Chapter14

12.1K 135 15
                                    

Cheska's POV

"Patrick"mahina kong tawag sa kanya

Isa-isa na kasi nyang pinupulot ang kanyang mga damit

Hindi sya sumagot bagkus ay nagpatuloy lang sa pagbibihis

Ako?

Eto nakaupo sa kama at nakataklob ng kumot.

Oo,tuluyan na ngang may nangyari samen.Kaya lang parang mas lalo lang akong nasaktan kasi ibang pangalan ang sinambit nya.

Si Aia...

Alam kong wala akong karapatang masaktan dahil in the first place hindi na dapat nangyari ang nangyari between us.

Kaya naman hinayaan ko na lang.Alam ko namang hindi nya ako mahal at ang nangyari samen ay isang pagkakamali lang.

"Pat"bulong ko kasi palabas na sya

Tumigil sya nang nakahawak sa door knob.

Nakita ko ang pagbuntung-hininga nya.

"Kalimutan natin na nangyari to.Sana rin walang ibang makaalam tungkol dito"yun lang at lumabas na sya

Gusto kong umiyak pero hindi dapat.Sa una palang alam ko ng hindi dapat ito mangyari pero pinilit ko pa ring mangyari.

Kalimutan natin na nangyari to

Kalimutan?Pano ko yun magagawa?

Para saken isa yung mahalagang pangyayari kasi kahit mali naramdaman ko pa rin kahit papano na gusto nya rin ako.

Kasi diba kung ayaw nya talaga hindi nya yun itutuloy?

Kung talagang ayaw nya pipigilan nya ko.

Pero hindi eh,he went with the flow.So that just states na he wanted what just happened.

Siguro hindi na ulit ito mauulit pa pero pwede rin naman na mangyari pa ulit diba?

Napakasama ko na ba?

Anong magagawa ko?

Mahal ko eh.

Sana lang hindi to maging dahilan ng paglayo nya saken.Kasi hindi ko yun kakayanin.

Patrick's POV

Shit!

Ano bang ginawa ko?!

Mali yun eh!

Sobrang mali!

Inaamin kong nakainom ako pero nasa katinuan naman ako ng mangyari yun.

At alam kong kaya ko yung pigilan.Pero hindi eh,hindi ko sya pinigilan.

Hinayaan ko lang na mangyari yun.

Nadala ako ng lust...isang bagay na ipinangako ko kay Marie nung araw na ikasal kami.

Pero ano?

Binigo ko sya...

Nagkasala ako sa kanya...

At hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kanya.

Mahal ko sya pero nagawa kong pagtaksilan sya.

Anong klase akong asawa?

Napakasama ko.Sobrang sama ko.

Napahiga ako sa kama ko dahil sa sobrang frustration at pagsisisi.

Wala pa rin akong kasama dito sa kwarto.Siguro nagkakasiyahan pa sila.

Bigla naman tumunog ang phone ko na agad ko namang kinuha.

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now