Chapter 111 - Trust it

788 48 4
                                    

Chapter 111

Jeisen Jee POV

Speaking of the great Attorney Zarte. Hindi ko pa pala nakakausap sina Attorney Amil at Attorney Bernal para sa darating na hearing.

Inubos ko muna ang kinakain ko saka tumayo. Ang atensyon ng lahat ay nasa amin ngayon.

And Coline..

Ang sama ng tingin sa 'kin.

Hindi na ata maaalis yun.

"Omeegee. This is so nakaka, girls. Wait. Are you done na ba mag-eat?"

"Oo nga flower girl, tapos kana?"

"Kukukuku.. Kuku. Ku ku ku."

"Gosh! ALL OF YOU. PWEDE BA KUMAIN NALANG KAYO!"

"Pucha. Ganito pala dito?"

Ganito nga dito, Amanda.

Kaya talaga minsan mas gusto ko mapag-isa nalang dahil mas tahimik at wala ako masyadong nakakausap.

Mas nadedrain energy ko sa ganito.

So Aston and Jin. Parang nagdadalawang isip kung magsasalita ba o hindi. Pero mas mabuti na yung wala akong marinig mula sa kanila para wala din akong kakausapin kung sakali man.

"My prince," biglang salita ni Coline habang nakahawak sa braso ni Gareth at ngumisi na sa akin. Parang nang-iingit. "Diba may pupuntahan pa tayo pagkatapos dito?  Alam mo na, yung dating gawi natin. Alis na kaya tayo."

Napangiwi ako.

Dating gawi? Kung wala akong alam sa dalawang ito, malamang iba iisipin ko.

Inikot ko ng kaunti ang leeg ko at batok. Pakiramdam ko nilalamig ito.

I can't be jealous.

Pero naninibago ako ngayon.

My cousin Maggie, siya ang dapat kasama nila. Tapos ngayon sa akin na ito nakikiusyoso. And she's right, it's all my fault. Kung hindi dahil sa akin,  wala sanang away ang magbarkadang ito.

Pero mas pinili ako ng pinsan ko.

"What a bitch," nakataas kilay na sabat ni Maggie agad dito. "I didn't know that you are this too desperate. Nakakadiri talaga ang kalandian mo, Coline. Dapat matagal na kitang inalis sa cheering squad. And you, liu, bumaba na nga pala talaga taste mo. I really can't believe that you are with her! Mas pinili mong sumama sa shulok na babaing ito! Oh gosh!"

"Oh gas. Oh gas. You shut down!" biglang sigaw ni Coline naman dito.  "Yang pinsan mo ang malandi. Mang-aagaw sa lahat ng mang-aaga--"

Nagulat nalang kami ng may biglang lumipad na plato sa harapan nito.

"Got yeah! Pucha ingay 'e."

"Amanda, you bitch!" natutuwang tili ni Maggie. "Ngayon lang ako natuwa sa 'yo!"

"Woah! Galing nun," parang ewan na komento ni Aston. Si Jin naman na nasa tabi nito nakatingin lang. Lalo na sa akin. "Sakto talaga sa mukha."

"Quemerda! Aish. Coline, are you okey?" nag-aalalang tanong agad ni Gareth sa nakahandusay na si Coline.  "Aston, let's go. Dalhin natin siya sa clinic. She's not well yet. Baka mabinat ito. Aish."

Pero hindi na ata ito nakapaghintay at kinarga na niya ito. Hindi man lang niya kami tinapunan ng tingin pagkaalis. Ganun din ang ginawa ni Aston maliban lang kay Jin na naiiling.

"Omeegee, I am nalilito here."

"Ako rin, flower girls. Hi hi?"

"Ano bang nangyayari? Kukuku. Nakakapanibago silang lahat. Kukuku."

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon