Chapter 48

10.9K 135 17
                                    

Cheska's POV

"Besty,dito!"tawag pansin saken ni Aia

Nakangiti sya habang kamakaway.Nandito kami ngayon sa cafeteria para maglunch.Tatlong araw na rin kaming ganito.

Sabay kumain,pati na rin umuwe.Marami nga ang nagtataka kasi alam nyo na parang noon lang halos patayin na namin ang isa't-isa tapos ngayon eto kami at laging magkasama.

Nandito na rin si Pat at inalalayan akong umupo.Alam nyo since that day nag-iba na sya,in a good way naman.Kaya lang hindi pa rin ako masanay,naiilang pa rin kasi ako peri syempre nag-eenjoy din.gulo ko ba?Ah ewan basta masaya na ko sa lagay namin ngayon,maliban na lang dun sa mga bulungan dito.

"Sorry nalate ako.Tinapos ko pa kasi yung pinapatignang computation ng sales last month"paliwanag ko habang nakaupo

"Okay lang,atsaka hindi naman kami nainip,right Hans?"matamis na nginitian ni Aia si Pat

"Ha?Ah,oo"yun lang ang nasabi ni Pat at kumain na sya

Nailang naman ako bigla at napatingin sa kanilang dalawa.Nagkukwento si Aia ng mga happy memories nila ni Pat and I find that out of place kasi diba nandito ako,tama bang pag-usapan nila ang nakaraan nila?To think na ang saya pa ni Pat sa pagreminisce ng mga yun.

Napahinto naman sila sa kwentuhan nila at napatingin si Aia with wide eyes at parang may narealize syang nagawang mali.Napatakip sya sa bibig nya.

"Oh My Ghod,I'm sorry!Ano ba yan?Tama ba namang pag-usapan namin ang mga yun sa harap mo?Cheese, that was so wrong,I'm sorry.Nakakatuwa lang kasing alalahanin ang mga yun,di ko napigilan.Sorry talaga,nakalimutan ko,that was so rude"at hinawakan nya ang kamay ko

Ngumiti naman ako ng tipid at hinarap na ang pagkain ko"Okay lang,atsaka past na naman yun.Hindi na mauulit"

*silence *

Tinignan ko sila at nakita kong si Pat ay nakatuon ang atensyon sa pagkain habang si Aia naman ay nakatingin saken ng nakangisi na agad namang napaltan ng ngiti.

"Nga pala Besty,anong gender ng anak nyo?"sabi nya habang nagsimula nang kumain

Hinawakan ko naman ang tyan ko at ngumiti"Babae"

"Anong naisip mong name?"

"Hindi ko pa nga rin naiisip eh pero gusto ko sanang pinaghalong pangalan namin ni Pat"hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa tyan ko at patuloy sa paghimas

"Ingatan mo sya ah?Wag mong pababayaan,sige ka ikaw rin"napatingin naman ako sa kanya at hindi sya nakatingin saken

"At hindi ba dapat sa bahay ka na lang?Hayaan mong si Hans na lang ang maghirap tutal ginusto naman nya yan eh"again napatingin ako sa kanya pero sa pagkain nakatuon ang atensyon nya

Hindi na lang ako umimik at isinantabi ko nalang ang mga negative na pumapasok sa isip ko.Siguro naman wala syang ibang ibig sabihin dun.Okay na nga kami diba?

Natapos ang lunch na tahimik kami hanggang sa nasa elevator na kami pabalik sa dept namin.

"Nga pala,Hans"basag nya sa katahimikan

"Bakit"humarap sa kanya si Pat

"Naalala ko lang hindi ka pa nga nakakadalaw sa puntod ni Annika.Baka lang kasi magtampo sya"nakayuko nyang sabi

"Ah,nakadalawa na ko sa kanya"malayo na rin ngayon ang tingin ni Pat

"Ganun ba?Eh pwede bang tayong dalawa naman ang dumalaw sa kanya?Kung okay lang naman kay Besty"tumingin sa Aia sa gawi namin

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now