Chapter 62

6.8K 90 7
                                    

Hans' POV

Tok tok tok... Sunud-sunod kong katok

Huminga muna ako ng malalim habang hinihintay na bumukas ang pinto...

Shit!Bakit ba dito ko pa naisip pumunta?!Di bale sana kung tanggapin na lang nya ko ng ganun-ganon na lang pero paano kung yung kabaliktaran?

"Ano ba?!Sabi nang bukas ako magbabayad ng rent...eh.."ang kanina nyang reaksyon na galit ay napaltan ng gulat

Napabitaw siya sa knob ng pinto at napanganga.Ganun na ba kaexpected ang pagdating ko?

"A-anong ginagawa mo dito?"nagtataka nyang tanong

Napayuko na lamang ako,anong isasagot ko?Na ipinagtabuyan ako ni Marie na parang may ketong?O na itinapon nito na parang isang basura?Kung isa sa mga yun ang isasagot ko paniguradong pagtatawanan nya ko at hahamakin...

Pero nagulat ako ng bigla na lang ay yakapin nya ako ng mahigpit"I know why your here"at mas niyakap nya ko ng mahigpit

Nananitili lang akong nakatayo doon.Ewan pero ang sarap sa pakiramdam,I really need a hug to comfort me now...Naramdaman ko din ang tyan nya,malaki na.

"Paano-"itatanong ko sana kung paano nya nalaman pero inunahan na nya ako

"May mata ang dingding,may tenga ang sahig at may pakpak ang balita"simple nyang sabi at humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin

"Halika,pasok ka"yaya nya saken para pumasok

Grabe,akala ko pagtatawanan nya ko pero eto ang ginawa nya..

"Kumain ka na ba?"umupo sya sa tabi ko

Tumango na lamang ako"Pat"iniharap nya ako sa kanya

"Aaminin ko galit ako sa ginawa mo saken..."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya

Nagkatrauma na ata ako sa galit ng isang babae.Tatayo na sana ako kaso pinigil nya ako..

"Wait,where are you going?"pigil nya saken

"Away...away from people who hates me"aalis na sana ako pero pinigil pa rin nya ako

"Ano ka ba?Oo,galit ako sa ginawa mo but that doesn't mean na gagawin ko ang ginawa sayo ni Aia.Mahal kita kaya kahit anong galit ko sayo,hindi ko maiisipang gawin ang ganung bagay sayo"tinitigan ko sya sa mata at nakitang sincere sya

Pero paano kung mali lang ako ng kita?Nagawa na akong maloko dun ni Marie...

"I'm not like her and besides your child needs you too"tumayo sya at kinuha ang kamay ko

Ipinatong nya iyon sa tyan nya.Ang sarap sa pakiramdam.Napatingin ako sa kanya kasi bigla nalang may gumalaw doon,ang anak ko...

Tumango naman sya at ngumiti"She's glad that your here now"at napangiti na rin ako

"Be mine,Patrick, I promise,I'll make you happier"tinitigan ko sya sa mata

Ngumiti ako ng tipid at niyakap nya ako...

Aia's POV

"Everything's going as planned. Hindi man lang ako nahirapan"nakangiti kong sabi

"Isn't it enough?"tanong ni Arnold

Nilingon ko sya"No,it's not.Di pa sila nagdudusa,di pa ako masaya"

Kumalas naman sya sa pagkakayakap saken.Nandito kami sa isang resort,wala lang,nagrerelax lang.Kagabi lang yun at hanggang nagyon at nagkukusa pa rin ang labi ko na ngumiti.

"And when will it be enough? If one of them dies?"medyo galit nyang sabi

Tinitigan ko naman sya for a while then napangiti ako na parang may sinabi sya na magandang idea...

"You know,I haven't think of that.Alam mo parang magandang idea yan"tumatango at nakangiti kong sabi

Mukha naman syang nagulat at di makapaniwala sa narinig nya.Napahagalpak naman ako ng tawa na may kasama pang hampas sa hita at hawak sa tyan.Pinunasan ko ang luha ko na gawa ng kakatawa...

"My ghad,naisip mo talaga na kaya ko yung gawin?Gulay Arnold ah?"natatawa ko pa ring sabi

Mukha namang nakahinga sya ng maayos at napailing na lang din"You silly woman, I thought you'll really do it"at niyakap nya ulit ako

Bakit ko sya hinahayaang yakapin ako?Ewan ko din nga eh basta after that kiss naging ganito na lang kami.May relasyon na ba kami?I think wala kasi wala naman kaming naging usapan na committed kami sa isa't-isa.

"Do you really think na kaya ko ngang gawin yun?"nakaback hug sya

Ang sarap sa pakiramdam,ang mga paa namin nababasa kapag umaakyat ang alon sa dalampasigan tapos yung hangin na medyo malamig ay dumadampi sa aming mga katawan.

Tamang-tama lamang ang lamig na ibinibigay nito sa magkahinang naming mga katawan.Tapos hindi ganoong kainit ang sikat ng araw,kaya nga kung idedescribe ko ang moment na to sa madaling salita...it's perfect...

"In you everything's possible.Just look at the things you've already done"seryoso nyang sabi

Lumungkot naman ang mukha ko.Sa sinabi nya parang nasaktan ako para kasing sinabi nya na napakasama kong tao."But you know di ko kayang umabot sa point na yun.I'm not like them"naalala ko kasi ang nangyari kay Annika

Gusto kong umiyak pero ayokong makita nya yun.Ayokong ilabas ang lungkot at galit ko dahil sa nangyari sa anak ko.Ito kasi ang nagbibigay ng malaking parte ng lakas ng loob ko.

Sila ang dahilan kung bakit wala na sya ngayon,kung bakit wala na ang anghel ko.Kung bakit hindi ko na marinig ang boses nya,ang mga tawa nya.Sila ang dahilan kung bakit di ko na sya mayakap ngayon.At hindi ko sila mapapatawad para dun...

Naramdaman ko naman ang marahan nyang pagpunas sa may pisngi ko.Nagulat na lang ako kasi nasa sa harap ko na pala sya.

"Just cry,let it all out"bulong nya habang pinupunasan pa rin ang pisngi ko

Nagulat naman ako sa sinabi nya,umiiyak ako?Akala ko ba pinipigilan kong umiyak pero bakit tumutulo ang mga ito ngayon?Pinunasan ko ang mga iyon at tumalikod sa kanya at nang makompose ko ang sarili ko ay nakangiti ko syang hinarap.

"Tara na,gutom na ko eh"pigil iyak at pilit ngiti kong sabi

"Aia-"alam ko na ang sasabihin nya,na hayaan ko lang ang sarili kong ilabas ang lahat ng sakit

Pero ayoko nga,ayoko kasi baka pag ginawa ko yun magawa ko na rin patawari sila at ayokong mangyari yun.Hindi pa ko nakakabawi,hindi pa sila miserable..

"Tara na"hila ko sa kanya

Napabuntung-hininga na lamang sya at hinayaan akong hilahin sya.

This is the best thing I can do to be strong.. Hold the pain and anger...

*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N:
Hi!Hmn,walang dedics si Wattpad app pero sino gusto magpadedicate? (^_^)

Anong say nyo dito?Hulaan nyo nga next chapty,may pattern na ngayon ud's ko..ehehe

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now