Chapter 64

6.3K 85 4
                                    

Hans' POV

"Aalis na ko"lalabas na sana ako pero pinigilan nya ako

"Bakit?"tanong ko,nakasibangot sya

"Pwede bang dito ka na muna?"nakapout nyang sabi

Lumapit naman ako sa kanya ay hinawakan ang mukha nya"Wag kang sumimangot,baka mamana yan ng anak natin"pero imbes na ngumiti o umayos ng itsura ay mas lalo pa syang sumimangot

"Iiihh!Dito ka na lang kasi"nakayakap nyang sabi,sa tingin ko nahihirapan syang gawin yun kasi ang laki ng tyan nya

"Cheska naman,alam mo namang naghahanap ako ng trabaho.Kailangan natin yun,lalo na't kabuwanan mo na"mahinahon kong sabi

Tama,kabuwanan na nya,which means any time ay maaari na syang manganak...

"Yun na nga eh,mas kailangan kita ngayon.Ayokong mag-isa,natatakot ako baka mamaya habang wala ka bigla na lang akong manganak.Paano na ko?"nakayakap pa rin sya

Napabuntung-hininga na lang ako at niyakap na din sya"Oh sige na,ang galing mong mangonsensya eh"

Agad naman syang nagtaas ng tingin at ngumiti ng malapad"Talaga?!"energetic nyang sabi

"Oo na"napangiti na rin ako

"Yehey!"parang bata nyang sigaw na may kasama pang mahinang talon

"Oh tama na,baka mapano ka pa nyan"pigil ko sa kanya

Humiwalay naman agad sya pero nakangiti pa rin.Nagpunta sya sa kusina"Hon,gusto mo ba ng hotcake?"sigaw nya mula roon

"Busog pa ko eh"umupo na muna ako sa sofa

"Okay,ako na lang"sagot nya

Isinandal ko ang katawan ko sa sofa.Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko.

Naalala ko na naman ang mga nangyari,pinipilit ko na ngang makalimutan pero eto at naaalala ko pa rin.Ang sakit pa rin,hindi ko pa rin matanggap.

Pinipilit ko na nga ang sarili ko na sumaya kay Cheska pero wala pa rin,kulang pa rin,kasi hindi sya yun...

"Aaahhh!"nagulat ako dahil sa biglang sigaw na nagmula sa kusina

Sinundan pa iyon ng pagbagsak ng kung ano at may nabasag din.Agad akong tumakbo doon at inabutan ko sya na nakaluhod at pinupulot ang mga nabasag.

"Tama na,ako nang bahal dito baka masugatan ka pa"agaw ko sa ginagawa nya

"Hindi,kaya ko--aaaggh!"sigaw na na parang nasaktan

"Ano?Nabubog ka ba?"titignan ko sana ang kamay nya pero hinila nya iyon at inihawak sa tyan nya

Muli ay nagpakawala sya ng sigaw"Ang sakit!"kitang-kita mo sa mukha nya na sobra talaga syang nasasaktan

"Ha?A-a..teka"hindi ko malaman ang gagawin ko

Inalalayan ko sya sa pagtayo  at dahan-dahan ay nagpunta kami sa sofa.Nakahawak pa rin sya sa kanyang tyan.Humihinga sya ng mabilis at malakas..

"Patrick!!!Aaaggh!Manganganak na yata ako!"hirap nyang sigaw

"Ano?!T-Teka"agad akong tumakbo sa kwarto namin at kinuha ang inihanda nyang mga gamit para sa panganganak nya

"T-Tara na"inalalayan ko sya sa pagtayo at dahan-dahan kaming naglakad palabas

"Pat,ang sakit..Hindi ko na kaya"mahina nyang sabi

"Ano ka ba?!Kaya mo yan,saglit lang"tumakbo ako sa may pila ng tricycle

At nang maarkila ko na iyon ay agad namin syang binalikan at nakita na halos mamaluktot na sa pagsandal sa pader.Agad ko syang inalalayan pasakay at mabilis kaming pumunta sa ospital..

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon