Chapter 49

10.1K 133 27
                                    

Cheska's POV

"Hans oh tikman mo to for sure namiss mo yan"nakangiting sabi ni Aia habang naglalagay ng kare-kare sa plato ni Pat

Nandito pa rin kami at natapos na ang iyakan portion nila.Akala ko nga magiging okay na pero di pa rin pala.Kasi eto sila at ang sweet,nagngingitian habang naglalagayan ng pagkain sa plato.

"Babe,gusto ko rin matikman yan"singit ko

Ewan ko kung sinasadya ba nilang maging ganto sa harap ko o hindi.

"Kumuha ka nalang"turo ni Pat sa lalagyan ng kare-kare

"Tikim lang naman eh kaya subuan mo nalang ako"nginitian ko sya ng matamis

Tumingin naman sya kay Aia muna tapos ay bumuntung-hininga saka pa iniaro ang kutsarang may ulam saken.

"Mmn!Ang sarap nga Aia!Babe,salo na tayo ah?"ibinaba ko na ang plato ko at tumabi na sa kanya

"Ano ba Cheska?Pwede namang kumuha ka nalang ng sa'yo"sabi ni Pat habang pilit na lumalayo

"Iihh!Gusto nga rin ng anak mo na subuan mo sya!"at iniangkla ko pa ang kamay ko sa braso nya

"Ano ba?Nakakahiya!"pilit na kinakalas ni Pat ang kamay ko pero di ko sya hinayaan

"Ano ka ba naman Hans!Pagbigyan mo na!Baby nyo raw ang may gusto eh.Atsaka parang di ka naman sanay na may makasalo sa plato..at may kasubuan pa!"

Tinitigan ko naman sya tapos ay napatakip sya sa bibig nya"Oops!Walang personalan!Ang hirap pala kapag past ko ang present mo noh?Atsaka nasanay na kasi ako nakalimutan kong maraming na nga palang nagbago"sabi nya habang nakangiti

"Tama ka dyan Aia marami na ngang nagbago"sabi ko saka sumubo mula sa plato ni Pat

"At may mga magbabago at mawawala pa rin"tinignan ko si Aia at nakatuon na ang pansin nya sa pagkain

Is she up to something kaya sya nakipag-ayos saken?

After naming kumain ay nagyaya syang magfamily picture sila.Meaning I don't belong there kaya ako ayun nakatanga lang sa kanila.

"Grabe,almost 4 na rin pala!Di ko napansin masyado kasi akong nag-enjoy!"si Aia habang papunta kami sa kotse

Si Pat ang may dala ng mga ginamit namin.

"Thanks!"si Aia ulit,pinagbuksan kasi sya ng pinto

Magsasalita na sana ako na kung hindi rin ba nya ko pagbubuksan pero ginawa na nya before ko pa masabi.

"Pwede ko ba namang makalimutan ka?"and he flashed a smile

Inalalayan nya rin ako sa pagsakay and I think nagbablush ako.Ang gwapo nya kasi ngumiti eh.hihi *giggles*

The whole ride was in silence, siguro pagod na sila.Well,ako rin naman eh inaantok na nga rin ako.Kaya naman ipinikit ko na ang mga mata ko.

Nagising ako dahil naramdaman kong nakahinto na ang kotse.

Nandito na agad kami?taka kong tanong sa sarili

Kaya naman iminulat ko ang mga mata ko at iginala ang paningin ko.Nasa isan kaming mall?Bakit naman kami nandito?Wala na rin ang mga kasama ko which woke all my senses up.

Saan sila nagpunta?!My insecure and selfish and obsessed part awaken up.Baka nagsosolo na sila at gumagawa na ng move si Aia para makuha saken si Pat so I jump off the car and paced my way inside the mall.

Nang makapasok ako ay hindi ko na ata kelangan pang hanapin sila kasi halos makabungguan ko na sila.

"Oh,bakit parang natataranta ka?"natatawang sabi ni Aia

"San kayo galing?"tanong ko na parang isang asawang hinuhuli kung nagloloko ang asawa

"Nag-cr ako si Hans naman at the same time eh nagpasamang bumili ng mga gusto mong foods"napatingin ako kay Pat at nakitang madami nga syang dala

Kuminang naman ang mga mata ko dun (*•*)

"Para saken yan lahat???"

"Oo naman,diba mga gusto mo to?Nagtanong na rin ako kay Marie kung anong mga gusto mo"nakangiti nyang sabi

Ngumiti na rin ako at umangkla kay Pat"Thanks! Eh bakit hindi nyo ko ginising?"

"Sarap kasi ng tulog mo eh,ayaw kang istorbohin.Kaya saken nalang sya nagpasama"si Aia

Lumabas na kami at nagbalik na sa kotse"Sana ako nalang tinanong mo kung ano mga gusto ko"sabi ko pagkasakay namin

And guess what?Nagkusa na syang alalayan ako sa pagsakay!Ano kayang nangyari nung tulog ako?

"Binuksan ko naman na ang isang supot ng orange jelly at inupakan na yun

"Di ba mas sweet yung ganun?Yung magreresearch sya ng mga gusto mo?"si Aia pa rin

Bakit ba laging sya ang sumasagot?May bibig naman si Pat ah...

Nagbyahe na ulit kami at inihatid na muna namin si Aia sa bahay nya.At saka na kami dumiretso sa house.

Alam nyo ba pinagbuksan nya ko ng pinto ng kotse tapos ganun na rin sa pinto ng apartment namin.Ewan ko kung bakit bigla syang naging ganto basta enjoy ko na lang imbes na mag-isip pa ng mag-isip...

"Anong gusto mong dinner? Gutom ka na ba?"tanong agad nya ng maibaba nya ang mga pinamili namin

"Easy,okay?Di pa ko gutom!What's with the change of mood?"nilapitan ko sya

"Ha?Anong sinasabi mo?"sya habang nag-aalis ng stuffs sa plastic

"Ito,you're being sweet and caring"

"Bakit,ayaw mo ba?"nagulat naman ako kasi bigla nyang nilapit ang mukha nya

"S-syempre gusto!Nagtataka lang ako"inilayo ko ang mukha ko sa kanya

He's weird...

"Ano namang nakakapagtaka dun?Masama na bang maging ganto sa asawa?"

Napatingin agad ako sa kanya ng sabihin nya ang word na yun...Asawa...

"Ulitin mo nga sinabi mo"malapad na ngiti kong sabi

"Ang alin?"

"Yung last word na sinabi mo"tinignan naman nya ko as if inaalala nya ang huli nyang sinabi

"Alin,yung asawa ba?"

"Oo!Tama pala dinig ko"

"Bakit naman magkakamali ka ng dinig?"nagpatuloy na sya sa pag-aayos ng mga pinamili nya

"Wala naman"niyakap ko sya from his back

At hindi naman nya ko itinaboy so ininjoy ko yung feeling...Sarap yakapin nya,ramdam ko yung muscle!

"Pat?"tawag ko sa kanya still in that position

Hindi sya sumagot but I took that as he's waiting for me to continue

"Please be mine,let's stay like this.I can be a better wife naman eh.Just stay and I promise na magiging masaya ka samin ng anak mo"nakapikit kong sabi

Inalis naman nya ang pagkakayakap ko at natakot ako na baka biglang nagbago ang isip nya sa  sinabi ko.But his reaction is opposite sa inakala ko kasi he smiled.

"Tuparin mo lang ang sinabi mo noon,I'll stay beside you"yun lang at umalis na sya

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N:

Anong sinabi ni Cheska?Magulo ba?Madaming nagpapasingit ng gusto nilang mangyari eh..hehe

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now