Chapter25

11.6K 142 11
                                    

Aia's POV

"Salamat sa paghatid!Sama mo na rin ang lunch,meryenda atsaka ito.Grabe,nakakahiya"sabi ko

Kasi naman hindi nya kami pinaalis,sabi nya niresched daw ang meeting nya ng dinner.Kaya ayun itong anak ko eh kinulit sya ng kinulit.Nakakahiya nga eh pero sabi nya enjoy daw syang kausap si Anika kasi ang bibo daw at ang talino.

Tapos nung lunch time na niyaya nya kaming kumain sa resto nya..Oo,may resto din sya!

Tapos ayun nagkwentuhan pa kami,di na nga namin namalayan ang oras eh!Malaman nalang namin 2:00pm na pala.

Tapos tinanong nya pa si Anika kung saan pa daw nya gustong pumunta,at alam nyo ba ang sinabi nya?Sa mall!Pinigil ko na nga eh,kaso deadme ko..T_T

"That's okay,besides I enjoyed it"si Arnold

"Ahm,ano,pasok ka muna?Pagtitimpla kita ng kape"nakakahiya na kasi ang dami nya ng naibigay kahit sa kape man lang sana

"No,thank you but I have to go.I still have a meeting to catch"sabi nya habang nakatingin sa relo nya

"Naku!Ayan!Sabi na sayo eh,naabala ka pa tuloy namin!"

"I said it's okay,I have to go.Bye cute girl"sabi nya sabay kurot sa pisngi ni Anika

"Bye Tito Arnold!Thank you!"si Anika wearing her sweet smile sabay puppy eyes

Awwww...so cute! (>3<)

Napatawa naman ng mahina si Sir Arnold.Pinat pa nya sa ulo si Anika pagkatapos ay tumingin na sakin

"I gotta go"

"Sige,salamat ulit.Ingat"sabi ko at sumakay na sya sa kotse nya

Kumaway nalang kami at hinintay na makaliko sya sa kanto bago kami pumasok ng bahay.

"Sino yun?"napapitlag naman ako nang biglang may magsalita pagkabukas ko ng pinto

"Gulay naman Beb!Nakakagulat ka!Teka,ang aga mo ngayon ah"sabi ko habang hawak pa rin ang dibdib ko,grabe ang gulat ko dun ah

"Sagutin mo ang tanong ko,sino sabi yun?"sya habang seryosong lumapit sakin

Sasagot na sana ko ng biglang may tumakbo sa may gilid ko at yumakap kay Hans

"Daddy!Look!Tito Arnold gave me this!Tara,tikman mo Daddy!"si Anika habang pinapakita ang paperbag na may lamang pastries

"Sige baby,ayusin mo muna sa mesa.Susunod nalang ako"sya na hindi inaalis ang tingin sakin

"Okay!"at patalon-talon na itong pumunta ng kusina

"Ngayon,sagutin mo ang tanong ko.Sino yun?"sya na lumapit pa sakin

"Si Sir Arnold yun!Oo nga pala,di mo pa sya nakikita noh?"ako,pinipilit na pagaanin ang atmosphere

Para kasing ang bigat eh...

"Alam mo ba kung anong oras pa ko nandito?Kanina pang before lunch!Alam mo kung bakit?Kasi babawi sana ko sainyo,sayo!Kasi alam kong pakiramdam mo na nawawalan na ko sayo ng oras!Pero anong inabot ko?Isang bahay na walang laman!"sya nagpipigil ng sigaw pero gigil ang pagsasalita

Kinalma ko naman ang sarili ko,ayokong sabayan ang init ng ulo nya.Lalo lang lalala.

"Tumawag kasi sya kanina,nagpadeliver ng mga candy.Eh nakakwentuhan si Anika hanggang sa inabot na kami ng lunch,kaya ayun inaya nya kami dun sa resto nya.Di naman nagpaawat yang anak mo."sabi ko sa malumanay na tono

"At di mo man lang ako nagawang itext para naman hindi ako nagmukhang tanga dito kakahintay sainyo.Ay oo nga pala!Pano mo nga naman magagawa yun kung iniwan mo dito phone mo!"sabi nya sa gamit ang naiinis na tono

Naiwan ko?Agad ko namang kinapa ang bulsa ko pati ang bag ko.Wala nga.."Hindi ko alam na naiwan ko pala"

"Lahat nalang may isasagot ka noh?Eh eto,okay papalampasin ko na ang lunch pero ang tagal nyo naman atang kumain?Inabot na kayo ng 4!"

"Nagyaya pa kasing magmall sa Anika eh!Pinigilan ko naman pero ayaw paawat kaya ayan hinapon kami"

"Si Anika ba talaga?At kung ayaw mo talaga kahit hilahin mo pa sya pauwi gagawin mo!At sa mall nyo pa nagawang maggala!Pano nalang pag may nakakita sainyong kakilala tayo?Ano nalang iisipin nila?Ano?Iisipin nila na kabit mo yun!"sigaw nya

Hindi ko na napigil pa ang sarili ko,sobra na sya.Nasampal ko sya.

"Ganun?!Ganun ba ang tingin mo ha Beb?!Wala ka bang tiwala sakin?!"

"Totoo naman ah!Kung ayaw mo talaga magagawan mo ng paraan!Hindi yang isinasangkalang mo pa pati ang anak natin!"

"Eh sa yun ang totoo!Beb ano bang nangyayari sayo ha?Hindi ka naman ganyan dati ah?Magmula nung umuwe ka galing sa team building nyo nagabgo ka na!lagi ka nalang balisa,lagi ka na lang pasigaw,lagi nalang mainit ulo mo.Sabihin mo nga saken,meron bang nangyari dun na hindi mo saken sinsabi?"

Hindi naman sya umimik sa halip ay nanatili lang syang nakatingin sa malayo at nakatahimik.Naramdaman ko naman ang pamumuo ng luha ko pero pinigil ko iyon.

"Daddy,Mommy,nag-aaway po ba kayo?"si Anika na naiiyak

Agad ko namang pinunasan ang luha ko at ngumiti

"Ba't naman kami mag-aaway baby?Teka,naayos mo na ba yung kakainin ni Daddy?"

"Opo!Daddy,tara!"sya sabay hila sa kamay ni Hans

"Mamaya nalang baby,aakyat na muna ko"at umalis na sya ng walang lingon likod

Ano bang nangyayari sa kanya?

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now