Chapter 61

7.1K 104 11
                                    

Hans' POV

7:30pm...

Okay,malapit na syang mag-out.Makapunta na nga at nang hindi na sya mahintay.

Kahit medyo pagod sa paghahanap ng trabaho ay tumayo na ako at nagbihis.Nakakainis lang kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang trabaho.Well,meron naman kaso kung hindi over qualified eh hindi tugma sa tinapos ko.

Kung tutuusin naman kaya kong pag-aralan yun kaso hindi ko talaga sila makumbinsi.Ito ang dahilan kaya ayaw kong umalis sa kompanya,mahirap maghanap ng panibagong trabaho.Kaya lang kung hindi naman ako aalis baka lalong mapalayo saken si Marie..Haist...

Umalis na ko at sumakay ng jeep.Aayain ko syang magdinner sa labas kaya susunduin ko sya ngayon.Alam kong gastos lang pero may ipon naman ako kaya okay lang.

Bumaba na ako sa kanto ng building at nagsimula ng maglakad papasok.Matawagan nga muna sya at nang malaman nya na malapit na ko,minsan kasi mainipin yun at ayoko naman syang paghintayin...

Calling Bebz Marie...

Sorry,you have insufficient balance to make this call.Please....

Hay!!Kainis naman!Naubusan na pala ko ng load.Di bale,malapit naman na ko eh.

Nung nasa may pader na ako ng building ay nakita ko na ang paglabas nya.Napangiti ako nung nakita ko syang naglalakad na nakangiti rin.Siguro excited din sya sa mangyayari...hehe

Lalapit na sana ako sa kanya kaso nagdiretso sya sa isang itim na kotse.At dun naghihintay ang isang lalaki,hinalikan sya nito sa pisngi at hinayaan lamang nya ito at binigyan pa sya ng bulaklak!Puta!Bakit may dala din syang isa pang bouquet at malaking Teddy bear?!Napakuyom ang kamao ko...

Inalalayan sya nito paikot at nung papasok na sana sya sa pinto ay hindi ko na napigil pa ang sarili ko…

"Marie!"galit kong sigaw

Napatigil naman sila at napatingin sa direksyon ko.Hindi man lang ba sila magugulat?Matakot man lang?!

"Hans-"pero di ko pinansin sya at sinuntok agad ang lalaking humalik sa kanya

"Hans,ano ba?!"galit nyang sigaw

Pinigilan nya ko pero hindi ko sya pinansin at tinuloy lang ang pagsuntok sa lalaking ito...

"Arnold!"tuloy pa rin sa pagpigil si Marie

"Hayup ka!Putang-ina,asawa ko yan!"galit kong sabi at sinuntok ko ulit sya

"Hans,ano ba?!"malakas akong hinigit ni Marie,naihiwalay  nya ako sa dito at inalalayan nya pa sa pagtayo

"Anong ibig sabihin nito Marie?!Ano to!Ano yung nakita ko?!"galit ako at nalulungkot at naiiyak ang sakit kasi eh

Kahit na wala pa syang paliwanag para dun pumapasok na kagad sa isip ko ang isang bagay..may relasyon sya sa lalaking to,niloloko nya ko..

"Ano bang sinasabi mo?!"at talagang magmamaang-maangan pa sya

"Seriously Marie?Ganyan talaga ang makukuha ko sayong sagot?Kitang-kita ko ang ginawa nya sayo!Hinalikan ka nya!"sabi ko habang dinuduro ang lalaking to

"Aia-"sisingit pa sana ito pero akma ko sana syang susugudin

"Ano ba Hans!Umalis ka na!"nagulat naman ako sa sinabing iyon ni Marie

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now