K 11.9K 1.1K
                                    

/GEMMA/

***

Pagkagising na pagkagising ko ay naramdaman ko kaagad yung sakit ng ulo ko dahil hindi ako pinatahimik ng isip ko. Plus yung adventure pa namin kaninang madaling araw sa basement.

"Morning."

"Oh my God!"

Muntik na akong malaglag sa kama nung makita ko si Krystal na kagigising lang rin. Paano ba naman ay ang sama ng tingin niya at gulu-gulo pa yung buhok niya. Lalo namang sumama yung tingin niya dahil sa reaction ko kaya nagsmile na lang ako sa kanya.

Napatingin naman kami sa orasan at nagulat ako nung nakita kong 1 PM na. Kaya pala kumukulo na rin yung sikmura ko. Sabagay, anong oras na rin kaming natulog kanina.

Bumaba kami at nakita naming nagrarambulan sa kusina 'yung dalawang nene. Wala pa yatang araw na hindi ko sila nakitang magkasundo. Bigla naman silang napatigil nung nakita nila kami at bumalik sila sa mga kanya-kanya nilang ginagawa.

Pfft. The Krystal effect.

Pagkatapos magluto ni Kelsey ay kumain na kami kaagad. At habang kumakain kami ay napag-usapan ulit namin 'yung basement.

"Ano na palang gagawin natin doon, Leader?"

"Gusto ko ulit makita 'yun. Hindi ko masyadong naexplore kanina eh," sabi ni Miles. Maski ako gusto ko rin. Nabitin ako kanina at ang dami pang pwedeng iexplore doon lalo na 'yung books at weapons.

"Eh paano, nakakapit ka lang kay Tanda all the time!"

"Sus! Ikaw rin naman eh! Nakakapit ka lang kay Scary—sa kanya!" sabay turo ni Miles kay Krystal.

"Pero nagtataka ako kung bakit may faint blue light na lumabas nung hinawakan natin 'yung wall. Lahat ba ng hahawak doon, mabubuksan rin 'yung wall?" tanong ko.

"Maybe only those who have the ice attribute can open it," sabi naman ni Krystal. Sabagay, may point siya. May ice attribute ang family niya kaya possible na ginawa nila 'yun just for them. Pero nakakamangha pa rin na nakagawa sila ng ganun.

"Pupunta ba ulit tayo doon, Leader?"

"Not yet. We need to collect more insignias for now," tapos tumingin siya kay Kelsey. "Pupunta tayo mamaya sa South. And you two," sabay tingin niya sa amin ni Miles. "kukunin niyo 'yung natitirang weapons sa bahay mo."

After that ay naghanda na kami. Dahil dalawa lang kami ni Miles na pupunta ay tig-dalawa rin kami ng bag na dadalhin. Syempre, dinala ko 'yung bokken ko at dala naman ni Miles 'yung twin guns niya. Pero nagdala rin siya ng dalawa pang extra na baril kaya nagdala na rin ako ng extra sword. Nagtali ako ng tela sa bewang ko at doon ko siniksik 'yung bokken at scabbard.

"Tanda, magdala ka ng whips ha! Bye!" sabay takbo naman ni Kelsey para makahabol kay Krystal na nauuna nang maglakad. Thirteen pa lang ang insignias na nakokolekta namin at thirty ang kailangan para makasali sa War of Best. Mukhang kailangan naming bilisan ang pagkuha dahil sabi ni Krystal ay mas hihigpit ang security ng gangs ngayon dahil alam nila ang mangyayari.

"Oy Gemmatan—Gemma, tara na!"

At talagang sinanay na niya 'yung sarili niya sa pagtawag sa akin ng Gemmatanda? Tapos si Kelsey naman, Tanda. Hindi ba talaga ako kagalang-galang sa paningin ng dalawang neneng 'to? Buti pa kay Krystal, may takot sila!

Naglakad kami papunta sa bahay niya at hindi namin pinapahalata ang presence namin. Pero nung nakalagpas na kami sa may Black Market ay biglang may humarang sa amin.

"There you are," sabi nung isa habang nakatingin kay Miles.

"Tsk tsk. Sayang ka, ang galing mo pa namang hunter pero ngayon ikaw na ang hinuhunt."

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon