Chapter40

13.5K 173 20
                                    

Aia's POV

"What do you want?"agad kong tanong nang makaupo ako

Hindi naman nya iyon sinagot bagkus ay itinuro yung menu"Bakit di muna tayo umorder?Nagugutom na rin kasi ako"medyo nakangiti nyang sabi

Napataas naman ang kilay ko sa inaasal nya.Ano kayang gusto nyang mangyari?

"C'mon Aia,para namang di tayo naging magkaibigan once upon a time"mas lumapad pa ang ngiti nya

"Yeah,that's once upon a time nalang.At hindi na yun ulit mangyayari"blank faced kong sabi habang pinipilit na kumalma at itago ang galit

Huminga naman sya ng malamin saka tumingin sakin ng malungkot"I'm sorry Aia,hindi ko ginustong mahalin din ang asawa mo.Aaminin kong naiinggit ako sa'yo noon at hinihiling na sana...sana isang Patrick na lang din ang magmahal saken.Masyado syang mabait,hindi rin nya hinahayaang maramdaman kong mag-isa ako..."

Itinaas ko ang kanan kong kamay sa may harap nya para pigilin sya"Stop.Keep it,I don't need your stories.Kung yan lang din ang dahilan kung bakit ka nakipagkita saken then I'm going"tatayo na sana ko kaso pinigil nya ko

"Aia,please, listen"sabi nya with pleading expression

Ayokong makausap sya pero nakucurious ako sa kung ano mang gusto nyang mangyari.Ang dahilan kung bakit sya nakipagkita saken.Kaya naman umupo ulit ako.Sana lang hindi ko pagsisihan ito.

Huminga ulit sya ng malalim"I know nasasaktan lang kita lalo sa ginagawa kong to.But I need to tell you the other side of the story.Aia,I fell in love with your husband"

Agad na napakuyom ang palad ko na hinawakan naman nya agad

"And something happened to us na nga.I blackmailed him,sabi ko sasabihin ko sa'yo to kapag di nya sinunod ang gusto ko.And that is to have a secret affair with me.I'm so crazy in love with him na nagawa kong lokohin ka.I thought okay na ko sa patago at pakikihati but then hindi pala.And that's when I did that step,making you see our dark sin"

"Bakit mo ba sinasabi saken to?Para ipakita kung gano mo kadaling nakuha,napaikot at naagaw saken ang asawa ko?"medyo hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko

"No,no.Hindi ganun.Gusto ko lang malaman mo kung gano ko kamahal ang asawa mo.I need him Aia,I need him right now"

"You need him...You need him.Okay,sa'yo na sya"back to calm me

Nanlaki naman ang mga mata nya at naiiyak na ngumiti"Aia.Salamat,his child really needs him now.At...at...Aia,alam mo naman kung gano kailangan ng magiging anak namin ang isang buong pamilya hindi ba?"

Darn it!Ayoko ng itinatakbo ng usapang ito.Hindi ko sinagot ang tanong nya.

"Aia,taqagin mo ng makapal ang mukha ko but...I need you to sign this"inilabas nya ang isang folder

Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko nang makita iyon.

"Aia?"

"No"pinal kong sabi sabay tayo at naglakad

Hinabol naman nya agad ako at pinigil"Aia,wait!Alam kong kalabisan na to pero my child needs to have a complete family.Please,para sa anak ko"nagmamakaawa nyang sabi

Alam kong gumagawa na kami ng eksena but I don't care.Galit ako at hindi ko na iyon itatago.

"Kompletong pamilya?Isipin ko naman ang anak mo?Bakit Cheska,naisip mo ba yan ng landiin at agawin mo ang asawa ko saken?Naisip mo ba ang anak ko?Si Annika?Naisip mo ba sya?Namatay sya ng dahil sa inyo,Cheska!Pinatay mo sya!Kung sana naisip mo yan bago mo ginawa yun eh di sana buhay pa ang anak ko!"sigaw ko

Wala akong pakialam kung pag-usapan man kami ng mga tao dito.Ang gusto ko lang ay mailabas ang galit ko.

