Chapter 55

9.6K 124 6
                                    

Aia's POV

Nagising ako ng may mabigat na nakapatong sa may tyan ko.Kinapa ko kung ano iyon at kamay pala.Naalala ko na dito na nga pala natulog si Hans.

Si Cheska?Ewan,baka dun sa isang room.Pano ko naisip?Nandito pa rin kasi ang mga gamit nya.At pano ko nakasigurado na hindi pa rin sya umaalis?Simple lang,kasama ng mga gamit nya ang wallet nya at syempre kung may uuwi man syang kamag-anak ay siguradong hindi sya pasasabayin.Nandidiri sila eh.

Si Arnold?Ewan ko,hindi ko alam.Basta huling kita ko sa kanya ay nung lumabas sya dito sa kwarto.

Binuksan ko ang mga mata ko at kinapa ang phone ko.Binuhay ko iyon at tinignan ang oras,1:30 pa lang.Matagal pa bago mag-umaga kaya matutulog na muna ulit ako.

10 minutes...

20 minutes...

30 minutes...

Arrrgh!inis akong nagpapabaling-baling sa kama sa loob ng kalahating oras pero sleep never came.Halos lahat na nga yata ng position sa pagtulog ay nagawa ko na pero wala din nangyari.

2:00AM pa lang at mukhang wala talagang balak bumisita ang antok saken.Tinignan ko tong katabi ko at sobrang himbing ng tulog nya.

Napabuntung-hininga na lamang ako habang nakatitig sa mukha nya.Hinawakan ko iyon,dati pag tinititigan ko ang mukhang to nakokompleto na agad ang araw ko.Dati ang mukhang to ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko...pero ngayon....Aish!Ano ka ba Aia,kaya lang ganyan ang nararamdaman mo ngayon kasi galit ka pa!

Tama,ganun na nga,pero pag nagawa ko na ulit syang patawarin for sure babalik na ulit sa dati ang dating mga nararamdaman ko kapag nakikita ko ang mukhang to...

Bumangon na ako at sinuot ang robe ko,nakanight gown lang kasi ako.Lalabas nalang siguro muna ako at papasok na lang kapag dumating na si antok.Wala naman na sigurong mga tao ngayon sa beach.Tulugan na eh.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay agad na humampas sa katawan ko ang malamig na hangin.Malamig pero napakasarap na langhapin.Niyakap ko na lamang ang sarili ko para kahit papano ay mawala ang lamig at lumabas na ng tuluyan.

Mabagal akong nalakad sa may dalampasigan at hinayaan ang mga maliliit na alon na dumampi at basain ang mga paa ko.Malamig pero masarap.Tinignan ko din ang langit na maliwanag dahil sa full moon ngayon madami ding bituing kumukutikutitap.Ang ganda din ng kulay ng langit,may part na maiitim at may part na dark dark blue.

Nakakaenjoy lang,feeling ko tuloy kahit papano ay narerelax ang isip ko at parang nawawala ang lahat ng stress at sakit at lahat ng negative vibes na nasa sa katawan ko.

Naglakad lang ako at nang medyo nakalayon na ako ay tumigil ako.Sumandal ako dun sa malaking bato na nandito di kalayuan sa dalampasigan.Nakakaramdam na ko ng antok pero tinatamad pa kong pumasok.Ang sarap kasi sa pakiramdam.Pumikit ako,wala naman sigurong maliligaw dito diba?

"What are you doing here?"nagulat ako dahil sa biglang may nagsalita

Napamulat agad ako at mabilis na tumayo.Natakot din ako kasi baka mamaya delekado pala ako sa taong nakakita saken dito.

Tinignan ko kung sino iyon at nakita sa taas ng bato ang isang lalaking nakaupo doon.Nakahinga ako ng maluwag ng mapagsino iyon.

"You scared the hell out of me.Akala ko masamang tao ka"sabi ko habang nakasapo sa dibdib ko

Umupo na ulit ako at sumandal sa may bato.Narinig ko naman ang pagbaba nya.

"Can't sleep?"naramdaman ko ang pagtabi nya,pumikit na ulit kasi ako

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now