Chapter23

10.2K 122 5
                                    

Aia's POV

"Bye Beb,ingat ka.Uuwe ka ba ngayon ng maaga?"tanong ko habang inaayos ang kwelyo nya

"Sorry Beb,hindi ko masabi.Baka kasi bigla nanamang magpa-overtime si boss"sabi nya ng hindi tumitingin saken

"Ganun ba?Grabe,sobrang busy nyo ata ngayon?Di katulad ng dati,pero okay lang.Trabaho naman yan eh"pilit ngiti kong sabi

Kasi halos dalwang linggo na silang halos araw-araw nag-oovertime.Kung hindi 10 pm ang uwe nya halos 12am na.

Niyakap naman nya ko"Sorry Beb kung pakiramdam mo eh nawawalan na ko ng oras sa'yo ah?Basta tandaan mo,mahal na mahal kita"sinabi nya yun ng nakayakap sakin ng mahigpit

"A-ahm Beb,hindi ako makahinga"eh kasi naman eh!sobrang higpit nya parang puputulan ako ng hininga eh!

"S-sorry"sabi nya sabay luwag ng yakap nya

"Beb,okay ka lang ba?Kasi pansin ko parang lagi kang wala sa sarili at walang buhay.May problema ka ba?"

Pansin ko kasi na parang laging ang lamlam ng aura nya eh.

"Wala to,pagod lang.Sige alis na ko"hinalikan nya ko sa pisngi at nagtuloy labas na

Ni hindi manlang nya nahintay ang sasabihin ko.Di man lang din sya nag-i love you.Alam ko napakachildish ko pero nasanay na kasi ako eh.Sinabihan naman nya ko kanina na mahal na mahal nya ko pero parang pakiramdam ko.Basta!Parang nay nagbago.Ewan!

Nang mawala na sya sa paningin ko naglaho na rin ang ngiti kong pinipilit na ipakita.

Ayokong sumimangot pero di ko mapigilan,malungkot ako,sobra.

Pano kasi nawawalan na sya ng oras saken at sa anak namin.Alam ko naman na trabaho ang inaatupag nya eh,kaya lang sana naman kapag nauwi sya sana naglalambing manlang sya,pero hindi eh ni kumaen nga di na rin nya ginagawa.Laging diretso tulog nalang sya.

Mula nung nagteam building sila parang nagabago na sya.Parang lagi syang balisa at parang nay kinatatakutan.Pag naman tinanong ko kung anong problema nya sasabihin nya wala o kaya naman e pagod lang.

"Mommy,are you crying?"

Ha?crying?Dahil sa sinabi ni Anika ay napahawak ako sa may pisngi ko.Basa

Naiyak ako?Ano ba yan,bakit ba ko naiyak?

"No baby,naluha lang si Mommy kakahikab"sabi ko sabay pilit ngiti

Ano ba yan?Kakaemote ko dito napaluha na pala ko.

Kkkrrriiinnnggg!!!

Napapitlag naman ako dahil sa biglang pagring ng phone ko.

Agad naman akong tumayo at kinuha iyon sa taas ng drawer...

Si Brix...

Sinagot ko naman iyon

"Hello?"bakit kaya sya tumawag?

"May desserts ka ba ngayon?"ah kaya naman pala

"Meron naman kaya lang kokonti kasi naideliver ko na yung iba"

"That's okay,I'll get the remaining.Oh!Can you deliver it to the shop 'coz I still have a meeting now"

"Ah oo naman!Itext mo nalang saken yung address"

"Okay"

Yun lang at naputol na ang linya.

Ewan ko pero nung narinig ko ang boses nya bigla nalang lumapad ang ngiti ko.Siguro magiging kaibigan ko din sya.Magaan ang loob ko sa kanya eh.

"Baby may iba na tayong pupuntahan okay? magdedeliver tayo"

"Okay Mommy!"

Hayyy...maaliw na nga lang ang sarili ko kesa naman mag-emo ako dito...

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now