Chapter21

10.4K 120 8
                                    

Hans' POV

"Bye Pat...I really enjoyed our team building"bulong ni Cheska saken bago sya bumaba ng bus

Sya na kasi ang nakatabi ko sa pag-uwi.Kaya naman nagkunwari nalang akong tulog habang nasa byahe kami.

Baka kasi kung ano nanaman ang mga marinig ko sa kanya.

Hindi naman na sya naghintay pa na sagot ko dahil agad na syang bumaba.Wala din naman syang maiintay na sagot saken.

Tahimik ko lang syang tiningnan habang pababa sya.

Naalala ko pa rin ang mga yun at talagang nakokonsensya ako.Ito na ba ang tinatawag nilang lust?

Napailing ako dahil hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan na nagawa nya yun,na nagawa namin yun.Best friend nya ang asawa ko at alam ko kung gano nya kami kamahal at pinagkakatiwalaan pero anong ginawa namin?Iniputan namin sya.

Bumaba ako malapit sa sakayan at saglit na nag-isip.Uuwi na ba ako?Pano kung nandun sya?Hindi pa ako handang harapin sya.

Saglit pa akong nanatili sa kinatatayuan ko bago ko magawang magdecide.

Haharapin ko rin naman sya sa ayaw at sa gusto ko,isip ko

Kaya naman nagsimula na akong maglakad.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan kong nakalock ang pinto.

Wala sila?

At dahil meron naman akong spare key ay pumasok na ako.

"Beb?Cheska?"tawag ko

Inikot ko na ang buong bahay at mukang wala sila

Siguro nasa park

Kaya naman nagtext ako sa kanya na nadito na ako.

Kahit naman natatakot akong harapin sya syempre gusto ko pa ri  syang makita,namiss ko sya eh.Ang gulo ko ba?Ewan

Ilang minuto lang inintay ko at dumating na sila.Para namang nagkaroon ng mga kabayo sa dibdib ko at nagkakarerahan sila habang dahan-dahang bumubukas ang pinto.

"Daddy!!"ang anak ko,excited,malapad ang pagkakangiti at makikita mong masaya talaga sya

Tumakbo sya palapit sa akin at niyakap ko sya agad ng makalapit sya.Napangiti ako at napapikit,namiss ko talaga sya.

Naramdaman kk naman na may nakatitig sakin kaya tumingala ako.

Nakakita ako ng anghel,hindi ako nag-eexagerate dahil ganun talaga sya.Nakangiti sya at mukhang sayang-saya sa nakikita.

"Daddy,I miss you"nakangusong sabi ng anak ko

"Mas namiss naman kita"sabi ko sabay pisil sa pisngi nya

"Eh ako?Namiss mo?"tanong nya sabay lapit

Iniabot naman nya ang kamay nya at hinawakan ko iyon at pinisil.

Namiss ko sya,sobra.

Hindi ko sinagot iyon,sa halip ay tumayo ako at niyakap sya ng ubod ng higpit.

Namiss ko sya sa point na kulang pa ang pagsasabi ng I miss you.Kaya sana sa pagyakap ko sa kanya ay maramdaman nya kung gano ko sya kamiss.

"Mukhang sobra mo kong namiss.Beb,can't breath"kapos hininga nyang sabi

Nang marinig ko iyon ay agad kong kinalas ang pagkakayakap sa kanya.

"Sorry"

"Okay lang"

Umupo kami at inilabas ko ang mga pasalubong ko.

Tuwang-tuwa naman si Anika habang isa-isang inilalabas ang mga dala ko.

"Kamusta naman ang team building nyo?Masaya ba?"tanong nya na nakapagpanigas sakin

Napigil din ang hininga ko at pakiramdam ko na tumigil sa pagtibok ang puso ko.

Ito na,ito na ang kinatatakutan kong oras.

Ang magtanong sya about sa team building namin.

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now