BM29 - Social experiment

22.5K 672 62
                                    

Chapter 29

Gareth Liu POV

Sinamahan muna namin ang mga bisita ng school para nag lunch pagkaalis namin ng gym. Pinag usapan lang namin ang mga kakailanganang dokumento at plano sa school. Nagpaalam narin sina master para umalis pagkatapos naming mananghalian. Kami naman nina Aston ay bumalik agad sa university.

Papunta na sana kami sa office ng SSG pero napahinto agad ako dahil sa narinig kong usapan ng mga lalaki na ikinanuot ng nuo ko.

"Tingnan niyo dude, si Jeisen 'to ng CAS. Kinuhan ko ng picture kanina."

"Siya ba talaga 'yan? Grabe ang ganda niya."

"Patingin nga ng picture niya. Wow! Ang sexy ng legs."

"Ngayon lang siya nagsuot ng sexy na damit ah. Balita ko siya ngayon ang representative nila. Ang talino raw niyan. Beauty, body and brain. Ang sarap segurong maging girlfriend 'to."

"Lipat na kaya tayo ng CAS mga dude."

Hindi ko alam kong bakit naiinis ako. Pinag aagawan kasi nila ang litrato ni Jeisen na kinunan nila kanina. Iniwan ko muna si Aston na may kausap na naman sa phone. Si Jin nag punta muna saglit sa canteen.

Mga engineering student ata ang mga ito.

Pinuntahan ko agad sila sa may open kiosk na tinatambayan nila. Napatahimik naman sila pagkadating ko.

"Mr President, anong maitutulong namin sa'yo?" Tanong ng lalaking may hawak ng phone. Siya ata itong kumuha ng picture niya.

Seryoso ko naman silang tiningan.

"Can I borrow your phone?"

Binigay niya agad ito sa'kin.

Si Jeisen nga ito na naglalakad sa may hallway naka sabit sa balikat niya ang malaking niyang bag. Sa isang kamay niya naman isang bag na panglalaki. Kapareha ito ng bag na nasa tabi ni Seb kanina sa gym.

Ito ba 'yong rason kung bakit napunta siya kanina sa lugar na 'yon? So, hinatid niya ang bag nito? Mapakunot na naman ang nuo ko ng maisip ko 'yon. Sineswerte naman ata ng lalaking 'yon.

Ang iksi pa ng shorts na suot ni Jeisen na mas lalong kinainis ko Hindi dapat siya nag susuot ng mga ganitong kaiksing damit. Tsk

Ganito naman ang mga suot ng mga cheer leaders ng school kapag nag pa practice. Pati na rin sa ibang sports ng school. Pero iba kasi at si Jeisen ito.

Parang bigdeal kasi sa mga lalaking ito na nakita nilang naka suot ito ng maiksing damit. Hindi na ako nag dalawang isip na burahin ang picture niya.

Binalik ko agad sa kanila ang phone.

"If you take photos of her next time. Expect my wrath of punishment. Understood?"

Tumango naman sila.

Hindi ko rin alam kong bakit ko 'yon ginawa at sinabi. Umalis na agad ako at iniwan sila. Narining ko namang nagsalita ang kasama nila na hindi ko alam kung bakit ko ikinatuwa.

"Para picture lang nagalit na agad si Mr President sa 'tin."

"Naku dude, baka girlfriend niya si Jeisen hindi lang nila sinasabi. Nakita ko kasi sila last time na magkasama. Mukhang hinatid niya ito."

Girlfriend si Jeisen? Nakita pala nila kami last time at 'yon ang naiisip nila.

"Parang hindi naman... baka type niya rin 'to."

Napa kunot naman ang nuo ko sa sinabi nung isa. Si Jeisen type 'ko? Gusto ko na nga ba siya? Napapailing ako. No, it can't be. I have priorities than liking her.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon