Chapter27

10.7K 118 6
                                    

Aia's POV

"Uuwi ka ba ng maaga mamaya?"tanong ko habang inaayos ang neck tie nya

"Mn...sarapan mong luto ah"nakangiti nyang sabi habang nakayakap sakin

"Kelan ba naging hindi masarap ang luto ko?"biro ko sabay patong ng mga kamay ko sa balikat nya

Mas lumapad naman ang ngiti nya"Oo nga pala,chef ka nga pala.Nga pala,may deliver ka?"

"Mn,sa mga tindahan.Oo nga pala,pati din pala si Sir Arnold nagpapadeliver.Okay lang ba?"

Mula nung nag-away kami lagi na kong nagsasabi sa kanya pag may deliver ako lalo na pag kay Sir Arnold.Alam nyo na para iwas away.

"Okay"tangi nyang sabi

Pag talaga napupunta na dito ang usapan bigla nalang nagbabago ang mood nya.Pag naman tinanong ko kung bakit sasabihin wala.Ewan ko sakanya.

"Sige na,bye na"sabi ko habang tinatangal ang ilang lukot sa balikat nya

"Sige,ingat ka okay?Love you"ayan ngumit na ulit sya!^__^

"Love you too!"nakangiti ko ring sabi

Syempre maaari ba namang mawala ang kiss?Sya pa!Naku,kissing monster din yan...

"Daddy,babye!"si Anika,nagising na pala sya

"Babye baby.Ah!Bigat na ng baby ko!"sya sabay kiss sa pisngi nito

Ibinaba rin naman nya agad ito at isinakbit na ang bag nya

"Alis na ko"sabi pa ulit nya

"Okay"

Hinatid ko nalang sya hanggang sa gate at syempre humingi nanaman sya ng kiss!Takaw talaga!hoho! ^0^ Inintay ko nalang na makaliko sya bago ako pumasok

"Okay...ikaw naman baby,papasok ka pa

*-*-*-*-*-*-*-*

"Sir Arnold ito na yung mga inorder mo"sabi ko sabay abot

Agad naman nya iyong kinuha pag katapos ay kumuha ng pera galing sa wallet nya

"Here.And diba I told you not to call me Sir?Arnold or Brix is fine"abot nya sa bayad

"Hehe sorry,di kasi ako masanay"napakamot ulo kong sabi

"Next time you call me Sir again I will not order again"

Nanlaki naman ang nga mata ko"Naku S..."ops!Preno!"I mean wag naman ganun"

Napangiti naman sya at napatingin sa relo nya

"It's almost lunch.C'mon let's eat"yaya nya

"Naku S....I mean wag nalang nakakahiya na.Lagi nalang"Totoo naman kasi everytime na nagdedeliver ako sa kanya niyayaya nya kong kumain kung di man luch eh meryenda

"That's okay.Besides magkaibigan naman tayo.And please,sige na"and cheese!totoo ba to?Nagpapuppy eyes sya tapos yung kamay nya nakaplease.Oh Mi Ghad!Ang cute!!! (>3

Hindi ko naman napigilang tumawa na nagpakunot sa noo nya"Why?"

Kinompose ko naman ang sarili ko saka nagsalita"Wala di ko lang inexpect na may pagkaisip bata ka rin pala"natatawa kong sabi

"Well,that proves everybody have a childish side within them.So now,will you have lunch with me?"sobrang lapad ng ngiti nyang sabi

"Makakahindi ba ko?"natatawa kong sabi

"No"at yun na nga sumakay ako sa kotse nya at nagpunta na kami sa resto nya

Korean dishes ang menu nila ngayon at hindi ko alam kung makakakain ako.Hindi pa kasi ako nakakatikim ng ganitong klase ng putahe eh.Pero kung sa bagay kung yun ngang French cuisine nakain ko ito pa kaya?

And cheese!Ang sarap nga!(*0*)

Nagkwentuhan pa kami saglit pagkatapos ay hinatid na nya ko sa school ni Anika at hindi pa sya nakontento dun ah!Niyaya nya pa kami sa ice cream shop ng pinsan nya at napafacepalm nalang ako kasi ang daming inorder ni Anika.Kaya naman hindi na ko umorder alam ko naman kasing di kayang ubusin nya yun.Sayang naman pag ganun.

Naglaro pa sila saglit bago kami tuluyang nakauwi.Niyaya ko pa syang pumasok para magkape pero humindi sya kasi may meeting pa daw sya at may mga papers na dapat pirmahan.Nahiya naman agad ako kasi nasayang ang maghapon nya samin pero sabi nya hindi daw kasi nag-enjoy sya.

4pm na rin at kailangan ko nang mag-ayos ng hapunan.Maaga kasing makakauwi si Hans eh.

Actually lagi naman ng maaga syang umuwi ngayon eh.Na syempre ikinatutuwa ko naman.

Maayos na ang lahat...handa na ang hapunan at syempre nakaligo na ulit ako.Syempre para fresh pagdating nya!hihi (^__^)

Kaya lang umabot na nang 8:30 pero wala pa rin sya

"Okay lang yan Aia malay mo may kailangan lang syang tapusin"

30 minutes pa ang lumipas pero wala pa rin sya.Pinauna ko na ngang kumain si Anika para makatulog na sya.

Tiningnan ko naman ang phone ko,baka kasi nagtext sya.Pero wala kaya naman nagsimula na kong kabahan.Sinubukan ko naman syang tawagan pero patay ang phone nya

"Baka nalobat tapos traffic pa.Tama,ganun nga"sabi ko sa sarili at pilit na ngumiti

Pero isang oras pa ang lumipas at wala pa rin sya.Naiiyak na nga ako dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko.

Pero ang lahat ng yun ay nawala ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko.May nagtext.Agad ko namang tiningnan kung sya yun pero hindi.Isang unknown number...

Binuksan ko iyon na pinagsisihan ko nang mabasa ko ang laman niyo

"Iniintay mo ba ang asawa mo?Pwes wag na dahil nandito sya ngayon sa tabi ko.Nakatulog sa sobrang pagod"

Nanginig ang mga kamay ko at nanghina dahilan para kamuntikan ko nang mabitawan ang phone.Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko pero pinunasan ko rin agad

Pinindot ko ang reply option at nagsimulang magtype

"Talaga?Akala mo maniniwala ako sa'yo?Pwes nagkakamali ka!Hindi yan magagawa ng asawa ko!Wag kang assuming!"at madiin kong pinindot ang send

Hindi naman lumipas ang sampung segundo at nagreply na ulit sya
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala.Nagsasabi ako ng totoo.Wag kang maniwala basta ako nasarapan.Kaya kung ako sa'yo wag mo na syang intayin pa"

At dun na nagtuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko.Hindi yun magagawa ni Hans,imposible yun.Pinilit kong pigilin ang luha ko pero hindi ko magawa.

Kahit natatakot ako ay tinwagan ko ang number nya.Nagring iyo saglit.

"Hello?"boses nya yun

"N-nasan k-ka?"nauutal kong sabi

"H-ha?A-ah nasa byahe pa ko.Traffic eh"

"Talaga?"ako pinipilit na huwag nyang mabosesan na umiyak ako

"Oo,sorry kung hindi ako nakauwi ng maaga.Oh ayan,medyo nagalaw na yung sasakyan.Bye na ha?'

"Sige"at pinutol na nya ang tawag

Pinahid ko naman ang mga luha ko at ngumiti.Sabi ko na nga ba,hindi nya yun magagawa.May tiwala ako sa kanya.

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Där berättelser lever. Upptäck nu