Chapter11

12.7K 148 0
                                    

Zanaia's POV

"Okay baby,tara na"yaya ko sa anak ko

Binitbit ko na ang eco bag na puno ng mga ginawa kong sweets.

Nagdedeliver na kasi ako ngayon sa mga tindahan eh.

Minsan once a weeks pero minsan nagkakadalawa,depende pag nauubos agad.

Nagdadala rin ako sa parak na naging tambayan na namin ni Anika nitong nakaraan.

Laging bumibili sakin yung mga mommies and yayas na nandun..Masarap daw kasi!hihi ^_^

Laki naman ng ulo ko dun!haha ^0^

Nahihirapan ba ko?Hindi ko yun itatanggi kasi minsan ginagabi na ko ng tulog.But that's okay,masaya naman kasi ako sa ginagawa ko.

Payag din naman dun si Hans eh,wala din naman daw syang magagagawa..hihi

"Manong dyan nalang po sa tabi"sabi ko sa tricycle driver

Bumaba ako dala ang bag

"Baby,dyan ka lang okay?Dalhin ko lang to sa tindahan"

Tumango naman sya at agad akong nagpunta sa tindahan.

Hindi naman ako natatakot na baka biglang umalis yung tricycle kasi nirent ko na sya

"Ate Lupe,eto na po ang inorder nyo oh"

Inilabas ko ang 4 na garapon ng pastillas,3 ng polvoron at 4 ng yema

"390 lahat.Dami nyong order ngayon ah!"biro ko sa kanya

"Oo nga eh.Ang bilis kasing maubos,lalo na tong yema mo.Di daw kasi matigas di gaya ng iba"

"Made with love kasi yan!"sabi ko habang kinukuha ang bayad nya

Binilang ko muna iyon bago ilagay sa wallet ko

"Sige po ate,alis na ko.May iba pa kasi kong pagdadalhan"paalam ko

"Sige,sa uulitin ah"

"Opo"yun lang at sumakay na ko sa tricycle

"Kuya sa tindahan po ni Aling Pacing naman tayo"sabi ko sa driver

Nakadalawa pa kong tindahan na pinagdalahan bago kami magdiretso sa park.

Pagdating namin dun 10am na.Medyo mainit na kaya naman sumilong kami sa isang table na may hugis mushroom na bubong

Inabutan namin dun ang iba pang mga nanny at mommies na naging kaclose ko na din.

"Hi mga ate!Oh eto na ang mga order nyo"sabi ko habang inilalabas ang mga garapon

Si Anika?Ayun,wapakels sa init,nakikipagtakbuhan sa mga bata na naglalaro.

Nagsilapit naman sila sakin at nagkanya-kanyang kuha

"Uy Aia,utang muna tong saken ah?Hindi pa kasi ako nasweldo eh"si Ate Maggie,isa syang nanny

"Oh sige ba,sanay na naman ako sayo"biro ko habang inililista ang inutang nya

"Ay naku Maggie!Baka malugi nyan si Aia ng dahil sayo!"si Ate Tan-gi,nanny din

"Ang yabang mo ah!Bakit,babayaran mo na ba yang kinuha mo?"Ate Maggie

Medyo pumihit pihit si Ate Tan-gi tapos ay ngumiti ng pagkalaki-laki

"Utang muna ah.Aray!"pano ba naman kasi binatukan sya ni ate Maggie

"Kung makasalita ka dyan,ganun ka rin naman pala"

"Heh!"at nag-ikutan na sila ng eyeballs

Nagkwentuhan,nagbiruan at nagtawanan pa kami nun nang biglang may lumapit samin na lalaki.

Nakasuot sya ng suit and tie,mukha syang businessman.

"Ah sir,ano pong ginagawa nyo dito?"si ate Mayeh

Kung ganun amo pala sya ni ate Mayeh

"I just come by to pick up the kids"yung lalaki

Hmpf,sungit pala

Tumingin sya sa mga batang naglalaro

"Erika!Suzy!Come here!"tawag nya sa dalawang bata

"Hi Tito!Why are you here?"sabay nilang sabi

So,tito pala nila ang sungit na to

"Come on,we'll go to the mall with your Lola"

"Really!Let's go!"excited na sabi ni Suzy

"Okay"napatingin naman sya sakin tapos sa bag na nakapatong sa lamesa

"Are those candies?"turo nya sa bag

"Ah,oo"

"Tito,those candies are sooo delicious!"Erika

"Yes tito,that's true.Can you buy some for us,please"Suzy

"But we have lots of that in our shop"

"But that's different,these are more delicious" si Suzy na sinang-ayunan naman ni Erika

Tumingin sya sa akin.Ewan ko pero parang bigla akong kinabahan

"Can I taste some?"

"Huh,ah,oo naman"dali-dali kong inilabas ang tatlong tupperware na pang-tingi

Binuksan ko ang mga iyon

"Kuha na kayo"

Lumapit sya at kumuha ng isang piraso ng pastillas.Binuksan nya iyon at kinagatan ng konti.

Alam nyo ba yung feeling na parang gusto mo ring kagatin ang kakagatin nya?Yung parang nadadala ka sa gingawa nya?

Grabe,pasado syang maging product endorser!haha

Sunod naman nyang tinikman ang polvoron pagkatapos ay ang yema

Grabe,para ako nasa isang contest at inaantay na malaman ang resulta ng ginawa ko.

Maya-maya ay tumingin sya sa akin

"Are you the one who made this"

Napalunok naman ako,ang seryoso kasi ng expression nya

"Ah oo"kinakabahan kong sabi

"These are delicious.I don't know but these are way far from the other desserts that we sell but it taste like one"

Hindi ako sumagot,tiningnan ko lang sya

Hindi ko kasi alam kung pinupuri ba nya ako o kinukutya

"Do you always make these?"

"Hindi ho,pag may order lang"

Tumango-tango sya

"So,if I'll order now can I have it tomorrow?"

"Bakit,ilan po ba ang ipapagawa nyo?"

"I'll order each type a dozen of this"kinuha nya ang isang Tupperware "And oh,I'll buy all your remaining candies"dagdag nya

Felling ko lang ba o talagang napanganga talaga ako sa dami ng orders nya?

"Can you make it until tomorrow lunch?"

Napakurap-kurap naman ako

"Ah,opo naman.Ahm,saglit lang po,ipaplastik ko lang ang mga yan"kinuha ko ang mga tupperware na may laman at inilagay iyon sa malaking plastik

"Eto po"abot ko sa kanya

"How much is this?"tanong nya habang kinukuha ang plastic

Dali-dali kong kinalculate kung magkano ang mga iyon

"160 nalang po"

Kinuha nya ang wallet nya at kumuha ng 200 peso bill

"Here,keep a change"

Yun lang at umalis na sya kasama sina Erika,Suzy at ate Mayeh

At kami?Eto hindi pa rin makaget-over sa nangyari

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