"Aia wag mo saken isisi ang nangyari sa anak mo!Hindi ko ginusto yun!Hindi naman ako ang may hawak ng manibela nun at bumangga sa kanya!Hindi ko ginusto yun.Tawagin mo na kong walang hiya pero kailangan ng anak ko ng isang pamilyang hindi nya ikakahiya.Ayokong maging bastardo lang sya"

"Hindi nga ikaw ang may hawak ng manibela pero ikaw ang dahilan kung bakit ko sya iniwan dun.Kaya ikaw ang pumatay sa kanya!At anong sinabi mo?Ayaw mong maging bastardo lang ang anak mo?C'mon Cheska,wake up.Hindi lahat ng gugustuhin mo makukuha mo.Hindi ko pipirmahan yan,wala akong pake kung mabuhay man sa kahihiyan ang anak mo.It deserves that"

"Napakaselfish mo naman Aia!At wag na wag mong tatawaging it ang anak ko dahil tao sya at hindi hayop!At sana naman wag mo syang idamay sa galit mo saken.At isa pa wala ka na namang anak kaya..."pero di na nya yun natuloy dahil nasampal ko na sya

"Ako pa?Ako pa ang selfish?Hinayaan ko na ngang mapasayo ang asawa ko diba?At ano kung wala na ang anak ko?Ito ang tandaan mo,hinding-hindi ko pipirmahan yan.Mabuhay kang kabet habang buhay"tumalikod na ko at aalis na sana kaso tumigil ako at humarap sa kanya

"Nakalimutan ko pala.Pinahiram ko nga lang pala sa'yo ang asawa ko kaya sulitin mo na.At please lang,kung gusto mo pa syang makasama ng mas matagal wag mo kong iprovoke na kuhanin sya pabalik"

Napakunot naman ang noo nya"A-anong ibig mong sabihin?"

"You can have him now Cheska but I will have him last.His mine.Kaya higpitan mo naa ng hawak mo sa kanya ngayon.Kasi baka mamaya sumpungin ako makuha ko sya"

Yun lang at umalis na ko.Anong akala nya?Basta ko nalang ibibigay sa kanya ang asawa ko?I'm not that stupid.But hey,nagustuhan ko yung itsura nya kanina ah?That fear in her face.I like that.

*-*-*-*
"Gusto nyang pirmahan ko yung annulment papers"sabi ko sabay subo ng strawberry parfait

"Did you signed it?"si Arnold

Nandito ako ngayon sa shop nya at naglalabas ng galit.Ang dami ko na ngang nakakain eh

"Ano ko?Bale?Syempre hindi!Napakatanga ko naman kung basta ko nalang ibibigay sa kanya ang asawa ko no"sabi ko na hindi tinatanggal ang atensyon sa kinakain ko

"Do you still love him?"

Napatigil naman ako at tumingin sa kanya"Yes,I do.Kaya nga hindi ko magawang pirmahan yun diba?I love him kaya nagagalit ako.Mahal ko sya kaya gusto kong magdusa sila sa ginawa nila.Mahal ko sya kaya gusto ko syang mabawi"pigil iyak kong sabi

Hinawakan naman nya ang kamay ko"That's not how love is Aia.Love is letting go if you have to.Even if it hurts to see the one you love happy in someone's arms even  if it hurts you a lot"

"Pano mo naman nasabi yan?Bakit,naranasan mo na ba yan?"pilit kong pinapasigla ang boses ko pero di ko magawa

Hinawakan nya ang pisngi ko at ngumiti ng malamlam"I am Aia.I am"

Inilayo ko naman ang mukha ko at pinilit na patigasin ang dibdib ko"Talaga?Well ang tanga mo naman?Haha Hindi mo ko katulad Arnold.Itutuloy ko pa rin to.Gusto kong magsisi at magdusa sila"

"Aia"

"No!Ayoko,gagawin ko to hanggang sa lumuhod sila sa harapan ko at umiyak ng dugo.Basta gaganti ako kaya sana wag kang humarang kasi ayokong pati ikaw makabangga ko"yun lang at umalis na ko

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N:
Ugh!tigang!Wala akong maisip!Pano nyo ba gustong parusahan ang mga taksil?Intayin ko comments nyo okay?

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now