Chapter 29

10.6K 106 4
                                    

Aia'sPOV

"Beb uuwi ako ngayon ng maaga"kung ordinary days lang to for sure ngingiti ako at maeexcite

Pero hindi eh.Hindi naman sa nawalan na ko ng tiwala sa mga salita nya kaso parang nahihirapan naman ako na umasa tapos wala din naman pala.Imbes na ngiti ang ibigay ko sa kanya ay isang blangkong tingin ang ibinigay ko.Napabuntung-hininga naman sya tapos ay lumapit sakin at hinawakan ang braso ko.

"Beb,promise,pag di ako nakauwi ng maaga ngayon magalit ka na talaga"mahina nyang sabi

Kita ko naman sa mga nya ang honesty kaya nagpilit ako ng ngiti at tumango.Hahalikan nya sana ko sa noo kaso bigla namang tumunog ang phone ko.Kinuha ko kaagad iyon.

Besty calling...

Nang mabasa ko yun ay awtomatikong napangiti ako at naexcite.Ang tagal ko na kayang walang naririnig sa kanya!Hindi rin naman nagkwekwento si Hans.

Mabilis kong sinagot iyon"Besty!"excited kong sabi

"Ouch naman best!Babasagin mo ba ear drums ko?!"natawa naman ako

"Grabe ka!Di pwedeng namiss lang kita?Ang tagal ko ng walang naririnig sayo ah!Akala ko nakalimutan mo na ko!"napatingin naman ako kay Hans at napakunot ang noo ko pano kasi parang kabado sya

"Haha parang ikaw ang sipag mong magparamdam!"

"Haha ginawa mo namam akong multo nyan best!"

"Hahauybest!Pupuntakodyanmayaah,dyanakomagdidinnerkungpwede"

"Talaga!Syempre pwedeng-pwede!Sumabay ka nalang kay Hans pag-uwi"mula sa peripheral vision ko ay nakita kong napalingon sya

"Okay!So,seeyalaternalang?"
"Okay,bye!"
"Bye"at pinutol ko na ang tawag

Nakangiti naman akong tumingin kay Hans habang sya naman ay nakakunot ang noo.

Hans'POV

Shit!Tama ba ang narinig ko?Pupunta sya dito?Ano nanamang pakulo nya?

"Anong sabi?"tanong ko

Masigla naman syang lumapit at inayos ang neck tie ko

"Pupunta mamaya si Besty.Grabe ang bruhang yun.Masyadong nagpamiss!Ay nga pala sabay kayo mamaya ah!"

Lintek naman!Hindi maganda ang pakiramdam ko sa plano na pagpunta dito ni Cheska.Gusto kong tumutol kaya lang pano ko yun magagawa?Ngayon pa na masaya at excited si Marie?Ayoko namang isipin nya na inilalayo ko sya sa mga tao.

Huminga ako ng bahagya saka nagpakawala ng ngiti"Okay,basta para sa'yo"

Kung kanina malapad na ang pagkakangiti nya mas lalo na ngayon"Yehey!Thank you Beb!"at may kasama pa yang yakap

Sabihin nyo nga makakahindi pa ba kayo kung nakikita nyo na ganito syang kasaya?Bumitiw naman sya sa pagkakayakap at nag-pose na parang nag-iisip.

"Hmn,Beb ano kayang maluto mamaya?"at tumingin sya saken

"Kaw bahala.Kahit ano namang lutuin mo kakainin ko atsaka lagi namang masarap eh.Kahit nga kanin lang ang kainin ko basta nakatingin ako sa'yo para na rin akong nakaulam"nakangiti kong sabi

"Oo na!Sige na!Umalis ka na at nang hindi na ko makarinig pa nyang mga bola mo!"medyo namumula sya habang itinutulak ako palabas

"Oh!Bakit namumula ka?Kinikilig!"biro ko habang kinikiliti ang bewang nya

"Hahaha!Ano ba Beb!Sige na,oo na basta magtigil ka!"

At tumigil naman ako.Nakangiti kaming pareho na nakatingin sa isa't-isa.

"Nakita rin kitang ngumiti ulit ng ganyan"at mas ngumiti pa sya saka yumuko

"Sorry kung masyado kong naging childish kagabi,para naman akong asawang tiwala sa inasta ko kagabi.Sorry talaga"at niyakap nya ko

Aaminin ko,parang sinasaksak ang puso ko ngayon.Ayokong gawin syang tanga pero yun pa rin ang ginagawa ko ngayon.Ayoko lang naman syang masaktan,alam kong nasasaktan na sya ngayon dahil sa nawawalan na ko ng oras sa kanya.

Pero yun lang ang tanging paraan na alam ko para maiwasan na mas masaktan sya.Oo,may nangyayari samin hanggang ngayon ni Cheska pero ginagawa ko lang yun para hindi nya ilabas ang tinatago namin.

Hindi ko alam kung pano nya nagagawa yun,best friend nya ang asawa ko at hindi ko maintindihan kung pano nya yun nagawa.Nakokonsensya na ko,gusto ko na talaga tong itigil,at yun ang ginawa ko kagabi pero nagbanta sya na ipapaalam nya kay Marie ang lahat at natakot ako.

Ayokong mawala sakin si Marie,mahal na mahal ko sya.At alam kong sa ginagawa kong to lumulubog na ko sa kasalanan ko sa kanya.At alam ko rin na totoo ang kasabihang walang sikretong hindi nabubuko at alam kong sa oras na malaman nya yun maaari syang mawala sakin ng tuluyan.Pero hangga't kaya kong itago gagawin ko kahit hanggang kamatayan titiisin ko wag lang nyang malaman.

"Mahal na mahal kita Marie,wag mo sana yang kalimutan"at niyakap ko sya ng mahigpit

"Mahal din kita.Sige na pasok ka na baka malate ka pa"sabi nya sabay kalas sa yakap ko

Ngumiti sya ng matamis at hinalikan ako sa labi

"Oh!Yun lang,wag ka ng hihingi pa!"

Natawa naman ako"Oo na"pero hindi ko sya sinunod dahil mabilis ko syang hinalikan,halik kung saan ipinaramdam ko na mahal ko talaga sya.

Niyakap ko pa ulit sya saka nagpaalam.Tumango nalang sya at kumaway habang hawak ang mga labi nya.Hindi ko napigilang ngumiti sa nakikita ko kaya lang nang tumalikod na ko ay nawala na iyon.

Naalala ko kasi ang mangyayari mamaya.Kailangan kong maging mapagmatyag sa kung ano mang gagawin nya.Dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa dahilan kung bakit biglang gusto nyang pumunta dito sa bahay..

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें