Chapter 65

6.9K 99 11
                                    

Hans' POV

"Here"mahina nyang ibinato ang isang maliit na libro

Nagland iyon sa lamesa,kinuha ko agad iyon at inilagay sa bulsa ko.Tumayo na rin ako at aalis na sana pero nagsalita pa sya..

"Wala man lang bang thank you dyan?I wasted my time just to meet you here and give you that"marahan nyang sabi

"Salamat"hahakbang na sana ulit ako kaso nagsalita na naman sya

"Hope that could help..Btw,congrats,finally your mistress gave birth.Sana lang di nya mamana ang traits nyo"kahit hindi ako nakaharap sa kanya ay alam kong nakangisi sya

Napapikit ako ng mahigpit,nagagalit ako kasi nadadamay dito pati ang anak ko.Pero imbes na sagutin pa sya ay lumabas na ako,may sinabi pa sya pero di ko na inintindi.

Pagkalayo ko ng kaunti sa resto ay napahawak ako sa dingding at sumandal doon.Pakiramdam ko nanlambot ako sa konting oras na nagkaharap kami.Kanina nung wala pa sya ay halos di na ko makahinga,nung dumating na sya ay pakiramdam ko ay hindi na talaga ako humihinga.Pinipilit kong wag syang tignan pero shit ayaw makinig ng katawan ko...

Oo nga at galit ako kasi pinaasa nya lang ako at pinaglaruan pero habang kaharap ko sya parang gustung-gusto ko syang hawakan,halikan at yakapin.Pero hindi pwede,ayoko na,ayoko na kasi alam kong paglalaruan nya lang ulit ako...

Napatigil ako sa pag-iisip dahil biglang tumunog ang aking phone,si Cheska.

"Diba sabi ko sayo magpahinga ka?"bungad ko

"I'm sorry,sabi mo kasi madali ka lang pero halos two hours ka nang wala"kahit di ko sya nakikita bakas naman sa tono ng pananalita nya na naiiyak na sya

"Tsk,hinanap ko pa kasi ang bank book ko"

"Nakita mo na?Babalik ka na ba dito?"napahawak naman ako sa sentido ko

Naiimagine ko kasi na nakasibangot sya at nakanguso...

"Cheska,pupunta pa ko ng bangko para magwithdraw.Mabilis na to,magpahinga ka na,okay?"nagsimula na akong maglakad

"Sige,bilisan mo ah?Miss ka na namin ni Zion Anais Twaylem"ano?

"Ano?"napatigil ako sa paglalakad

"Zion Anais Twaylem,pangalan ng baby naten"nang ulitin nya yun naglighten na ang tono nya

Pati ako ay napangiti"Okay lang ba?Gusto mo ba o ayaw?If ayaw mo pwede naman nating paltan"mabilis nyang sabi

"No,that name fits on her.That'll be her name"nakangiti ko pa ring sabi

"Ma'am, magpahinga na po kayo"dinig ko sa background

"Ha,ahm,saglit na lang"sagot ni Cheska

Alam kong nurse yun"Sige na,mamaya na lang tayo mag-usap.Pupunta pa ko ng bangko"hindi ko na hinintay ang sagot nya,pinutol ko na ang tawag

Nilakad ko na lang hanggang bangko kasi walking distance lang naman yun mula sa resto.Agad akong pumasok at kumuha ng withdrawal paper at finill-apan iyon.Buti na lang at wala masyadong tao kaya naman nakausap ko agad yung teller.

"Good morning Sir,how can I help you"bungad nung babaeng teller

"Magwiwithdraw sana ko"diretsa ko sabi at inabot ang papel kasama ang bank book ko

"Ichecheck ko lang po"at nagpipindot na sya sa computer nya

"Sorry Sir,but the accounts already closed"sabi nito

Halos mapatayo naman ako sa narinig ko"Ano?!"di ko napigilang mapalakas ang pagkakasabi niyon

Pano ba namang hindi,parang kahapon lang nagdeposit pa ko tapos ngayon biglang closed na ang account ko?!Ni hindi pa nga ako napunta ng bangko eh,ngayon pa lang...

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now