Chapter35

12.7K 146 20
                                    

Aia' POV

Yung ngiting kanina ay pinipilit kong ipakita ay nawala na at napalitan ng sobrang kalungkutan.

Eto na,nandito na ko sa tapat ng bahay.Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pintuan.

Sobrang bagal ng tibok ng puso ko na parang anytime ay titigil na to sa pagtibok.Tuluyan ko na itong nabuksan at nanatili lamang akong nakayuko.

Natatakot ako na makitang wala pa sya dito.Ilang minuto na kong nakatayo lang dun pero wala akong naririnig na ingay.Nagsimula na namang magbadya ang mga luha ko.

Ibig bang sabihin nito nandun pa rin sya kahit nakita na nyang nakita ko na ang sikreto nila?Papanindigan na ba nila ang ginawa nilang kataksilan?

Dahil sa mga naiisip kong iyon ay tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko.

"Marie"napapitlag naman ako ng mabilid pa kay flash na may yumakap sakin

Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi makapaniwalang bahagya syang niyakap.

"Hans"halos walang boses kong sambit

"Sorry, I'm sorry"umiiyak nyang sabi

Dahil dun ay mas napaiyak na ko ng malakas.So hindi nya idedeny na mali ang pagkakaintindi ko sa nakita ko?Tawagin nyo na kong tanga pero yun ang hinihiling kong gawin nya pero kabaliktaran ang natanggap ko.

"Bakit?"mahina kong tanong

Hindi naman sya nagsalita at nanatili lamang na nakayakap sakin

"Bakit?!"ngayon ay lumakas na ito at nagtry ako na kumawala sa yakap nya pero di ko nagawa

Mas niyakap lang nya ko ng mas mahigpit at lumakas din ang pag-iyak nya.

"Bakit?!!!"ngayon ay ubos lakas ko na syang itinulak at nagawa ko namang kumawala

Galit at lungkot ang nakapinta sa mukha ko ngayon.Galit dahil sa ginawa nila at lungkot dahil sila ang dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko ang sya pang gumawa nun saken.

Tumungo lang sya at nanahimik

"Bakit?"sabi ko sa tonong "sabihin mo saken at susubukan kong intindihin"

Oo na,tanga na ko,pero anong magagawa ko?Mahal ko sya at nakasasalay saming pagsasama ang magandang bukas ng anak namin.

Tungkol naman sa dito ay pinasama na nya kay mama sa pag-uwi dahil aayusin daw namin ito.Itinext lang yan saken ni mama.Ang galing lang eh no?Sya pa talaga ang nagsabi nun?Ha!

"Ano,hindi ka ba talaga magsasalita ha??!"sigaw ko

"Sorry,hindi ko sinasadya.Hindi ko yun ginusto"nakatungo nyang sabi at nagsimula nang umiyak ng malakas

Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig ko.Agad ko syang nilapitan at sinampal ng malakas.

"Hindi mo sinasadya?!Hindi pa ng lagay na yon?!Ha!Kelan pa,kelan nyo pa ko sinimulang gaguhin!"sigaw ko habang sinusuntok ang dibdib nya at hinihila ang damit nya

Again umiyak lang sya na mas lalong ikinagalit ko"Sumagot ka!Sagutin mo ko!"habang itinutulak sya

"N-nung nagteam building kami"halos bulong nyang sabi

Lalong naging mapait ang ekspresyon ng mukha ko"Ganun,ganun nyo na pala kong katagal na niloloko?Ha,ang tanga ko naman"binigyan ko sya ng mapait na ngiti

Naalala ko naman yung naging dinner namin nung isang linggo"So ikaw pala?Ikaw pala ang mismong tinutukoy nya nun?Grabe,manghang mangha pa ko nun kasi magkapangalan kayo.Yun pala,ikaw rin yun.Ang galing.Ang galing talaga"nakangiti kong sabi

Siguro masasabi nyo na kong baliw dahil umiiyak ako dahil nasasaktan ako pero nagagawa ko pa ring ngumiti

"Marie,Marie patawarin mo ko.Natakot lang ako na sabihin nya sa'yo ang nagawa kong pagkakamali nun kaya pumayag ako sa gusto nya.Marie,mahal kita at ayokong mawala ka saken.Please Marie,patawarin mo ko.Beb?"nagsusumamo nyang sabi

"Hindi mo ginusto?Ayaw mo lang akong mawala sa'yo?Mahal mo ko?Gusto mong patawarin kita?Hans di yun ganun kadali,niloko nyo ko.Matatanggap ko pa sana kung ibang babae eh pero hindi.Best friend ko sya Hans!Ang sakit!Tapos gusto mo patawarin kita ng ganun nalang?!"naiyak ko ulit na sabi

Lumapit sya pero tumalikod ako,pero ginamit lang nya yun na chance para mailock ako sa yakap nya.Nanghihina ang mga tuhod ko,sa ginagawa palang nya na to gusto ko na agad syang patawarin.Umub-ob sya sa batok ko at umiyak

"Beb sorry,nagawa ko lang yun para wag kang mawala saken"

"Hindi sagot ang pagtatakip ng mali sa mali Hans.Mas lalo mo lang pinalala ang lahat.Eh ano kung sabihin nya saken?Iintindihin ko naman kung sasabihin nyo na "nalasing lang kami,sorry".Kahit parang tanga lang tatanggapin ko pero mas pinili nyo pa ring lokohin ako."

"Please Beb,isa pang pagkakataon.Isa nalang,papatunayan ko sayong nagkamali lang ako.Please"mas humigpit ang yakap nya

Napapikit naman ako at pinilit na pigilin ang luhang sa tingin ko'y di na titigil pa.Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.Hinawakan ang mga kamay nya at ngumiti ng mapait.

"Mahal kita...pero sinaktan mo ko..."sa sinabi kong iyon ay nanlaki ang mga mata niya pagkuwan ay napaluha na ulit

"Pero dahil sa tanga ako...bibigyan pa ulit kita ng isa pang pagkakataon.Subukan natin ulit buuin at ayusin ang pagsasama natin.Ayusin natin to alang-alang sa naging sumpaan natin at para na rin sa anak natin.Pero sana,sana wag mo nang uulitin to kasi hindi ko na alam kung makakaya ko pa ulit tanggapin ka"pigil iyak kong sabi

Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit"Salamat Marie,salamat"

"Wag kang magpasalamat dahil di pa kita napapatawad.Asahan mo rin na hindi na katulad ng dati ang pagtitiwala ko sayo"

Sunud-sunod naman ang naging pagtango nya at hinalikan nya ko sa pisngi tapos ay hinawakan ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata.

"Pangako,hinding hindi na ko makikipag-usap sa kanya.Mangyari man yun trabaho lang at wala ng lalampas pa.At susubukan ko ring ibalik ang dati mong pagtitiwala"

"Wag kang mangako dahil ang pangako ay ginawa lamang upang mapako"

Tumango ulit sya"Oo"

Yun lang at niyakap na nya ulit ako.Alam kong naiinis at nagagalit na kayo saken pero hindi naman porket nagkasala ng isang beses ang mga partner ninyo ay hindi nyo na susubukan pang ayusin ang gusot ninyo.Dahil sa buhay mag-asawa dadating talaga ang oras na susubukin ka ng lust.Nasa sa inyo nalang kung susuko agad kayo o lalaban pa.

Kaya sana...sana lang wala nang mangyari ulit na ganito...

Sana...

*-*-*-*-*-*-*-*
A/n:

Pahirapan pa po natin si Aia..haha para mas bongga ang galit nya diba?haha suggest yan ng asawa ko..hihi (^___^)v

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now