Chapter 73

7.1K 79 19
                                    

Aia's POV

"Ang tahimik mo ata?"pukaw saken ni Hans

Nandito kami ngayon sa Tagaytay.Naglalakad habang HHWW(Holding Hands While Walking)

Umiling ako at ngumiti"Wala naman,naiisip ko lang kung pano kita nasagot dati dito"

Ilang years na nga ba ang nakalipas mula nang maging kami?Mahigit 8 na ata?

"Oo nga eh,naiisip ko rin yun.Vacation ng barkada nyo nun at nakisama kami nina Mike.Kung di nga dahil kay Cheska di kami makakasama eh.Pakipot ka pa kasi nun"napatawa naman ako,but with bitterness

Oo nga pala,si Cheska pa ang lahing gumagawa dati ng paraan para lang magkasama kami at para na rin madevelop ako kay Hans.Pero ngayon yung kabaliktaran na ang nangyayari,sya na ang gumagawa ng paraan para lang magkahiwalay kami.

Tumigil ako at hinarap ang lake.Tanaw ko mula dito ang Taal Volcano..

"Dito,dito ang place kung saan mo ko sinagot.Tanda mo pa ba yun?"kahit di ako nakatingin sa kanya,I know his smiling sa boses pa lang nya

"Yeah,sabi ko pa nga nun na tumigil ka na sa panliligaw saken.Tapos tangka mo pa nung tumalon dito"natatawa kong pag-alala sa nakaraan

"Pano ba namang hindi?Eh mahal na mahal na kita nun at alam ko namang nagawa ko ang lahat para lang maiparamdam at maipakita ko yun sayo tapos ang maririnig ko sayo "Tumigil ka na sa panliligaw mo saken" anong ineexpect mo nun na reaction ko?"natatawa din sya

"Eh kasi naman hindi mo ko pinatapos!Sabat ka ng sabat sa speech ko!"tumatawa na ako

"Eh kinabahan ako nun eh!"sumandal sya sa pasamano ng hagdan at hinila ako palapit sa kanya

Again napatawa ulit ako"Kasi ganito dapat ang buong speech ko...Ehem...Tumigil ka na sa panliligaw mo saken..Kasi sinasagot na kita...kaso ikaw naman tong si react agad!"

Tumawa din sya"Ang takot ko talaga nun,may pasabi sabi pa ko na okay lang saken na hindi mo ko pansinin basta hayaan mo lang akong manligaw"

"At tinanong naman kita kung talagang yun ang gusto mo"dugtong ko

"At sinagot ko yun ng oo"

"Tapos sinabi ko na,sige ligawan mo na lang ako ng ligawan ayaw mo ata kasi na maging boyfriend kita"ang lapad ng ngiti ko habang sinasabi yun

"At napatigil ako sa pagsasalita nung maprocess na yun sa utak ko"dagdag nya

"Halos tumalon ka pa nga dito sa kasisigaw nun eh!"totoo yun,talagang tumuntong sya dito at ipinagsigawan na sinagot ko na sya

"Ang sarap lang balikan ang mga oras na yun ano?"hinigpitan nya ang yakap nya saken

Tumango lang ako as response.
Hayyyy,ang sarap lang talaga balikan ang mga oras na yun.Mga oras na masaya at walang ganitong problema...

Bigla naman syang humiwalay at tumayo sa harapan ko...

"Marie"hinawakan nya ang mga kamay ko

"Hmn?"nakangiti ako

"Tanda mo pa ba ang isa pang event na nangyari dito?"tanong nya

Akala nya siguro nakalimutan ko na,but trip kong pagtripan sya"Ano yun?"

"Di mo na tanda?"gulat at naghihinanakit nyang sabi

"Tatanong ko pa ba kung oo?"gesh,don't laugh Aia

"Wala,sige.Kalimutan mo na lang"at malungkot nyang binitawan ang kamay ko

Napahagalpak naman ako ng tawa"Hahahahaha!Eto naman,joke lang.Of course tanda ko yun!"

"Wag ka ng magsinungaling para lang gumaan ang pakiramdam ko"nagtatampo pa rin sya

"Ano ka ba?Diba dito ka nagpropose saken nun?In this same exact spot.Pinagtitripan lang kita"hinawakan ko ang kamay nya

Tinignan naman nya ako tapos ay nagulat ako sa sunod nyang ginawa.Kinikiliti nya ko!

"Waaaahhhh!Tama na Hans!Nakikiliti ako!"pilit akong lumalayo sa kanya but hinahabol nya ko

"Ayoko!Pinagtripan mo na naman ako!"hinuli nya ako at mas kiniliti

"Tama na!"natatawa habang hinihingal kong sabi

Thank God at tumigil sya.Nagback hug sya sa akin"Marie"bulong nya

"Bakit?"natatawa pa rin ako

Parang replay lang kasi pumwesto ulit sya sa harapan ko"Marie,Beb.Gusto kong ang lugar na to ang maging witness ng mga masasaya nating alaala"

Bakit ganun?Parang kinakabahan ako sa kahahantungan ng mga sinasabi nya

Napalunok ako at kahit kinakabahan ay sinagot ko sya"Ako din"

"Alam mo naman siguro na ginagawa ko ang lahat just to make it up to you diba?"pinisil-pisil ang dalawa kong kamay

"O-oo naman"shet,kinakabahan talaga ako

"At alam mo rin naman kung gaano kita kamahal.Nagkamali man ako,nagkasala man ako sayo.Pinagsisihan ko na yun,pinagsisihan ko ng todo"he looks so sincere

Napalunok naman ako"Marie,pwede bang gumawa ulit tayo ng isa pang magandang alaala dito?"malapad pero parang kinakabahang nakangiti sya

"A-anong ibig mong sabihin?"bigla naman syang lumuhod na ikinabigla ko"Hans,ano ka ba?Tumayo ka nga dyan!"pilit ko syang hinila patayo pero ayaw nya talaga

May dinukot sya sa bulsa nya at inilabas ang isang maliit na box.Napatakip naman ako ng bibig ko sa gulat lalo na nung makita ko ang laman nun,ang dati kong wedding ring.

"Pano?"taka kong tanong

"Nung tumalikod ka agad kong pinulot,ito kasi ang tanda na mahal natin ang isa't-isa"nakaluhod pa rin sya

"Hans"medyo nasasaktan kong sabi

"Marie,please hayaan mo muna akong magsalita"pakiusap nya

At ginawa ko naman,I stayed quiet. Tumikhim sya muna...

"Marie,alam kong madaming masamang mga alaala ang nangyari satin in the past.Nagkasakitan tayo at nakasakit tayo"naiiyak ako sa sinabi pa lang nyang yun

"Akala ko hanggang dun na lang tayo nung sabihin mong wala na tayo.Pero salamat kasi nagkaroon pa tayo ng isa pang chance.Marie,hindi ko maipapangako na magagawa mong kalimutan ang mga nangyari kasi nakatatak na to sa mga memory natin.At hindi ko rin maipapangako na hindi ka na masasaktan at iiyak saken pero ito lang ang masasabi ko.Masakan man kita,umiyak ka man sa piling ko sisiguraduhin ko sayong hindi ko yun sinasadya.Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka ulit,sisiguraduhin ko na hindi ka magsisisi na binigyan mo pa ko ng isa pang chance"umayos sya ng luhod at mas itinaas ang hawak nyang box

"Marie,will you marry me...again?"tanong nya

I froze by hearing that.Parang nalunok ko ang dila ko kasi di ako makasagot sa kanya.Parang naging bato ako na hindi makagalaw.

Gusto kong sabihin ang dahilan kung bakit pumayag akong sumama sa kanya dito.Kaya lang,hindi ko magawa.Natatakot ako...

"Marie?"tawag nya dahil sa hindi ko pagsagot

And there tumulo na ang mga luha ko"Hans!"napaluhod na din ako at napayakap sa kanya

Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap sa kanya"Marie,b-bakit ka naiyak?"

Pero hindi ko sya sinagot at umiyak lang ako.Hindi ko masabi ang mga dapat kong sabihin.Hindi ko sya masagot

*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N:

Huhu sana basahin nyo pa rin T^T

Anong isasagot ni Marie??At bakit sya umiiyak??

Tears of joy ba itech???

HanRie na nga kaya ang end game ng story????

Last 3 parts til the end!!!

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now